***
"Mabuhay ang bagong ikakasal!" Sigaw ni Kuya Steve at pinatunog nila ang mga baso gamit ang mga tinidor.
"Mabuhay!" Sigaw naman ng dalawang kapatid ni Shania.
"T-teka lang, b-bakit ang biglaan n-naman ata n-nito?" Hindi pa rin makapaniwalang sambit ko.
Muli akong napatingin kay Shania na ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan ko, hawak ang aking mga kamay, titig na titig sa akin, at namumula ang mukha. She's blushing, bakit siya namumula? Nakakaramdam din ba siya ng hiya dahil sa mga sinabi niya kanina, dahil sa ginawa niya?
Ibang iba itong proposal ni Shania (kung proposal nga ba ang matatawag rito sa ginawa niya) kumpara sa ibang mga nagpropropose. Iyong ibang couple naiiyak pa sa ganitong sitwasyon dahil sa sobrang saya—pero hindi nga pala kami mag-couple—kaya bakit? Ni hindi naging kami tapos may paganito siya agad? Ibang klase talaga siya.
"Savien, I'm not asking you to give me a chance para patunayan sa 'yo kung gaano kita kamahal, I don't even need your permission para pumasok ako sa buhay mo. Wala ka nang magagawa dahil sa akin ka na, mamahalin kita, magpapakasal tayo, at magiging asawa mo ako sa ayaw at sa gusto mo."
"That's our sister!" Proud na proud na sigaw ng kambal nang masabi iyon ni Shania.
Napalunok ako, parang tumigil ang utak ko sa pagfunction, hindi ako makapag-isip nang maayos. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari ito, na nasa harapan ko ngayon si Shania at sinasabi niya ang mga katagang iyon. Totoo ba ito? Nananaginip lang ba ako?
"Sh-Shania, pakisampal nga ako, please? I'm just dreaming right? Anong klaseng panaginip ito–" natigilan ako nang halikan niya ako sa aking labi. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labi na dumampi sa mga labi ko. Totoo nga? Nanlaki ang mga mata ko, "p-paanong? Shit, grabe, parang totoo– aray!" Naitulak ko nang bahagya si Shania nang muli niya akong halikan at kagatin ang ibabang labi ko.
"Next week will be our wedding. Naayos ko na ang lahat, I already talked to your manager about this, he even gave me your body measurements for your wedding gown–"
"W-wait, what?!"
"Any problem about that?" Tanong nito at tinaasan ako ng kilay.
"Alam din ng manager ko ang tungkol dito?" Kaya ba todo kumbinsi rin siya sa akin na pumunta ako rito noong natapos ang concert namin? Maging ang mga kabanda ko at si Christian. Plinano nilang lahat ito? Pero teka, suportado pati ang manager ko rito? Ayos lang sa kanya?
"Goodluck sa kasal mo Savien!"
Gulat na napatingin ako sa direksyon at pinanggagalingan ng boses na iyon. Boses iyon ni Harris, sigurado ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga kabanda ko sa isang table na medyo malapit lang din sa amin. Kumakaway sila kasama ang manager namin, si Christian at maging ang manager niya at si Mr. Daryl Park. Oh. My. God!
Muli akong napatingin sa paligid namin, sa lahat ng table na may tao. Shit! Lahat ng nandito ay kakilala ko, mga kamag-anak namin at kaibigan. Bakit ngayon ko lang napansin? Paanong hindi ko sila napansin?
"Paano? Kailan pa ito?"
"Mahalaga pa ba iyon?"
Napalunok ako, hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

YOU ARE READING
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RandomSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020