CHAPTER THIRTY SIX

6K 138 12
                                    

Almost one week had passed and they never talked to each other after that.

Maaga pa lang sa tuwing umaga ay umaalis na siya. Kung nagkakaabot man ay hindi sila nag-iimikan sa isa't-isa. Matagal narin ito kung umuwi kapag gabi.

Weekend nang umuwi siya sa kanila. Her Mama was supposed to visit her at Altaire's place and to see him narin pero sinabihan niyang masyado itong busy sa trabaho.

Halos araw-araw kasi itong may kausap sa cellphone sa tuwing namamalayan niya. They even barely see each other because he's always inside of his room every after seeing each other. Sa kusina man o saang parte ng bahay.

Nagkita-kita rin sila nila Estoy noong nakauwi. Kinamusta siya ng mga ito sa naging trabaho at sa tinitirhan.

“Saan ba kasi banda ang bahay na tinitirhan mo, Kyrie? Naroon kami sa bayan noong nakaraan para ayusin iyong mga gamit namin. ” si Selda.

“Medyo malayo rin kasi sa sinasabi niyong lugar. Mag-aaksaya lang kayo kung dadalawin niyo pa ako roon. ” aniya.

“Gusto ka nga sana namin bisitahin rin sa Town Square. Kaya nga lang, sabi ni Estoy huwag ka na daw namin guluhin. ” si Catherine.

“Oo nga pala... Naayos mo na ang mga requirements mo, Kyrie? Ilang araw na lang at pasukan na, a? ” si Estoy, bakas ang kagustuhang palitan ang usapin.

Napatigil siya. Oo nga pala. Malapit niya nang makalimutan iyon dahil sa dami ng inaalala. Pwede naman siyang manghingi ng form sa paaralan niya ngayon pero she needs to personally get her report card from her previous school beforehand. Hindi niya kasi iyon nakuha pa noong umalis dahil advance siyang kumuha ng test.

Although, nakapagpaalam na siya sa pinagt-trabahuhan for her offs at nasabihan niya narin ang Mama. Siguro maghahanda na lang siya para sa pagbbyahe.

Ilang oras silang nag-uusap nang nabaling ang atensyon nila sa dumaang si Dante. They were at Oskar's place kung saan madalas pinaglalagian ng mga kaibigang lalaki.

Nagkatinginan sila nang napansin ang bigat sa bawat hakbang ni Dante. Habang diretso lang sa daan ang tingin nito. Bakas ang galit sa mga mata nang mapansin nita. Hindi niya na kailangang sabihin na masama ang timpla ng aura nito sa pamamaraan nang pagkakakuyom nito ng kamao.

“Dante! ” tawag pansin ni Oskar.

Pero parang hindi sila narinig nang diretso lamang ang mabilis na paglalakad nito. Narinig niyang napamura si Oskar. Nakita niya kung paano ito kafrustrated na sinundan si Dante sa kung saan.

Nakita niyang nag-aalalang sumunod ang ilan kaya napasunod narin siya sa mga ito.

“Ano bang nangyayari? ” she asked Selda.

“Siguro tungkol kay Cylene na naman iyan. Noong nakaraang araw kasi sinugod si Cylene noong ex ni Sir Zedd. Nag-away ang dalawa at nagkasugat-sugat pero ang ex iyong nagpalabas na dehado siya. Nagkasugat iyong ex kasi may kutsilyo daw si Cylene. Pinagalitan ni Sir Zedd ang asawa kaya siguro galit na galit si Dante. ” paliwanag ni Selda.

Nanlaki ang mga mata niya.

“Hindi ba nakapagtataka? Bakit mayroong kutsilyo si Cylene? Hindi mo aakalaing sa mahinhin niyang pagkatao may side din pa lang pagkasadista, ano? ” si Catherine.

Hindi siya nakaimik. She doesn't  know what to react. Wala naman kasi siyang alam tungkol sa storya nila. Naalala niya tuloy iyong mga araw na pinagsamantalahan siya.

She was thankful it didn't bring her deep wounds. And if ever it would bring grudges, no it already was, but she easily forget it because she swear not to get affected, and maybe if she did allow it nagtatago narin siguro siya ng ganung bagay.

Virginity For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon