CHAPTER THIRTY THREE

5.9K 125 13
                                    

“Ma... Maghahanap na lang po ako ng ibang boarding house. ” ani Kyrie.

“Anak... Papayag iyon si Altaire. Mas makakatipid ka kung roon ka sa kanya. Madali naman iyon pakiusapan Anak, e. Isa pa, mas mainan kung roon ka sa puder niya. Para naman hindi ako mag-alala sa iyo, Anak. ” ang Mama.

“Makakaabala lang po tayo, Ma... Ikakasya ko na lang po ang pera ko para diyan. ”

Ilang araw na yata nilang pinagtatalunan ang bagay na ito simula noong binaggit niya na natanggap na siya sa isang mall na kung tawagin nila roon ay Town Square.

Napag-isipan niya kasing magboarding house lalo na at working student siya sa nalalapit na pasukan. Pumayag naman ang manager sa Town Square na umaga hanggang alas tres lang siya dahil sa gabe ang kursong nakuha niya.

Nabisita niya na kasi ang paaralan sa bayan at nakapagtanong kung pwede bang sa pasukan na lang ang ibang requirements. She explained her reason well. Sa una ayaw talaga siyang payagan dahil rules iyon lalo na at college na.

Pero kalaunan rin ay napapayag niya basta lang daw ay sa pasukan ay maisubmit niya na iyon. Pina-take na lang muna siya ng entrance exam pero for temporary lang muna since incomplete ang mga kinakailangan.

“Anak... ” malumanay nitong banggit. “Hindi natin sigurado kung hanggang kailan na lang iyang natitira sa naipon mo. Kung mamamasahe ka pa araw-araw kung dito ka i hindi natin alam... Sa makalawa o makatlong araw wala na iyan. ”

Bumuntong hininga siya sa paliwanag ng Mama. May malaking halaga pa namang natitirang pera galing kay Altaire na alam niyang kakasya pa kahit umuwi siya araw-araw sa kanila. Pero simula kasi noong nakalabas na ang Mama niya sa hospital ay hindi niya na iyon ginamit.

Kasya pa naman ang perang naipon niya para sa pagbboarding house pero mas iniisip kasi ng Mama niya na mas mainam kung kay Altaire siya makikitira para mas makatipid.
Dagdag pa nito ay mas makakampante raw ito kung roon nga siya kay Altaire dahil may tiwala siya rito.

She have been declining that since her Mama and she argued about it. Hindi niya rin naman kasi nabanggit sa Mama na may kasama itong babae sa inuupahan.

What if naandoon parin iyon? After all... Altaire and that woman misses each other. She hardly swallowed as she think of it.

Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog sa gabing iyon. It bugged her, really. Kung ano-anong pumasok sa isip niya. But the scene before she last saw them was when Altaire and that woman went inside the same room.

And God knows what they do.

Parang tinusok ang puso niya sa isiping may nangyari sa dalawang iyon sa loob ng kwarto. Well... It was hard for her to accept that she's hurt. Kaya siguro binagabag siya nang sobra dahil ang tagal bago niya natanggap sa sarili na nasaktan siya sa nakita.

And if kung may nangyari nga sa dalawa. She guess... Wala siyang magagawa since lalaki lang naman ito at... Well... Wala naman siyang magagawa talaga dahil wala naman siyang karapatan. Napapikit siya at umiling sa naiisip.

“Magagawan naman natin ng paraan, Ma. Huwag na lang roon. ” hirap niyang sabi.

Narinig niyang nagbuntong-hininga ang Mama niya.

“Anak... Alam kong ayaw mo sa kanya. Pero para na lang sa akin, anak... Hindi ko alam kung anong iisipin ko kung ikaw lang mag-isa sa boarding house... A-Ayaw kong... ” napatingin siya sa Mama niya nang pumiyok ito sa huling salita.

Lumapit siya rito at ginawaran ng yakap. She sighed. She knows what's on her Mama's thought. And now she realized that her Mama was just scared that she'll lose her like her Papa and sister. Hindi niya ito masisi kung ganun ang iisipin. They've been through a lot of heartaches.

Virginity For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon