CHAPTER TWELVE

11K 216 10
                                    

Hinatid nga si Kyrie ng driver nito. Pagkababa niya pa lang ay may nag-aantay na sa kanya roon.

She thanked Anthony and apologized as well. Gusto niya sanang huwag nang mag-abala ito. Subalit iginiit nito na gabi na at siya pa mismo ang naabala.

Kinabukasan ay pagod na pagod siyang pumasok sa paaralan. Hindi na nga siya nakabisita sa Mama. Hindi naman problema iyon dahil may mga Nurse na naman na mag-aalaga rito.

Katulad noon ay ganun parin naman. Hindi niya nakita si Marv sa paaralan. It's not like she wants to see him. Nagtataka lang siya. Sabagay, ilang beses lang naman ata iyon and she would actually think na halos sa sumunod na araw ay kukulitin siya nito? She think too much.

Paggabi when Monique interrogated her when she have arrived at the club. Paulit-ulit itong nagtatanong kung may ginawa ba itong masama sa kanya.

“Wala nga. Sinamahan ko lang, ” paulit-ulit niya ring sagot.

“Pero in-fairness ha! Yong gwapo pa talaga at kilalang tao ang nagpasama. E bakit pumayag sa iyo? Sabi kasi nila wala raw yung ibang ginawa kung hindi ang ipagtabuyan at murahin ang mga gustong tumulong sa kanya? ”

Nagkibit balikat lamang siya. Malisyosa itong ngumiti at tinampal siya.

“Baka nagandahan sa’yo! O baka gusto ka? Imagine mo yun? Ikaw lang? Nakakapagtaka naman ata, ”

“Baka pagod na talaga. Timing noong ako na kaya ganun. ”

Hindi niya na pinansin ang mga sinasabi nito at inabala ang sarili sa ginagawa. Sinuyod nang kanyang mga mata ang  buong paligid subalit bigo siya nang matapos ang trabaho ay hindi niya nakita ang binata.

Gusto niya sana itong tanungin at kamustahin. Pero sa huli ay naisip niya rin na hindi niya na dapat iyon gawin kung nakita niya man ito. It's normal since he is their valuable customer and it's their duty to lend their services anytime and anywhere they need as long as they are under their club's responsibility.

Kinabukasan ay pabor para sa kanya nang walang pasok. May activity kasi na ginawa para sa mga lower batch. Kaya nagkaroon siya nang pagkakataong maasikaso ang Mama hanggang sa hapon.

“Kay bait naman pala talaga ng boss mo, anak... Pero hayaan mong paglabas ko rito ay tulungan kitang bayaran ang perang naitulong sa iyo. ” banggit nang Mama niya habang inaayos niya ang higaan nito.

Sinabi niya kasi na tinulungan siya ng boss niya kahit ang totoo ay hindi niya pa nga nakikita at nakikilala ang boss nila.

“Ma... Hindi na po kailangan. Saka diba sabi ko naman sa’yo na naayos ko na lahat. Tapos may natitira pa akong pera para sa pagbabago natin nang buhay? ”

“Pero, nak... Alam kong sabi mo na nagawan nang paraan ni Ric iyon pero malaking halaga yun, nak. Paanong... Alam kong galing sa mabuti iyong pera pero paano iyon nabayaran kung halos mag ilang milyon kung tutuusin iyong lahat nang naigastos para lang sa akin. ”

She heaved a deep sigh and looked at her Mama intently.

“Ma... Hindi iyon lang. Mahalaga na maipaopera ka at Alan mo namang tayo na lang. Kaya huwag mo nang isipin iyan, okay? Baka kung mapano na naman kayo niyan e... Isipin niyo na lang iyang tuluyan mong pagpapagaling. ”

Hindi narin siya pinilit pa ng Mama niya na sagutin ang mga tanong. Laking pasalamat niya at kahit nakikita niya ang nalilito at nag-aalalang mukha nito para sa kanya ay hindi na nito pinilit pa na sagutin niya ito.

Kinagabihan ay nagpaalam na siya rito para sa trabaho. Pagkarating ay sinalubong siya ni Monique at sinamahan sa pagpapalit ng uniporme at agad naring nagsimula sa trabaho.

Virginity For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon