CHAPTER 4:

2.3K 59 16
                                    


KINABUKASAN ay nakatulalang naglalakad si Taehyung papasok sa kompanya. Wala s'yang tulog dahil sa sinabi ng boss n'ya. Ano ba kasi ang dahilan neto at ayaw s'yang i-reassigned do'n sa USA?

It's a personal matter kaya gusto n'ya ro'n sa USA mag trabaho. May nagmamanage rin doon at kahit na janitor lang s'ya ro'n ay ayos lang kailangan na kailangan n'ya lang talaga makapunta sa USA.

"Aga nating sabog ah? Kumusta?" Napatingin s'ya sa ka-office mate n'ya na si Jin. Huminga s'ya ng malalim.

"Wala akong tulog eh. Daming iniisip, ito buhay pa naman. Eh, ikaw ba?" Umupo na s'ya sa desk n'ya. Tumawa naman ito at namumula.

"Uh.. okay lang din naman masaya." Tumango s'ya dahil halata naman ditong masaya nga ang binata.

Nakatulala pa rin s'ya. Ano ba ang pwede kong gawin?

"Kanina ka pa talaga problemado. Ano ba iniisip mo?" Napatingin s'ya kay Anna nang magsalita ito.

"Gusto ko sanang maassign do'n sa USA."

"Oh? Bakit? May problema ba rito?" Umiling s'ya at tinignan ang pintuan ng boss nila.

"Hindi. May kailangan lang ako ro'n."

"Kung gano'n, you don't need to work and punta ka na lang do'n may pera ka naman 'di ba? 9 years mo rong napag-ipunan 'yon." Bigla ay napatingin s'ya kay Anna.

Oo nga no? Ba't di n'ya naisip 'yon? Mabilis na chineck n'ya ang phone at ang pera n'ya sa bank account. Napangiti s'ya nang aabot na sa million ang pera n'ya ro'n. Dahil siguro ito sa pati weekend nag tatrabaho s'ya, samahan mo pa ng s'ya ang magluluto minsan.

Tumawa s'ya at niyakap si Anna napatili naman ito. Wala na s'yang pake sobrang saya n'ya.

"Yes! Thank you for giving me that idea!" Pakiramdam n'ya ay may bumaba na anghel sa langit na kahit sinong dadaan ay talagang yayakapin n'ya.

Napatigil s'ya nang may suminghap sa likod n'ya. Napaigtad siya at napaayos ng tayo nang makitang boss niya 'yon.

"Come to my office now." May diin ang boses neto. Napatingin s'ya sa mga kasamahan n'ya lalo na kay Jin na ngiti-ngiti lang ang loko.

Umiling siya at pumasok na sa office ng boss. Nasa likod lang siya nang humarap sa kanya ang boss n'ya.

"Ano? Nakapag-isip ka na ba?" Napakagat siya ng labi at tinignan ang boss. Napatingin naman sa kanya si Jungkook dahil sa pagkagat niya ng labi.


KANINA pa wala sa mood si Jungkook dahil sobrang init ng office niya dahil hindi na pala maayos ang aircon tapos dinagdagan pa no'ng nakita niyang may kayakap ang sekretarya niya.

"Pupunta na lang po ako sa USA at ako na lang po ang maghahanap ng trabaho ro'n, it's up to you sir if you will fire me but my choice is my choice, sir." Nakayuko na sabi ni Taehyung. Tinignan n'ya ito ng mabuti.

Nag-init ang ulo n'ya at hinubad ang coat na suot. Tsaka tinanggal ang neck tie tapos ay inunbuttom ang tatlong butones.

"Why are you doing this? What's wrong with you, Mr. Kim?" Nakakunot na tanong n'ya habang lumalapit sa sekretarya n'yang matigas ang ulo.

"Sir, I told you it's a personal matter." 'Di mapagkaila na namumula ang pisngi neto.

Blushing, huh? Hmm. Handsome. Ngumisi siya nang umatras ito habang lumalapit siya.

"Are you not satisfied here? Kulang ba ang sweldo? Pangit ba ang office? What?"

"S-sir. Hindi po maganda po ang o-opisina pati na ang mga tao dito, sadyang may k-kailangan lang– what are you doing, sir? Stop walking!" Inis na sabi nito.

Ito pa talaga ang may ganang mainis sa kanya siya itong nakakainis. Matigas ang ulo. Hanggang sa napasandal ang sekretarya sa pader.

Nilapit niya ang mukha niya at naamoy niya ang mabangong hininga nito.

"I will offer you everything, name it and I will give it to you." Napakagat ng labi si Jungkook at dahan-dahang nilapit ang labi sa labi ng sekretarya.


PIPIKIT na sana si Taehyung nang lumayo ang boss niya. Napakagat siya sa labi at umayos ang tayo nang nakalayo na ang boss.

He sigh deeply when he feel his heart beating and feel his face heating. His boss is the one who can do this to him. No other.

"Still think about this or else mauubos ang pasensya ko at hindi ka na makakapasok ni isa sa mga kompanya ko." Yumuko siya at mabilis na lumabas habang sapo ang puso.

Damn it. Why does he feel like this? Wala dapat. Hindi dapat. Lalaki siya at babae ang gusto niya. No freaking way.

"Oh? Ba't parang namumutla at pinagpapawisan ka?" Napaigtad siya nang nagsalita si Namjoon. Umiwas lang siya ng tingin.

"W-wala po sir." Nahihiyang sabi pa niya. Bago makapasok si Namjoon ay napatingin pa ito sa gawi ng desk niya. Nakita niyang nakatingin ito kay Jin.

"You know him?" Turo ni Namjoon kay Jin. Tumango naman ako.

"Yes, sir. He is Seokjin. He is also a doctor, sir. Sabi n'ya ay part time niya lang ang pagtatrabaho rito." Hindi n'ya alam pero feeling niya responsibilidad niya na sabihin kay Namjoon ang nalalaman n'ya kay Jin.

"Doctor, huh?" Tumawa ito at pumasok na sa loob. Nagtataka pa siyang tinignan ito at umasta siyang alam ang lahat.

Napakagulo ng tao.

Lumapit na siya kay Jin at nakipag-usap dito.

"Tara inom? Libre ko." Wala sa sarili niyang sabi. Napatingin naman sa kanya ang kaibigan.

"Tara! Basta ba't libre mo!"

Umiling na lang siya. Kuripot ang tangina.

WHAT'S WRONG WITH SECRETARY KIM? [COMPLETED]Where stories live. Discover now