Simula

114K 1.8K 194
                                    

                    WARNING!

THIS STORY CONTAINS VIOLENCE, SEX AND MATURED SCENES THAT ARE NOT SUITABLE TO A VERY YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK!

This story is not yet edited. You will encounter typo and grammatical error. Please bear with me. I am still learning to write. And also please be respectful. Wag po tayong magcompare sa ibang story. Like what they've said, yung mga naisip kong kwento ay nagawa na ng iba at naisip na ng iba. If there was any similarities with those, its not intended. Thank you. Enjoy Reading..
           

                          Simula

Mula sa pagguhit sa buhanginan ay itiningala ko ang paningin ko sa taong nagmamay-ari ng isang  pares ng tsinelas na nasa harapan ko.

Napakunot noo ako at ngumuso. Ngayon ko lang nakita ang lalaking nasa harap ko. Matangkad ang lalaki at may suot siyang itim na salamin sa mata kaya hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya.

"Kuya paki-alis naman ng paa mo. Nakaharang ka sa drawing ko oh!" Wika ko at itinuro pa ang paa niyang nakaharang.

Tinignan lang ako ng lalaki bago inilipat ang tingin sa dinadrawing ko sa buhangin. Nagdodrawing ako ng Palasyo. Nakatira kasi kami ni Mamang sa bahay ng mga Del Fuego at ang bahay nila ay parang palasyo. Gusto ko ring magkaroon ng ganoong bahay paglaki ko.

Yumuko sa akin ang lalaki. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at kinuha ang kahoy na siyang gamit ko sa pagdodrawing.

"Kuya anong gagawin mo diyan?" Inosenteng tanong ko. "Gusto mo rin bang magdrawing?"

"Drawing na ba ang tawag mo diyan? Ang pangit!"aniya kaya mabilis na nanubig ang mata ko.

"Hindi pangit ang palasyo ko! Ikaw ang pangit kuya! Ang sama ng ugali mo!" Sigaw ko sa kanya ngunit binali niya ang patpat na hawak ko lang kanina.

"Huwag mo akong tawaging kuya. Wala akong kapatid na negra!" Asar niya sa akin kaya pumalahaw ako ng iyak.

"I-Isusumbong k-kita sa M-Mamang ko!" Sigaw ko sa kanya at sinuntok siya. At sa edad kong walong taong gulang ay umabot lamang ako sa bewang niya kaya tumama ang suntok sa hinaharap niya.

"Oh Damn! You witch!" Sigaw niya habang hawak ang nasaktang ari kaya bumelat ako sa kanya at tumakbo papunta sa malaking palasyo.

***

Pagdating ko sa malaking bahay ay kaagad akong sinalubong ni Mamang. "Saan ka ba galing bata ka? Kanina pa kita hinahanap at dumating na sina Donya Anastacia!" Wika ni Mamang na mabilis akong hinila papasok sa kusina.

"Nasa tabing dagat Mang. Nagdrawing ako ng palasyo sa buhanginan pero sinira iyon ng pangit na halimaw." Sumbong ko at umupo sa mesa. Kinuha ko ang tinapay na nasa hapag at mabilis iyong kinagat.

"Kuhh bata ka! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo! Kanina pa nandiyan sina Don Primo at ang buong mag anak nila." Wika ni Mamang kaya namilog ang mga mata ko.

"Talaga Mang? Hindi ba at may anak sila? Pwede ko kaya silang makalaro? Lagi na lang akong mag isang naglalaro sa tabing Dagat e." Nakangusong wika ko bago nilunok ang pagkaing nasa bibig ko.

"Matatanda na ang anak ng mag asawa. Sa palagay ko ay si Tres ay nasa disiotso anyos na habang ang kambal naman ay nasa labing lima na ang edad." Wika ni Mamang kaya nalungkot ako. Ibig sabihin ay wala akong kaedad na maaaring makipaglaro sa akin.

"Carissa mabuti naman at nandito ka." Wika ni Tiya Flor. Pinsan siyang buo ni Amang at siya ang nagpasok sa amin dito sa mga Del Fuego.

"Tiyang bakit po?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at pinisil ang pisngi ko.

Del Fuego Series 2: SAVAGE (COMPLETED)Where stories live. Discover now