CHAPTER 24:

1.4K 38 2
                                    

NAKATINGIN lang si Taehyung sa ulap nang nasa airplane na s'ya, hindi n'ya maiintindihan ang sarili pagod s'ya na nahihirapan. Maaga s'yang umalis. Siguro ay bigyan n'ya muna ng time ang sarili dahil nakakalimutan n'yang mahalin ang sarili.

Hindi n'ya alam kung paano haharapin ang kasintahan. Hindi s'ya nakikipaghiwalay dahil naiintindihan n'ya ito pero ang hindi n'ya maiintindihan ay kung bakit neto tinago sa kanya.

Ganito ba kababa ang pagtingin neto sa pagmamahal n'ya? When the day I decided to love you, everything about you I already accepted and love it. Lahat ng mali, lahat ng kulang, lahat ng pwedeng mahalin na negative sa nobyo ay minahal n'ya. Kasama na neto ang anak neto.

Pagkababa n'ya sa airplane ay tinignan n'ya ang paligid. Napakalamig. Walang medyo tao siguro ay gabi na rin s'ya nakaabot sa USA. Tinignan n'ya ang paligid. Napatingin naman s'ya sa phone nang may tumawag.

Suga is calling..

Sinagot n'ya naman kaagad."Hello?"

"Nasa lugar ka na ba na sinabi ko?"

"Oo."

"Sumakay ka sa kotse na puti na makikita mo. Hihinto lang 'yan sa harap mo at ihahatid ka neto sa mansyon ng mga Park."

"Salamat Suga."

Binaba neto ang tawag. Kaya naman ay naghintay pa s'ya ng ilang mga minuto bago may kotseng huminto sa harap n'ya. Tama nga ito.

Sumakay s'ya at tulala na naman s'ya habang nasa byahe.

"Sabi nila kapag malungkot ang isang tao, kung sino ang nakapagpalungkot sa'yo s'ya din ang papawi neto." napatingin s'ya sa driver na nagsalita.

"Pilipino ka po?" nanlalaking matang tanong n'ya. Tumawa ito at tumango.

"Oo Hijo, pilipino ako." hindi na s'ya umimik."Pansin ko ang pagiging malungkot mo. Ikaw ba ay ayos lang?"

"Sa totoo po ay hindi ako okay." pag-amin n'ya sa driver. Hindi n'ya makita ang mukha neto kaya naman ay comfortable s'yang mag kwento.

"Umalis ka ba na nasasaktan?"

"Aaminin ko po. Oo, nasasaktan nga ako ngayon at hindi ko pa siguro kakayanin kung ano man ang kinahihinatnan ko dito sa USA."

Hindi na umimik ang driver at s'ya naman ay nakatingin lang sa labas. Dahan-dahang huminto ang kotse at nakita n'ya na ang mansyon kahit nasa gate pa lang s'ya.

Napakaganda ng bahay at nakakalula. Kaya naman ay mabilis s'yang lumabas sa kotse nang huminto ito. Tinignan n'ya ang buong lugar.

"Are you Mr. Kim Taehyung?" tumango s'ya sa apat na babae at tatlong lalaki na nakaabang sa kanya."Please follow us. Mr. Park is waiting at the dining area."

Sumabay lang s'ya. Tinignan n'ya pa din ang paligid, talagang mayaman ang nakatira dito, merong mga maayos na maid na makikita mo. Napakarangyang buhay.

I can't imagine Mochi is living like this.

Pagkapasok nila sa buong bahay ay bumungad ang mga mamahaling mga gamit. Kung siguro ay magnanakaw s'ya kanina n'ya pa ito kinuha lahat. Napangiwi naman s'ya sa naisip.

"V?" napatingin s'ya sa nagsalita sa likod. It's Jimin."I'm glad you're here."

Hindi s'ya umimik at tinignan lang ang nakakatandang kapatid. Oo kapatid n'ya si Jimin. Ito ang kapatid n'ya na pinaampon ng kanyang Ina.

"So, you knew all along?" tinignan s'ya neto.

"Oo, alam ko."

"Then why did you still do it?!"

"Dahil gusto kong maramdaman mo ang sakit ng mawalan!" sigaw neto sa kanya.

Nagalit s'ya dito dahil they used to be a bestfriends bago neto kinuha ang farm sa kanila, I hate him for doing that dahil lungkot na lungkot si Lola sa ginawa n'ya.

"Alam mo ba kung ano ang feeling ng iniwan, nawalan, at nasaktan? Huh alam mo ba 'yun?" tinignan s'ya neto.

"Hindi kasalanan ni Lola ang nangyari! Alam mong si Lola at Lolo na lang ang naiwan sa akin pati na ang farm! It is our family's only treasure! Pero sinira mo!" sigaw n'ya rito. Napayuko naman ito.

"I know I was wrong that's why I've been sorry at sinundan ka sa Pilipinas." tinignan n'ya ito.

"Alam mo bang kinamumuhian kita?" nakita ni Taehyung ang sakit na dumaan sa mga mata neto.

"I know bunso. I know.."

"I regret meeting you! I regret being interact with you! I regret everything!" tumulo ang luha n'ya at pinunasan ito."Lahat ng 'yun ay pinagsisisihan ko!"

"Naalala mo pa ba nung bata tayo? You used to loved chocolates, kaso walang pambili sina Papa noon."

"Kuya. Gusto kong kumain ng chocolate!" sabi n'ya sa nakakatandang kapatid. Tinignan naman s'ya neto.

"Mangangalakal muna si Kuya ha! Wala pa kasing pera sina Mama at Papa." ginulo neto ang buhok n'ya.

"Talaga kuya? Pagkatapos nu'n ay bibilhan mo ako?" tumango naman ito.

"Oo naman. Pag may trabaho na ako, bibilhan kita ng maraming chocolates!"

Bilang isang bata ay natutuwa s'yang marinig ang ganu'ng sinabi ng nakakatandang kapatid.

Napangiti s'ya sa sinabi neto noon. 'Yun ang panahong pinagkatiwala n'ya sa kapatid ang lahat pati ang gusto n'ya lahat lahat.

"Now, I can give you a lots of chocolates because I can." niyakap s'ya neto at naiiyak na niyakap n'ya ito pabalik.

"K-kuya.." tinapik neto ang balikat n'ya at hinaplos ang likod n'ya.

"Naiintindihan ko kung bakit ka galit. Patawarin mo si Kuya kung sa panahon na nahihirapan kayo ni Mama at Lola wala si Kuya para protektahan ka.." mas lalo s'yang naiyak because this is the second time that he felt he is safe with his brother.

Sa kanya lang s'ya umiyak ng ganito kahit nung mga bata pa sila. Nagyakapan lang sila nang may marinig s'ya.

"A-anak?" napatingin s'ya sa likod. Nanlaki ang mata n'ya.

"P-papa? Buhay po kayo?" tinignan n'ya ito at niyakap s'ya.

"A-anak ko!" naiiyak na sabi neto at niyakap s'ya ng mahigpit, ang kuya naman n'ya ay tinignan s'ya at tumango.

Is this real?

"P-papa.."

"Patawad anak kung hindi kita k-kaagad na binalikan. Gusto kong magpakita sa'yo na may kaya na akong ibigay sa'yo." nanginginig ang boses neto. Tinapik n'ya naman sa balikat ang ama.

"May sinabi sa akin si Lola Carmelita na hindi ka naman daw patay, kaya inaasahan kong makikita kita pero hindi ko inaasahang dito pa mismo. Paano mo nahanap si Kuya?"

"S'ya ang humanap sa akin. Sa tulong daw ni Namjoon at Jungkook ay nahanap n'ya ako." nakangiting sabi neto.

Boss..

"Masaya akong pumunta ka dito. Salamat sa tulong Yoongi.." nakita n'ya si Suga na ngayon ay nakayuko lang.

"Walang anuman boss."

Niyakap n'ya naman ang dalawang bumuo sa kanya.

"Kamusta si Lola V?" tanong ni Mochi.

"Maayos naman s'ya. You should go and see her, ang dalawang lola natin."

Kaya naman ay maganda at masaya ang kanyang buong gabi dahil magkaayos na sila. Nang makahiga sa kama ay napatingin s'ya sa kisame.

Boss.

Hindi mawala sa isip n'ya si Jungkook. Siguro pagkauwi n'ya at doon n'ya lang kausapin ang kasintahan, sa ngayon ay magpapahinga muna s'ya.

Masyado na s'yang nasasaktan para harapin pa ito, he wanted to see him na okay na s'ya at naiintindihan n'ya na ito ng malalim.

WHAT'S WRONG WITH SECRETARY KIM? [COMPLETED]Where stories live. Discover now