CHAPTER TWENTY SIX

7K 157 13
                                    

This is just a shallow chap but I hope you'd still enjoy po :)

Thank you for your patience!

-

Altaire left after all their things has been settled inside their new home. Nagpaalam lamang itong aalis na. He never said he'll come back tomorrow that day kaya paniwala niya ay hindi na muna ito babalik. And that thought made her heart calmed a bit.

Sinalubong naman siya ni Aleng Melchior nang namataan siya. Roon niya naalalang hindi niya naisauli ang ipinahiram na unan at kumot.

"Sus, walang problema, oo. " nang sinabihan niya tungkol rito.

Sa gabing iyon ipinakilala niya ang Mama. Wala pa si Estoy noon dahil may trabaho pa daw ito sa ganung araw.

They spent their night then resting after Aleng Melchior offered them food. Kinabukasan ay maaga pa lang ay naggising na siya para ayusin ang mga gamit. Ganun din ang Mama niyang inuna ang mga pang-kusina.

Inawat niya ang ina kalaunan dahil baka mapano pero hindi ito nagpapigil. Her mother assured her she'll do the light things. Sinang-ayunan niya nga lang rin.

She was already unpacking their clothes to find something to wear after bathes while her mother was preparing for their breakfast.

May butane naman silang dala kaya hindi na sila nahirapan sa pagluluto. Bumili lang sa labas ang Mama niya ng itlog at sardinas pang-umagahan para may mailuto.

But Aleng Melchior later on knock on their door.

"Gusto niyo ba ng tulong? " tanong nito.

She wiped her sweat in her forehead. Alas nuebe na and her mother was already done cooking. Tapos nang kumain ang ina samantalang sinabihan niya itong mamaya na siya.

Nakita niya ang pagsungaw ni Estoy sa pinto.

"Magandang umaga, " bati nito sa kanya.

"Magandang umaga, Estoy. " she greeted back.

"Nasaan si Mama mo, ija? " Aleng Melchior.

"Nasa kusina po, " aniya.

"Puntahan ko, ija. Tutulungan ko na siya. Si Estoy na lang rito. Kagabi pa ako kinukulit niyan e. "

Napatingin siya kay Estoy na nahihiyang napakamot sa ulo. Ngumiti siya at tumango.

"Bakit mo kinukulit? " she asked him after his mother left them both.

"S-Sabi ko kasi tulungan ka namin. N-Nag-offer ako noon 'di ba? Hindi tuloy ako n-nakatulong kahapon sa pagbubuhat ng mga gamit niyo. " ani nito habang iniiwas ang tingin sa kanya.

"Pupuntahan nga sana kita kahapon sa sinabi mo, Estoy. Pero may mga tumulong na kasi kaya... " kunot-noo niyang paliwanag.

Tumango ito at natatarantang tiningnan ang mga gamit nila. Bakas ang uneasiness nito sa mga mata.

What's with him?

"A-Ah.. Ganun ba? Ano ba ang susunod dito, Kyrie? " pag-iiba nito. Hindi parin siya tinitingnan.

"Yung mga upuan sana. Ayos lang ba? " habang matamang pinapanood si Estoy.

Nakita niya ang bahagyang pagsilip ni Estoy subalit nang makita na nakatingin siya ay agad ring umiwas na nahihiya. May problema ba?

Hindi niya na pinag-aksayahan pa iyon lalo na nang nakitang nagsimula na ito. Inabala niya ang sarili sa drawers. Hindi naman two storey ang nabili niya. Sakto lang dalawang kwarto at may sariling banyo. Medyo malawak rin ang sala at may pintuan para sa kusina. Iba pa ang espasyo para sa paglalaba sa likod.

Virginity For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon