Chapter 8

7 2 0
                                    

Chloe's POV:

Still flashback......

"Ayyyy! Ang daya mo naman,Ate Joyce eh!" buryong ani ni Apple habang napapakamot pa sa batok nito. Sakanya nanaman kase tumapat yung bote.

"Anong madaya d'on,Apple ha? Ako lang nag ikot pero hindi ako yung nagtapat sayo. Ano truth or dare?" aning Joyce at saka tinignan ng nakangisi si Apple na buryong-buryo na.

Mga ilang minuto na din kaming naglalaro ng truth or dare at dahil nga palaging tumatapat kay Apple ay siguro nagsasawa na ito dahil naubos na ang isasagot nya sa mga mahaderang tanong ni Joyce, chismosa 'to kaya malamang sa malamang tungkol sa lovelife ni Apple ang tinatanong nya.

"D-dare!" pagsuko ni Apple, ni minsan kase hindi pa sya nagdedare and this is the first time that she'll choose dare.

Nagningning ang mga mata ni Joyce na parang may ibang balak ito kaya kita naman ang biglaang pagsisisi ni Apple na nag dare pa sya.

"Ipakilala mo kay Chloe 'yang manliligaw mo." aning Joyce at saka nag crossed-arms pa. Napatingin saakin si Apple. At dahil nga nabanggit saamin kanina ni Apple na may manliligaw sya pero hindi nya pa sinaaagot, binalaan ko sya kanina na wag na wag muna syang magjojowa dahil baka matapon ko sya papalabas ng condo.

Syempre,kahit na hindi nya ako totoong ate o kapatid,binibigyan importansya ko pa rin ang pag-aaral nya at lalo na ang mga magulang nitong naghihirap para sakanya na neto lang nakaluwag ng mabiyayaan,tsaka ako na rin sumasagot sa tuition nya. That was all nothing for me, pero malaking bagay ito para sakanya dahil kailangan nyang makapagtapos para sa mga magulang nya so say no muna sa mga manliligaw.

"Ahh... Ehhh.... Ate...." nauutal at kinakabahang ani ni Apple habang yung dalawang hintuturo nito ay magkadikit habang nasa tapat ng baba nya.

"Don't be a bitch,Apple. Finish your study first." mataray kong sagot dito at saka sya inirapan. Sanay na sya sa pagtataray ko kaya kiber.

"Sabi ko nga po,busted siya eh." ani pa nito at saka tumingin kay Joyce.

"Ate Joyce,iba nalang! Magagalit si Ate!" nagpapacute na ani ni Apple habang hinahatak sa laylayan ng damit nya si Joyce.

Agad naman na nairita si Joyce at saka binawi ang laylayan ng damit nito. "Te may problema ka saken ha?" pagmamataray ni Joyce pero natawa lang si Apple.

"Ate parang kang feeling war freak WAHHAAHAHA!" halakhak naman ni Apple.

Hindi na ito pinansin ni Joyce at pinaikot na ulet ang bote at saktong tumapat ito kay Chitt na bored na bored na habang nakatingin lang sa kawalan.

"Naks,sanaol si Chitt." asar ni Joyce. "Mukang may mapagtitripan nanaman ako ah. Hmm... HAHAHAAH!" sambit ni Joyce habang nagtataas at baba pa ang kilay nito at saka lumingon kay Apple na parang may binabalak silang gawing dalawa saamin ni Chitt.

"Truth or dare?"

"Uhmm.... Truth." plain na sagot ni Chitt saka ako nilingon at nginitian. Bumalandra naman saakin ang maputi at straight nyang ngipin. Pandelecheng kang bakla ka! Agad akong nag iwas ng tingin. Hanep!

"Bakit mo nililigawan bestfriend ko?" diretsahang tanong ni Joyce. Patango-tango lang si Apple pero nakangiti ito at naghihintay ng sagot.

"Because I love her."malumanay ngunit seryoso nitong sagot.

Nagtilian yung dalawa habang naghahampasan sa harapan namin ni Chitt. Napairap nalang ako kase required ba talagang kapag kinikilig maghahampas ng katabi? Dzuh. Kinilig din naman ako pero di ako nambugbog ng katabi.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jun 04, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

He's Inlove With A KontrabidaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt