Kabanata 8

45.9K 1.5K 42
                                    

Kabanata 8




Dilaw, pula at kahel ang kulay ng langit. Malapit na iyong takluban ng kulay itim na pahiwatig ng pagtatapos ng araw.

Huminga ako ng malalim at tumanaw sa dagat. Maging iyon ay nagsisimula ng magkulay itim dahil nagrereflect ang kulay ng langit sa kulay ng dagat.

Huminga ako ng malalim at niyakap ang picture ni Mamang at Amang. Sa nakalipas na mahigit labing tatlong taon ay lagi silang nasa tabi ko at ginagabayan ako. Ngunit sa sandaling ito ay ako na lang mag isa.

Limang araw na ang nakakaraan mula ng magpunta sa bayan ang mga magulang ko. At dahil sa sama ng panahon ang bangkang sinasakyan nila ay tumaob. Namatay sila sa gitna ng dagat.

Muling namalisbis ang luha sa pisngi ko matapos  maalala iyon. Ang dagat na naging karamay ko sa maraming taon ay siya ring papatay sa mga magulang ko.

"Bakit nandito ka pa paggabi na?" Tanong mula sa likod ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya na humahalo sa hangin. Nag iisa lang ang amoy niya na nagpapakalma sa pakiramdam ko.

Tumayo ako at lumakad palayo sa kanya. Sa loob ng limang taon ay wala siyang ginawa kung hindi paiyakin ako. At sa ngayon ay pagod pa ako. Wala na akong lakas para umiyak sa iba na namang dahilan.

"I am talking to you." Mariin na wika ni Alas habang hawak ng mahigpit ang braso ko.

Huminga ako ng malalim at hilam sa luha na humarap sa kanya. "P-Pwede b-bang .....wag ngayon? S-Sa ibang araw ka na lang m-magalit. Sa ibang araw mo na lang ako inisin... Kasi.. Kasi ayoko ng umiyak. Pagod na ako. Pagod na ako sa kakaiyak... Pagod na pagod na ako." Wika ko sa kanya sa habang nagpipigil ng paghikbi.

Lumunok ako ng hilahin niya ako at niyakap.

Ito ang pangalawang beses na niyakap niya ako mula ng pumanaw sina Mamang. Siya ang yumakap sa akin at siya ang iniyakan ko ng araw na iyon.

"Sabi ko sayo umiyak ka lang. Umiyak ka lang hanggang mawala ang sakit. I can't protect you from the pain that you are feeling right now but I can be with you to ease the pain. Kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit na nararamdaman mo gagawin ko." Bulong niya sa akin kaya lahat ng pagpipigil ay ko ay muli kong naibuhos sa kanya.

"N-Namimiss ko na sila.... I-I m-miss them b-badly and I-I want to be with them. S-Sana kasama.... Kasama na lang nila ako ng araw na yon. S-Sana kinuha nadin ako." Sa pagitan ng paghikbi ay wika ko. Parang sinasakal ang puso ko at hindi ako makahinga ng maayos.

It was a pain that kills every part of me. Masakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang mawala sa mundo. Hindi ko alam kung makakaya ko. Hindi ko alam kung tatagal ako.

"Shhhh.. We all die Sweetheart but the memories will stay forever." Bulong niya sa akin kaya napayakap ako sa kanya.

Sa lahat ng tao ay siya ang kahulihuliang taong hindi ko aakalaing dadamayan ako.

"Alas." Mula sa likod ko ay wika ng isang tinig.

Mabilis akong humiwalay ng yakap kay Alas at inayos ang sarili ko.

"Veron." Si Alas na mabilis nilapitan si Ate Veron.

"Kanina pa kita hinahanap." Wika ni Ate Veron. Mabilis akong lumingon sa kanila.

They hugged each other. And it was a very sweet view. Pero para sa akin ay masakit sa mata ang nakikita ko.

Mabilis kong iniiwas ang tingin ko sa kanila at tumanaw sa dagat. Palihim akong bumuntong hininga. Para bang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.

"Sinong kasama mong pumunta dito?" Tanong ni Alas.

"Si Papa." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang ginawa niyang paglapit sa akin. "Nakikiramay kami Carissa." Nasa tinig niya ang sinseridad.

Lumingon ako sa kanya. Nasulyapan ko sa mga mata niya ang galit ngunit mabilis iyong napalitan ng lungkot.

"S-Salamat ate Veron." Wika ko na bahagya pang nagyuko ng ulo. "M-Mauuna na ako sa inyo." Patuloy ko bago nagsimulang humakbang paalis. I cant stand the sight of them. Hindi ko matagalan na makita silang magkasama. Hindi ko matagalan na makita silang magkahawak kamay.

"Carissa." Tawag ni Alas kaya napahinto ako. Hindi ako lumingon ngunit naghintay ako ng sasabihin niya. "Wait for me.." Parang tumigil ang tibok ng puso ko at ibat ibang emosyon ang nasa dibdib ko ngunit mabilis din iyong nawala sa kasunod nitong sinabi. "..in the house."

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad. Bawat hakbang ko ay pabigat ng pabigat ang dibdib ko.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha na naglandas sa pisngi ko.

Do I like Alas? Gusto ko ba siya? May nararamdaman ba ako sa kanya? Dahil kung wala bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nag expect ako?

Umiling ako at huminga ng malalim.

Bakit ba nag isip ako ng iba? I shouldnt expect something from him. Hindi tama at hindi dapat.

Pagdating ko sa bahay ay nasa sala silang lahat. Seryoso ang mukha ni Donya Anastacia at Don Primo. Maging sj Tiya at ang magkapatid.

"A-Ano pong meron?" Tanong ko.

Nakita ko ang mga bagahe na nasa paanan ni Tiya kaya mabilis akong lumapit doon.

"B-Bakit po nandito ang mga gamit ko?" Tanong ko habang pigil-pigil ang hikbi.

"You need to go now hija. Before Alas will know." Maang akong napatingin kay Donya Anastacia. Hindi ko makuha ang sinabi niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin? Paaalisin niyo po ako dito?" Hindi ko mapigilang sumama ang loob. Sa loob ng limang taon ang isla ang siyang naging tahanan ko ngunit heto at pinapaalis na ako.

"Its for your own good. Ipapadala ka namin sa ibang bansa. Mag aral ka doon. Iyon ang paraan namin para makalimot ka sa sakit. At para malayo ka kay .... Alas."

Nalilitong tinignan ko sila isa-isa. Naiintindihan ko ang pagkalimot sa sakit ngunit ang hindi ko maintindihan ay ang paglayo ko kay Alas. Bakit kailangan ko siyang layuan? Bakit kailangan nila akong paalisin?

"I told them Carissa." Si kuya Tres kaya nadako sa kanya ang paningin ko. Hiya at gulat ang nararamdaman ko ngayon. Hiya dahil alam kong tinutukoy niya ay ang nakita niya sa kwarto ni Alas. At gulat dahil hindi ko akalaing sasabihin niya iyon.

"I'm sorry Carissa. It will be better kung lalayo ka muna." Patuloy ni kuya Tres.

"Its for your own good."  Ang huling winika ni Donya Anastacia.

I know their point. Alam ko ang gusto nilang mangyari. Alam kong iniisip nila ako pero parang hindi matanggap ng sistema ko na basta na lang aalis. Bakit kailangan kong iwan si Alas?

Ngayon na sa tingin ko ay may nararamdaman ako para sa kanya. Bakit? Ayaw kong tanggapin na aalis ako ng hindi man lang nila ako binibigyan ng sapat na dahilan.

Huminga ako ng malalim at tinignan si Tiya Flor. Nagluluha ang mga matang lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Kailangan mo munang umalis anak. Ito ang makakabuti sayo."

"H-Hindi ko maintindihan. Paano makakabuti ang pag iwan ko sa mga natitirang alaala ng mga magulang ko?" Puno ng hinanakit na wika ko.

Hinagod ni tiya ang buhok ko. "Mas mabuting lumayo ka kay Alas. Hindi magandang tignan na nasa pareho kayong bahay. Hindi natin alam kung kailan ka niya gagawan ng masama."

Mabilis akong lumayo sa kanya. Ang alam ba nila ay pinilit ako ni Alas?

'Ganon naman ang nangyari hindi ba?' Bulong ng isip ko.

May parte sa akin na gusto siyang ipagtanggol pero ano ang sasabihin ko? Na hindi niya ako pinilit? Na ginusto kong halikan niya ako?






*Please vote and comment. Follow me please 😍.*

Del Fuego Series 2: SAVAGE (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora