CHAPTER 21:

1.5K 37 3
                                    


TINIGNAN ni Taehyung ang isang address na nakasulat sa isang picture na binigay ni Suga sa kanya, sabi ni Suga ay matanda na daw ito kaya naman ay mag dahan dahan daw ako sa pananalita ko.

Nang nasa gate na s'ya ay 'yun din ang paglaba ng isang babae sa gate, nagkatinginan sila ng babae.

"A-ah. Excuse me, dito po ba nakatira si Carmelita?" tinignan naman s'ya neto at ngumiti.

"Oo hijo. Nandito nga si Mama. Gusto mo bang pumasok?" nakangiting tumango naman s'ya at inalalayan papasok sa bahay."Ma, may bisita ka po."

Pagkapasok nila ay nakabungad agad ang isang matandang babae. Maganda pa din ang matandang babae, she look at him and he look at her too.

"Magandang umaga po. Ako po nga pala si Tae--" hindi na s'ya makatapos sa pagsasalita nang niyakap s'ya neto at umiyak sa balikat n'ya.

Dahil sa pagkabigla ay hindi kaagad nakasalita si Taehyung at niyakap na lang pabalik ang matanda. Hindi alam ni Taehyung kung bakit pero naniniwala s'yang may koneksyon sa kanya ang babaeng ito.

"A-apo. Salamat at bumisita ka dito. M-matagal na kitang hinihintay!" hinaplos neto ang pisngi n'ya at napapikit naman s'ya.

"Patawad po pero hindi ko po kayo kilala." yumuko s'ya dahil sa kahihiyan.

"Ako ang ina ng Mama mo. Ako ang Lola mo." ngumiti ito sa kanya. S'ya naman ay niyakap ito.

Kaya pala maganda pa din ang matandang babae dahil may pagkahawig ang kanyang Ina sa matanda.

"L-lola. Nandito po ako para magtanong." pinaupo naman s'ya neto at hinarap s'ya.

"Namiss ko ang pagtawag mo sa akin ng Lola." ngumiti s'ya dahil nakikita n'yang masama ang kanyang isa pang Lola."Alam ko ang itatanong mo, tungkol ba ito kay Mochi?"

Tumango s'ya. Huminga naman ng malalim ang kanyang Lola.

"S-sino po ba talaga ang nakakuha kay Mochi?" tinignan naman s'ya neto.

"Isang mayamang pamilya Hijo. Pinamigay ng Mama mo si Mochi dahil hindi na nakayanan ng Mam mo at ang Papa mo ang gastusin lalo na't dalawa na kayo ni Mochi." nakangiti ito habang nagkukwento."Ang business din ng mga magulang mo ay dahan-dahang nalulugi, inisip ng Mama mo na ipaampon si Mochi since ito naman ang matanda sa inyong dalawa."

Napahinto ito at tinignan n'ya naman ang Lola. Hindi n'ya alam na ganito pala ang nangyari sa kanyang pamilya, naiiyak s'ya sa bagay na akala n'ya ay hindi sila nahihirapan noon. I can't see my parents infront of me crying just because we can't have any food to eat, they're still okay infront of me and letting me eat all I want.

"Sa inyong dalawa ni Mochi. S'ya ang masakitin kaya kailangan ng maganda at maayos na pangangalaga." tumango naman s'ya.

"Pero hindi ko po maiintindihan kung bakit magkasunod ang pagkamatay ni Mama at Papa." tanong n'ya na nagtataka.

"Dahil hindi naman namatay ang 'yung Ama hijo." nanlaki ang mata n'ya at nanlamig ang kamay.

"A-ano po?" tumango ito at tinignan s'ya ng seryoso.

"Hindi namatay ang Papa mo. Nabuhay s'ya nung dalhin s'ya sa hospital pero ang alam ni Linda ay patay na ito dahil sabi nga ng doctor." namumutla s'ya dahil sa sinabi ng Lola.

Ang alam ni Lola ay patay na ang kanyang Ama? Pero bakit hindi n'ya nalaman kaagad?

"P-paano po? B-bakit di ako binalikan kaagad ni Papa?" naiiyak na tanong n'ya. Hinawakan naman s'ya neto sa kamay.

"Dahil takot ang Papa mo na humarap sa'yo. Alam mo hijo may mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin inaasahan." nakangiting hinaplos neto ang pisngi n'ya."Ikaw lang ang makakasagot sa lahat ng tanong sa utak mo hijo. Hanapin mo si Mochi."

WHAT'S WRONG WITH SECRETARY KIM? [COMPLETED]Where stories live. Discover now