***
Habang sumasayaw sa dancefloor ay may lumapit sa aking isang lalaking may hawak na dalawang baso ng alak. Iniabot niya sa akin iyong isa kaya kinuha ko ito at sabay kaming uminom. He's dancing in front of me while his hands are caressing my waist. Todo ngiti pa siya sa ginagawa niya.
"Mas maganda ka pala sa malapitan," sabi nito sa akin at mas lumapit pa sa aking tenga. Halos sumigaw na siya dahil sa lakas ng music.
He's taller than me, hanggang baba niya lang ako at maskulado ang kaniyang katawan. He's a good looking guy kahit mukhang may pagkamanyak ang dating nito.
"What's your name?" Panlalandi ko sa kaniya at tumingkayad pa ako para mas makalapit sa tenga niya. In fairness mabango siya.
Medyo tinatamaan na ako ngayon ng alak kaya hindi ko na magawang magsungit pa. Kanina pa ako inom nang inom dahil sa dami ba naman nang lumalapit sa akin para makipaglandian at lagi silang may dalang alak. Alak iyon, bakit ko tatanggihan?
"I'm Lucas."
"Kailangan ko pa bang magpakilala?"
He chuckled, "no need, Savien. Kilalang-kilala ka ng lahat dito. Sa ganda ba naman ng boses at mukha mo? You're also hot and sexy as always."
Ngumisi ako sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita.
"Do you want to go somewhere?"
Tumigil ako sa pagsayaw at agad siyang siniil ng halik, humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko at ganoon din ako sa batok niya. Bago pa man niya maipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko ay may pumigil na sa amin.
Napatingin ako dito at nang makita si Charles ay agad akong napangiti. Natigil din si Lucas dahil sa biglang pagdating ng kabanda ko.
"Oh, here's my boyfriend–"
Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang tuluyan na akong hilahin ni Charles hanggang sa makaupo na ako sa isang couch. Tinignan ko siya nang masama at muli sanang kukuha ng alak pero hinigit ni Harris sa akin iyong bote ng alak kaya tinaasan ko siya ng middle finger.
"Problema niyo?" Bulalas ko sa kanila.
"Ikaw? Problema mo?" Pabalik na tanong sa akin Rafael.
"Kanina ka pa namin tinitignan. Pang-ilang lalaki na iyong kahalikan mo kanina."
I rolled my eyes at them, "kailangan ko bang bilangin dapat? 'Tsaka hindi naman ako basta basta humahalik, kinikilatis at inaamoy ko muna sila kung malinis sila."
"Iuwi ka na namin–"
"Alam niyo ang killjoy niyo! Kayo ang nagsabi sa akin na maghanap na ako ng seseryosohin, iyon ang ginagawa ko ngayon pero pinipigilan niyo ako. Anong trip niyo?" Bulyaw ko sa kanila at tumayo na.
"Paano ka makakahanap ng seseryosohin mo kung lasing ka? Ha?" Sigaw pabalik sa akin ni Jerald.
"Putangina! May gusto akong kalimutan! May gusto akong mawala sa nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yon! Gulong-gulo na ako!"

VOUS LISEZ
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
AléatoireSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020