Kabanata 17

43K 1.4K 66
                                    

Kabanata 17

Mabilis kaming nakauwi dahil kaagad na dumating si Mang Tupe. Hindi sana kami magpapasundo at gagamitin na lang sana namin ang bangka ngunit masyadong marami ang napamili namin.

Kaagad akong tumungo sa kwarto at nahiga sa kama. I'm too tired. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Si Alas naman ay nasa kusina at inaayos ang mga pinamili namin. Hindi ko na siya kinausap hanggang makarating kami dito at ipinagpasalamat ko na rin na hindi siya nangulit. I dont want to burst in front of him. Ayokong ipakita na nagseselos ako.

Pumikit ako at pilit na inalis sa utak ko ang halikan ni Alas at Veron.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit hanggang makatulog ako. Narinig ko na lang ang pagtunog ng isang cellphone na siyang gumising sa akin.

Pupungas-pungas akong bumangon at hinanap kung saan nagmumula ang tunog hanggang sa matapat ako sa drawer ng isang kabinet. May susi na nakalagay sa ibabaw ng kabinet kaya sinubukan ko iyon upang buksan ito.

Napangiti ako ng bumukas ang Kabinet. Nandoon ang Cellphone na tumutunog at ang cellphone ko!

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko bago ko tinignan ang cellphone ni Alas.

Si Dos ang tumatawag. Tumingin ako sa may pinto at ng makitang wala si Alas doon ay nakahinga ako ng maluwag.

Sa nanginginig ang kamay na sinagot ko ang tawag. Maybe it was time to go. Hindi ako dapat narito. It should be ate Veron.

Ang halikan nila ay muling sumagi sa isip ko. Ayokong masaktan ako lalo. Tama na. Masyadong masakit ang puso ko at ayoko ng dagdagan iyon! Alam ko naman na sa bandang huli ay ako pa rin ang talo. Ako pa rin ang maiiwan. Hindi ko na dapat patagalin pa. Habang maaga pa, habang kaya ko pa!

Pinunasan ko ang isang butil ng luha na kumawala sa mata ko.

"Damn it Alas! Nasaan si Carissa?! This is bullshit Alas! Kidnapping ang ginagawa mo! Bring Carissa ba-"

"A-Alas!" Gulat na wika ko ng hablutin niya ang phone at patayin iyon.

Salubong ang kilay niya at nagtatagis ang mga ngipin na tanda na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

"Where's the phone?" Seryosong wika niya na ang tinutukoy ay ang Cellphone ko.

Humakbang ako paatras at umiling.

"N-No Alas. Its my phone. Hindi mo to pwedeng kunin sa akin." Wika ko na pilit pinatatag ang boses.

"Give it to me." Madiin niyang wika.

Muli ay umiling ako. "No!"

"Ibigay mo sa akin ang Cellphone Carissa!"

"Its mine Alas! Wala kang kara-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng Cellphone ko naman ang tumunog. Tinignan ko ang Caller. Its George!

Napatingin ako kay Alas na lalo atang nagdilim ang mukha habang nakatingin din sa Cellphone ko.

"Give it Carissa!" Mataas na ang tono ng boses na wika niya.

Hindi ko siya pinansin at akmang sasagutin ang tawag ng marahas niya itong hinablot at ibato sa pader.

Nagulat ako at hindi kaagad makaapuhap ng sasabihin. Damn it! Ano bang ginagawa niya?!

"Are you out of your mind?!" Gulat na sigaw ko sa kanya.

"Damn that fucking bastard! Ano bang meron sa inyo?! Are you that eager to talk to him?! Huh?! Huh Carissa?!" Aniya na mabilis na hinablot ang braso ko.

Del Fuego Series 2: SAVAGE (COMPLETED)Where stories live. Discover now