Kabanata 27

41.7K 1.1K 52
                                    

Kabanata 27


Lumipas ang buong araw ng hindi ko na ulit nakikita si Alas.

I spent the whole day in my room. Nagpahatid na lang ako ng pagkain at nagdahilan na masama ang pakiramdam ko.

Nagising ako kinabukasan sa katok mula sa pinto. Pupungas-pungas akong bumangon at binuksan iyon.

"Good morning." bati ni Sam sa akin. Nakagayak na siya habang nasa tabi niya si Vanessa.

"Morning. Bakit nakabihis kayo?" takang tanong ko habang kinukusot ang mata ko.

"We're leaving Tita. Did you forget we're going to the Island?" nakangiting wika ni Vanessa kaya natampal ko ang noo ko at napatingin sa wall clock.

'Damn!'

Alas diyes na ng umaga. Late na akong nakatulog kagabi kaya puyat ako. I spent the whole night thinking. Nothing for specific.

"Its alright Carissa. Hihintayin ka namin. Ipapahanda ko na ang breakfast mo para makakain ka na." wika naman ni Sam na ngumiti pa kaya sinuklian ko siya ng ngiti.

"Thanks." wika ko bago nagmamadaling kumuha ng damit.

Nagmadali akong nagshower at nag-ayos. Isang sulyap sa salamin ang ginawa ko bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko ang mag anak na nasa sofa at nagkukwentuhan kaya mabilis akong lumapit doon.

"Oh. Tapos ka na?" wika ni Sam ng makita akong palapit sa kanila.

Tumango ako. "Good morning. Sorry late na akong nagising." wika ko at bahagyang sinulyapan si Kuya Tres.

Ngumiti sila sa akin. "No worries. Hinihintay pa namin si Alas at sinundo niya si Veron." wika ni Kuya Tres kaya nawala ang ngiti ko.

Sinundo niya si Ate Veron. So it means kasama namin ang huli papunta sa Isla.

Parang may patalim na humiwa sa dibdib ko sa kaisipang iyon.

"Mag almusal ka muna Carissa. Malayo ang byahe at baka magutom ka." wika ni Sam kaya nalipat ang tingin ko sa kanya.

Wala sa sariling tumango ako at sumunod sa kanya. Nakita ko pa ang nagdududang tingin ni Kuya Tres bago kami tuluyang makapunta sa kusina.

Natapos ko ang almusal ng wala akong nalalasahan. Lunok lang ako ng lunok at pakiramdam ko kahit paglunok ko ay mahirap.

Paglabas ulit ng salas ay eksaktong kakapasok lang ni Alas habang nakakapit sa braso niya si Ate Veron. This sight is unbearable!

Umiwas ako ng tingin kaya napunta ang paningin ko kay Kuya Tress na nakangisi habang nakatingin sa akin.

I dont know if he knew something between me and Alas. Pero sa iginagawi niya ay parang meron nga.

"Good morning. Late na ba kami?" wika ni ate Veron.

"Not really. Kakatapos lang ding kumain ni Carissa." sabi ni Sam.

"Kung ganon tara na." wika ni Kuya Tres na nauna ng tumayo at lumabas ng bahay.

Pagdating namin sa labas ay muling nagsalita si Kuya Tres kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Alas isabay niyo na si Carissa." wika niya kaya gulat na nilingon ko siya.

Ngunit mas lalo akong nagulat sa isinagot ni Alas. Kulang ang salitang gulat dahil magkahalong gulat at sakit ang nararamdaman ko. Para bang pinitpit ang puso ko at nahigit ko ang aking hininga.

"Isabay niyo na siya. May dadaanan pa kami ni Veron." Alas.

Obviously ayaw niya akong isabay. For what reason? Maybe to have quality time with Ate Veron.

Del Fuego Series 2: SAVAGE (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora