Kabanata 7

47.9K 1.5K 43
                                    


Kabanata 7


Napaupo ako sa sahig sa sobrang panghihina. Ramdam ko ang paglandas ng luha sa mukha ko hanggang sa kumawala ang isang hikbi sa lalamunan ko.

Lumapit si Alas sa akin ngunit sinamaan ko siya ng tingin. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanilang lahat at dahil lahat ito sa kanya. He did it on purpose! Ginawa niya iyon para galitin ako and he win!

"Let's talk." Seryosong wika niya.

"No Alas! Sasama si Carisaa sa akin! I wont let you do that again!" Sigaw ni Tres na mabilis na nakalapit sa amin.

"Tres! Let me talk to her!" Sigaw ni Alas na akmang hahablutin ako ngunit isang suntok ang muling tumama sa kanya.

Dumugo ang labi niya at natumba sa sahig ngunit wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. Ni hindi man lang siya gumanti kay Tres.

Gusto ko siyang lapitan at tulungan ngunit nangingibabaw ang inis at galit ko sa kanya.

Tumayo siya at tinignan ako. "Lets talk." Seryosong wika niya ngunit hinila ako ni Tres.

"T-Tigilan mo na ako!" Punong-puno ng sakit na wika ko kaya mabilis siyang natigilan.

Parang sasabog na ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"This is your last warning Alas! Touch her again and I will tell it to Mom!" Si Tres na mabilis akong hinila palabas ng kwarto.

Ramdam ko ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Sakit, galit, at hiya ang nararamdaman ko ngayon. Hiya para sa sarili ko dahil hinayaan ko si Alas na halikan ako. Kung hindi pa dumating si Tres ay baka gumanti ako ng halik sa kanya.

Bakit niya ba ginawa iyon? Why did he kiss me?

'Para galitin ka!' Bulong ng kabilang bahagi ng utak ko.

What else could be the reason? Yun lang ang nakikita kong rason sa ginawa niyang iyon.

"Tell me Carissa do you like Alas?" Diretsong tanong ni Tred sa akin pagdating namin sa tabing dagat.

Biglang kumabog ang dibdib ko at nangatal ang mga kamay ko. Lahat ng luha sa mata ko ay tumigil sa pagpatak.

Ano ba ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Why can't you answer? Gusto mo ba si Alas?" Tanong niya ulit kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

He looks serious. Kunot ang noo niya at walang kangiti-ngiti ang labi.

"N-No." Sagot ko ngunit parang hindi iyon ang gusto kong sabihin. "I-I dont like A-Alas. I will never like him." Patuloy ko. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang pinipilipit ang puso ko. Ano bang nagyayari sa akin?

"Damn you Tres!" Mula sa likod ko ay sumulpot si Alas. Madilim ang mukha niya at mukhang galit na galit.

Kanina pa ba siya doon?

"You should know your limitations Alas. " wika ni Tres na mabilis na tumalikod sa amin.

Naiwan kaming dalawa ni Alas ngunit wala ako sa kondisyong kausapin siya. Litong lito na ako.

Tumalikod ako at akmang lalagpasan ko din si Alas ngunit pinigil niya ang braso ko. Nakayuko siya at hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya.

"Bitiwan mo ako Alas." Mahina ngunit puno ng determinasyong wika ko. Ayokong nagkakadikit kami. Ayoko ng nasa iisang lugar kami at ayoko ng nararamdaman ko sa tuwing nasa malapit siya. Pakiramdam ko ay numinipis ang hangin na hinihinga ko. And it was making me weak!

Del Fuego Series 2: SAVAGE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon