Kabanata 2

53.4K 1.6K 78
                                    

Kabanata 2

Sunday.

Araw kung kailan ako nakakapaglibot ng walang istorbo. Sa ganitong araw kasi ay maghapong wala si Alas dahil nagpupunta siya kina Ate Veron. Sa lahat ng naging girlfriend niya si Ate Veron lang ang tumagal.

Halos dalawang buwan na mula ng maging sila. Mula ng araw na sinundo niya ako sa Resto ay iniwasan ko na siya. Pero para siyang kabute na bigla bigla na lang sumusulpot. He will threatened me and talk to me harshly.

Napailing na lang ako. Mabilis akong lumusong sa dagat at nagsimulang maglunoy doon. Suot ang puti kong kamiseta at ang maiksing shorts.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong lumangoy langoy.

Nang mapagod ako ay mabilis akong umahon ngunit madali ring natigilan.

Nakatayo si Alas sa puno kung saan ko inilatag ang tuwalya ko. Kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Jude at Rico. My heart is beating so fast. Habang palapit sa kanya ay mas lalong nangangatog ang katawan ko. Kung dahil ba sa lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko o dahil sa kakaibang tingin niya sa katawan ko.

"H-Hindi ko alam na p-pupunta kayo dito." Umpisa ko habang kinukuha ang towel ko. Mabilis ko iyong itinaklob sa balikat ko.

"Hi Carissa!" Bati sa akin ni Jude kaya nginitian ko siya.

"H-Hello. Magsuswimming ba kayo?" Tanong ko sa kanila upang pagtakpan ang pag kailang ko sa gawi ng tingin sa akin ni Alas.

Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong nakatingin siya sa bawat galaw ko.

"Oo sana. Tapos ka na ba?" Tanong ulit ni Jude habang si Alas at Rico ay kapwa tahimik.

Tumango ako at alanganing ngumiti. "Samahan mo muna kami. Maliligo pa lang kami." Patuloy ni Jude na nginitian ako ulit.

Akmang tatanggi pa lang ako ng magsalita si Alas na nakapagpatigil sa akin.

"Can you please leave the both of us?" Wika ni Alas na nakatingin sa akin. I know he was pertaining to me. Pero bakit? Ano na naman ang kailangan niya sa akin?

"Okay tol. Mauna na kami sa dagat. Sumunod ka ha." Wika ni Rico na mabilis hinila si Jude na tangkang magpoprotesta pa.

Nang maiwan kaming dalawa ay mas lalo akong nailang. He was looking at me from head to toe and its really awkward in my part.

"Are you enjoying flirting with my friends?" Kunot noo at mabalasik niyang tanong.

Namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tinignan siya.

"What?!"

"You're flirting with my friends." He repeated. Now it was a statement.

Mabilis na nag init ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Ano bang sinasabi mo?!"

"Damn you Carissa! Dont play innocent! Sinong matinong babae ang haharp ng ganyan ang suot sa mga lalaki?!" Puno ng galit na tanong niya habang pinapadaanan ako ng tingin.

"Malay ko bang darating kayo dito?! Kung alam ko lang na nandito ka sana ay hindi na lang ako lumabas ng kwarto!"

"Damn you! Kahit anong gawin mo nakatira pa rin tayo sa iisang bahay kaya magkikita at magkikita tayo! And dont you dare try to flirt with my friends."

"Hindi ako nakikipaglandian sa mga kaibigan mo. Normal lang na pansinin ko sila dahil kakilala ko sila!"

I dont see anything wrong with talking to his friends. Ang pangit naman tignan kung basta na lang akong aalis ng hindi man lang sila pinapansin.

Del Fuego Series 2: SAVAGE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon