Chapter 12 [UNEDITED]

59.9K 1.9K 217
                                    

***










Nang maihatid si Bianca sa labas ng bahay nila Shania at mahintay siyang makasakay sa taxi ay muli na akong pumasok sa loob.




Napatingin ako sa taas, sa kwarto ng asawa ni Kuya. Anong oras na pero hanggang ngayon ay hindi pa siya lumalabas, hindi katulad ng dati na maaga siyang gumigising para magluto. Tulog pa kaya siya hanggang ngayon dahil sa pagod?




Hinayaan ko na lang muna siya at pumunta na sa kusina. Ako na lang muna ang magluluto ngayon. Naisipan kong gumawa ng stew at nag-prito rin ako ng bacon, egg, and ham.




Natapos na ako at lahat pero wala pa rin siya, hindi pa rin siya bumababa. Maya't maya ay nakarinig ako ng isang kalabog sa taas kaya agad akong napatakbo ro'n at walang anu-anong pinasok ang kwarto niya.




Ganoon na lang ang gulat ko nang makita siyang nakahiga na ngayon sa sahig at tila namimilipit sa sakit. Agad akong lumapit sa kaniya at inalalayan siyang makabangon at makahiga sa kaniyang bed.




"A-are you okay?"



Malamang, Sav! She's not okay!




Anong nangyayari sa kaniya? Dahil ba ito sa nangyari kagabi? Sa pakikipaglaban niya?




Nakapikit siya ngayon pero halatang sobra siyang nasasaktan. She's now massaging her own shoulders and even her nape. Nanginginig din ang mga kamay niya.



Pinakiramdaman ko ang kanyang noo gamit ang likod ng palad ko pero hindi naman siya mainit.



"S-Shan? Please, say something. Tell me how to help you," nag-aalalang sabi ko sa kaniya pero hindi siya umimik at tanging malalakas lang na hininga ang nilalabas niya.




Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kuya. Bahala na kung maistorbo ko siya sa kaniyang meeting. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa asawa niya.




"Sav, may meeting-"




Agad kong pinutol ang sinasabi niya, "Kuya, sorry sa istorbo pero si S-Shania. I don't know what's happening to her, but I think she's in pain right now. What should I do?"




Narinig kong nagmura si Kuya sa kabilang linya pero mahina lang iyon, "ask her if she already took her med. Kung hindi pa ay kunin mo iyong gamot niya sa drawer niya, sa side ng bed niya. Kunin mo iyong amitriptyline sa box. And please, Sav. Massage her back pagkatapos niyang inumin iyong gamot hanggang sa makatulog siya. She really need that."




"I will, Kuya... pero hindi pa siya kumakain. Is it okay to take that med kahit walang laman ang tyan?"



"Can you cook for her? Kahit noodles lang before niya inumin iyong gamot niya."



"Nagluto na ako. Okay lang ba ang stew sa kaniya?"




"Better. Text me kung hindi pa rin siya nagiging okay."




Naisip kong sabihin kay Kuya kung bakit ito nangyayari sa kaniyang asawa. Dahil iyon sa nangyari kagabi sa amin, lalo na sa kaniya.




"Kuya, I think this is because of-" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil kinuha ni Shania ang cellphone ko at pinatay ang tawag.




Binigay niya sa akin ang phone ko without even looking at me. Gets ko na agad kung bakit niya iyon ginawa. Ayaw niyang sabihin ko kay Kuya ang nangyari.




My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Where stories live. Discover now