Epilogue

1.3K 30 5
                                    

            MAY narinig akong kaluskos kaya mabilis kong sinuot ang shirt ko kay Lissandra. Kinuha ko ang Glock 26 ko sa gilid ng tent bago ako lumabas. Hindi ko na nasagot ang tanong ni Lissandra, I made my instinct do its thing. Kakaiba ang pakiramdam ko and there I saw 4 men roaming around and for sure mabilis kaming makikita ni Liss dahil sa aming tent.






Mabilis kong hinila si Liss para tumakbo but the men saw us.






“Ayun!” Hinabol kami nito. Mabilis ang galaw ko, pinaputukan ko agad ng bala ang mga ito. Sumablay ang ilang bullets pero may nabaril akong isa sa ulo.





Nakita kong dalawang lalaki lang ang may hawak na baril. Ang isa ay may Semmerling LM-4 pistol at ang isa ay naka LC-3A3-S Assault Rifle. Mas malayo pa ang naka-rifle kaya’t naisip ko na ang dapat gawin. Lalaban ako habang malayo pa ang naka-rifle, mga 10 metro pa ang layo nito kaya't hindi aabot ang bala sakin. Sinugod ko ang isang walang armas, malalakas na suntok ang pinaulan ko dito. Naubusan na ng bala ang pistol ko kaya’t kailangan kong maging maabilidad. Mabilis kong pinalagutok ang leeg nito kaya’t nawalan agad ng malay. Ginawa ko itong panangga sa lalaking may pistol na naka-lapit na.




“Putangina ka halimaw! Pinatay si Jose at Pio!” Galit na galit nitong sigaw at pinag-babaril ako. Ginamit ko ang katawan ng lalaking walang malay para salagin ang mga tama ng bala. Nang matiyak kong wala ng bala ang pistol nito ay binitawan ko ang bangkay na ginawa kong panangga.



Mano-mano ko itong nilabanan habang pilit umiiwas sa tama ng naka rifle. Sumigaw ang nilalabanan kong lalaki.



“Yung babae ang barilin mo! Yun ang sinabi ni Amanda na patayin!” Sigaw nito sa naka-rifle. Lalong nag-init ang ulo ko. Si Amanda ang may pakana ng mga ito.



Narinig ko ang sigaw ni Liss nang paulanan ito ng bala ng naka-rifle. Walang puno sa parte nito kaya’t wala syang mapag-taguan. Mabilis kong tinakbo ang distansya namin at pinanngga ang katawan ko sa mga tama ng baril habang itinatakbo ito palayo.



       NAPASIGAW ako nang may lumabas na dugo sa bibig ni Zyver. Napaluhod ito, hindi ko na mabilang kung ilang bala ang tumama sa katawan nito. Tuloy-tuloy na bumuhos ang luha ko.




“T-takbo na ma-h-hal ko.” Sabi nito habang umuubo ng dugo. Umiling-iling ako, kung mamatay sya ngayon ay sasama na rin ako!



Nanghihina na ang kamay nitong tinutulak ako palayo. “T-takbo.” Bulong nito bago pumikit ang mga mata. Humagulgol ako habang yakap ang mahal ko. Panaginip lang ito diba? Impossible ito. Umiling-iling ako, oo panaginip lang to.



Galit na galit kong tinignan ang lalaking humigit sakin. Ang isa ay nilapitan si Zyver at sinipa sa mukha. "Tanginang panget to pinatay ang mga kasamahan natin." Nag-wala ako. Mga hayop!



“Pre, gamitin muna natin tong babae bago patayin.” Malaswang sabi ng may hawak sakin.



Mabilis kong ginawa ang mga tinuro sakin ni Ver na self-dense at nakawala sa pag-kakahawak nito. Sobrang bilis kong tinakbo ang kagubatan habang iniiwasan ang mga bala ng baril.



Nilingon ko ang katawan ng mahal ko sa malayo bago nag-patuloy muli sa pag-takbo. Halos wala na akong makita dahil sa luhang nasa mata ko. Parang kanina lang ay yakap ko pa sya pero ngayon kahit kailan ay hindi ko na ito magagawa.


My love story ended when it has just begun. I thought that I was going to have a happy ending with him but it turns out to be just a dream that will never be fulfilled and maybe, it will only happen in our another lives.


                           THE END.




___________________________________

Important Notice: Isa kaba sa nagoyo ko? Bitin ka no! HAHAHAHA Gigil ka siguro sakin ngayon. Sorry na, may BOOK 2 naman ang Marked By The Beast. Ver and Lissandra’s story isn’t full of drama as of now, I made it light and funny tapos ay binagsak ko kayo sa dulo, pero sa book 2 sinisigurado kong lalong iba’t-ibang emotions na mararamdaman nyo. It gets more addicting as you read no? HAHAHAHA. See you on the book two! It goes by the title “Taming The Little Monster”, tignan mo na lang sa profile ko. Don’t forget to follow me and put the book two in your library.

Marked By The Beast (COMPLETED) Where stories live. Discover now