CHAPTER 30:

2.1K 47 3
                                    

Magkaharap sila ng kanilang mga magulang nang hindi n'ya mapigilang ngumiti sa mga nangyayari, nagkukunwari pang seryoso ang Papa n'ya. Hindi maiintindihan ni V kung ano ang mararamdaman n'ya, he is happy. Lahat ng pwedeng maramdaman ay naramdaman n'ya na.

"Baby, is my another lolo coming?" napatingin s'ya kay Neeko na ngayon ay sumabay sa kanya.

"Yes son." he's been waiting for almost 1 hour.

Napansin n'yang walang tao sa airport, pero maraming police at sundalong nakaabang. Hindi n'ya alam ano ang nangyayari.

Tumayo s'ya nang makitang lumabas ang ama, natuwa s'ya dahil nakikita n'ya na ang ama at ang kapatid. Kumaway s'ya nang lingunin s'ya ni Mochi at kinawayan naman s'ya neto.

Nang makalapit sa kanila ay nakangiting niyakap n'ya ang ama at kapatid, he miss them. Namiss n'ya ito lalo na't sila na lang dalawa ang natitirang pamilya n'ya.

"I miss you Dad, Mochi." aakmang yayakapin s'ya ng kapatid nang mapansin ang kasama n'ya.

"Who is this little man?" tanong neto.

"I am Neeko po! Baby and Daddy's son!" masiglang sabi neto. Nanlaki ang mata ng ama n'ya.

"M-may anak ka?! Kailan pa?!" sigaw ng kapatid, napangiwi naman s'ya at anh daddy n'ya naman ay seryoso.

"Anak ba ito ni Kookie?" napatango s'ya. Huminga ng malalim ang ama at kinarga ang bata.

"Hello po! Ikaw po ba Lolo ko? Papa ni Baby?" turo neto sa kanya, natatawang tumango naman ang bata.

"Ako nga. Ilang taon ka na?" natutuwang tanong ng ama n'ya.

"Magtithree na po next month!" masayang sabi neto. Tinignan naman s'ya ng kapatid.

"How come?"

"He got his ex-fiancee pregnant before she left. So." kibit-balikat n'ya, kahit ganu'n ay kinarga pa din ito ng kapatid n'ya.

He feel relieve na tanggap neto si Neeko maging ang gusto n'ya. Tinapik s'ya ng ama.

"I know what's the score. Kayo ba ng anak ni Mr. Jeon?" tumango s'ya.

"Sorry pa because of this you will feel embrass--" di na s'ya pinatapos neto at niyakap s'ya. Nangingilid ang luhang yumakap s'ya pabalik.

"It's okay son. I accept you whoever you are. Just don't hide a secret from me okay? Gusto kong kausapin ang gagong ama ni Kookie." natawa s'ya dahil may inis na bahid ang boses nu'n.

"Nandu'n lang naman. Ano po ginagawa n'yo rito? Mananatili po ba kayo dito o bisita lang?"

"Bibisita lang. We will visit your grandmother."

Masaya silang bumyahe at hinatid n'ya ito. Hindi naman masyadong napagod s'ya pero feel n'ya talaga ang pagkaantok, ang Papa n'ya naman tuwang-tuwa kay Neeko.

Parang kailan lang ako pa ang binuhat neto eh. Ngayon si Neeko na.

"I heard na kayo na ng anak ko?" at ito namang boss n'ya ay tatango-tango lang, hindi naman 'to takot sa Papa n'ya hindi lang sanay humarap.

Si Neeko naman dinala ni Hobi at Mochi sa garden. Gusto daw makasama ni Hobi si Neeko kasi paminsan-minsan lang din naman daw.

"Don't be like that to my son, moron!" inis na sabi ng Dad ni Jungkook.

"Anong don't be like that?! Inagaw n'ya samin ang bunso namin tapos don't be like that?" seryosong sabi ng Papa n'ya sa Dad ni Jungkook.

"Hayaan mo na ang dalawang 'yan, matatanda na 'yan sila alam na nila ang ginagawa nila." nakangiting sabi ng Mommy ni Jungkook.

WHAT'S WRONG WITH SECRETARY KIM? [COMPLETED]Where stories live. Discover now