CHAPTER THIRTY ONE

6.2K 136 11
                                    

@lovelyglen2810, dedicate ko sana sa iyo. Kaso naka cellphone mode ako. HAHAHA. thank you soooo much sa comments and votes! I was really surprised! Sobrang nakakamelt po iyong appreciation mo. Hoped to see you until then ")

"Sa kaliligo mo ng dagat iyan. " narinig niyang sabi ng Mama niya.

Kasalukuyan siyang nasa harap ng salamin sa kwarto niya. Nakabukas ang pinto kaya kita siya ng Mama niya.

Sinusi niya nang maigi ang mukha. Ilang linggo na ang nakalilipas at halos sa araw-araw na iyon ay naliligo sila ng dagat. Kaya siguro tinubuan siya ng taghiyawat.

Pero hindi niya pa naalalang tinubuan siya noon. O siguro dahil araw-araw siya nakakaligo ng dagat kaya ganun. Normal lang na tubuan at duguin sa ilong dahil sa init at pagbibilad sa araw.

Hindi naman talaga siya palaligo ng dagat. It's just that it felt like the sea comforts her everytime. Ang ganda sa pakiramdam kapag nakababad siya sa dagat.

Niligpit niya ang mga cotton at lumabas sa kwarto para itapon sa basurahan.

"Tutuloy ba kayo? Akala ko ba tutuloy na tayo ngayon, Anak? " patukoy nito sa pagpunta sa bayan.

Sa mga dumaang linggo ay hindi parin niya ito nasasamahan dahil palagi silang naliligo. Ayaw naman nitong pumuntang mag-isa at lalong hindi niya naman ito papayagan. Nagkakataon lang na kapag may oras siya ay may kailangan gawin ang Mama niya. At kapag ito naman ang may oras ay nagkakataong may usapan siya kay Estoy.

"Si Altaire na lang, Anak. Kung hindi ka makakasama. Ilang araw narin iyong nag-aalok sa akin. "

Napalingon siya sa Mama niya at napasinghap.

Naalala niya ang huling araw nang magkausap sila. Simula ata noon ay hindi niya na ito masyadong nakakausap. Hindi natin ito lumalapit sa kanya at minsan niya na lang itong makita.

Although, bumibisita ito sa Mama niya pero agad ring umaalis kapag andiyan na siya. Hindi niya nga alam kung inaadmire niya parin ito o hindi na.

Hindi niya narin tuloy maiwasan na isipin ang sinabi nitong siya ang mahal nito. Talaga ba? Bakit ganito na ito ngayon? Kung totoong may gusto ito sa kanya dapat hindi ito titigil hindi ba?

But wasn't this what she likes in the first place? Mabuti nga ito at talagang tuluyan ng magkatotoo ang palagi niyang sinasabing paglayo at paglimot. But why can't she denied that she felt a bit of discouraged and hurt everytime Altaire left when they sees each other?

Pero kapag andiyan naman palagi naiirita siya pero kung aalis na ay nasasaktan naman siya. Is she still sane? Ano ba talaga ang nararamdaman niya?

"Sasamahan kita, Ma. Pero bukas na lang po sana? Ngayon na po kasi iyong outing namin sa resort roon sa isla ng Del San. Promise, Ma. Bukas. "

Her mother sighed.

"Wala ka pa bang planong magpaenroll? Enrollment na sa Community College, hindi ba? Nasabihan ako ni Estoy na hindi ka sumama sa kanilang nagpaenroll noong nakaraan. "

"Magpapaenroll po, Ma. Aasikasuhin ko muna po iyong mga requirements. Baka po mga ilang araw mula ngayon babalik po ako para kunin ang records ko sa dating school. "

Tumango ang Mama niya at hindi na nagsalita. Kalaunan ay nagpaalam itong pupunta sa karenderya nila Estoy. Ito kasi ang nakagawian ng Mama samantalang wala pang sariling pinagkakaabalahan.

Inihanda niya na lang ang mga kakailanganin para mamaya. Pero minuto-minuto ay tinitingnan niya ang cell phone. Nagbabakasali paring may marinig mula kay Monique.

Virginity For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon