CHAPTER 26:

1.6K 42 5
                                    

NAPAKUNOT ang noo ni Taehyung nang naglalakad mag isa si Neeko sa opisina. Nasaan ba ang Papa neto? Tinignan n'ya ang buong opisina, wala namang tao.

"Handsome uncle!!" sigaw neto at niyakap s'ya. Kinarga n'ya naman ang bata.

"Bakit nandito ka? Sinama ka ba ng Dad mo?" tumango ito, dahil naiinip ang bata nilabas n'ya naman ng office.

"Daddy is downstair! He buy me a food! I am hungry Handsome Uncle." nakangusong reklamo neto sa kanya humawak pa talaga sa tyan neto, natatawa naman s'ya sa kakyutan neto.

This kid is a kind. Kaya naman ay mabilis lang gumaan ang loob n'ya sa batang ito dahil hindi naman mahirap pakisamahan. 'Yun nga lang makulit.

"Sabi nila anak daw 'yan ni Sir."

"Talaga ba?"

"Oo! Narinig ko before ang issue na iniwan daw si Sir ng fiancee before!"

"Nako kawawa naman pala si Sir before!"

"Kaya nga eh. Ang swerte ng babae gwapo ng anak oh parang prinsipe."

"Kaya nga!"

'Yan ang naririnig n'yang bulong-bulongan pagbaba n'ya sa deparrment nila. Napatingin si Jin sa kanya at sa bata.

"Sino 'yan?" tanong neto at sumabay na sa pagbaba sa kanya.

"Anak ni sir." walang ganang sabi n'ya, napahawak naman si Neeko sa leeg n'ya nang bumaba na ang elevator.

"Huh?! Anak?!" sigaw neto. Kaya napasimangot silang dalawa ni Neeko."S-sorry nabigla lang."

"Oo nga. Halata naman di'ba? Mukha pa lang may pinagmanahan na!" natawa silang dalawa at bumaba na sila. Napalinga-linga pa s'ya.

"Handsome uncle. Who is he po?" tanong neto sabay turo kay Jin.

"Ah kaibigan ko. Meet your Tito Jin!" kumaway naman si Neeko at kinurot ni Jin sa pisngi si Neeko.

"Ang cute mo. Akalain mo nakashoot pa si sir!" nakakaloko ito kung tumawa, di naman n'ya pinansin ang lalaki. Maglalakad sana sila nang--

"Mommy! Hello po!" sigaw neto at nagpababa sa kanya, binaba n'ya naman ito nakita ni Taehyung na magkasama ang dalawa.

Look at them, ang ganda nilang tignan kung maging mag pamilya sila. Bigla ay kumirot ang puso ni Taehyung. He can't believe nagiging tanga s'ya.

"Hala! Asawa ni sir?!"

"Yan kaya 'yung fiancee n'ya before?!"

"Tsaka anong mommy?!"

"May anak si sir?!"

"Mukhang anak nga! Dahil kamukha neto."

"Aww. So cutte!"

"Bagay na bagay sila tignan ni Ma'am Selena!"

"Kilala mo?"

"Oo, nasa engagement party kasi kami nu'n!"

"Ganda no?"

"Yesss! Kaya di ako naiinggit kasi bagay na bagay sila ni Sir."

Tinignan s'ya ni Jungkook. Umiwas s'ya ng tingin pero di s'ya makaalis sa kinatatayuan. Sige lang saktan mo lang ang sarili mo V. Kaya naman ay si Jin ang humila sa kanya at pumasok sila sa cafeteria ng kompanya.

"Naiinis ako sa mga naririnig ko!" inis na sabi neto, umupo na lang s'ya at di na umimik."Ayos ka lang ba?"

"Ang totoo? Hindi ko alam. Masyado silang maganda tignan para makisali ako. I am just nothing, Jin. Alam mo 'yan." nakayukong sabi n'ya. Hinawakan naman s'ya sa kamay ng kaibigan.

WHAT'S WRONG WITH SECRETARY KIM? [COMPLETED]Where stories live. Discover now