Kabanata 9

47.3K 1.5K 95
                                    

Kabanata 9

Five Years later

"All passengers please fasten your seatbelt. We will now land at the Ninoy Aquino International Airport. Thank you."

Mabilis kong ikinabit ang seatbelt ko at umupo ng maayos. Five years. Sa loob ng limang taon ay namuhay ako sa ibang bansa.

Kasama ko doon ang Auntie Matilda. Matalik na Kaibigan siya ni Donya Anastacia at sa kanya ako hinabilin. Nag iisa siya sa buhay at isang matandang dalaga.

Kagaya ng sabi nila ay hindi nila ako pinabayaan. Halos araw araw ay tumatawag sa akin ang mag asawa upang mangamusta. Hanggang two years ago ay namatay si Donya Anastacia. Then the following year ay inatake naman sa puso si Don Primo. Sa mga panahon na yon ay hindi ako nakauwi  upang magluksa. Hindi ako maaaring umuwi dahil may sakit din si Auntie matilda. Wala siyang kasama kung hindi ako.

Naging madali ang buhay ko sa America dahil sa kanya kaya laking pasasalamat ko. Kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi ko kayaning mag isa.

Nang mga panahong mawala si Donya Anastacia ay karamay niya ako.

I saw how she cried when her bestfriend died. Nakita ko kung paano siya magluksa sa panahong kahit siya ay hindi alam kung hanggang kailan na lang mabubuhay.

Then last month she died peacefully in her sleep.

At ngayon napagdesisyonan ko ng umuwi ng pilipinas. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. I am happy, nervous and most of all excited. Gusto ko ng bumalik sa Isla Del Fuego. Gusto ko ng makita si Tiya Flor, si Kuya Tres, Si Kuya Dos at si...... Alas.

Yes. Gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman kung kamusta na siya sa nakalipas na limang taon.

Nang gabing pinaalis ako ay hindi ko na nakita pa si Alas. Pero sa nakalipas na limang taon ay lagi ko siyang naiisip. Tinitignan ko ang lahat ng balita tungkol sa kanya. He's a well known Hotelier. Sa loob man o sa labas ng bansa. I saw his picture on the Internet. Lalo siyang gumwapo. He looks more serious. Mas naging maganda ang katawan niya subalit mas dumami din ang babaeng naghahabol sa kanya. Still a womanizer.

Huminga ako ng malalim pagkalabas ko ng airport. Ang init ang unang sumalubong sa akin. Sa limang taon ko sa ibang bansa ay ngayon lang ako nakaramdam ulit ng ganitong init.

Inilabas ko ang Cellphone ko at tinawagan si Kuya Tres habang inilalagay sa taxi ang mga gamit ko.

"Hello Kuya." Bungad ko sa kanya.

"Carissa?"

"Yep! The one and only. Nandito na ako sa pilipinas. Hindi mo ba ako namiss? I miss you." Wika ko bago sumakay ng taxi. Sinabi ko sa Driver kung saang hotel ako ibaba.

"Yes Of course, I miss you too. Kailan ka pa nakadating?" Napangiti ako. Same old Tres Del Fuego.

"Ngayon lang. Im on my way to the hotel.... Pwede ba akong pumunta sa Isla?" Nag aalangang tanong ko.

Isa sa dahilan kung bakit ako umuwi ay dahil sa Isla Del Fuego. I want to reminisce the times I have spent there. Sa mga panahong kasama ko ang mga magulang ko. Marami akong alaala sa islang iyon na hindi ko magagawang pakawalan.

“Oh I see. Yes no worries. You can have your Vacation here in Isla Del Fuego. You’re always welcome here. You know how I love seeing you here.”

Napangiti ako. Finally nakabalik na ako.

"Thank you Kuya."

“I’ll pick you up the Day after tomorrow then.” aniya bago tapusin ang tawag.

Del Fuego Series 2: SAVAGE (COMPLETED)Where stories live. Discover now