***
"Shania Salvador, hmm," banggit ko sa pangalan ng asawa ni Kuya habang tinatype ito sa isang social media.
Bigla akong nacurious sa babaeng 'yon. Matagal ko na siyang nakakasama rito pero bukod sa ugali, itsura at pangalan ay wala na akong ibang alam sa kaniya. Maging ang pamilya nga niya ay hindi ko kilala, basta ang alam ko lang ay business partner ng parents niya ang parents ko.
Ha? Sa kaniya ba lahat ng account na 'to? Andaming nagpakita, may mga pages pa. Una kong binuksan iyong isang page na sa tingin ko ay matagal nang hindi nabubuksan pero milyon na ang likes nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang litrato niyang naka-one piece lang. Muli akong napatingin sa nakalagay sa top ng page. Asia's Next Top Model? Sunod kong tinignan iyong date ng huling post. Halos walong taon na ang nakalilipas. Siya ba talaga 'to? Mukhang siya nga dahil kamukhang-kamukha niya ang nasa litrato. Nagmomodel siya dati?
Agad kong sinara ang gamit kong laptop nang biglang pumasok si Kuya rito sa kwarto ko. Alam kaya ni Kuya ang tungkol sa pagmomodel ng asawa niya? Malamang, Sav. Bestfriend nga sila simula highschool, 'di ba?
"Anong ginagawa mo?"
"Wala, Kuya," inayos ko iyong laptop at nilagay sa gilid ng bed ko, "ah, Kuya?"
Lumapit siya sa akin at humiga sa bed ko. Super gulo ng buhok niya ngayon at halatang pagod na pagod siya, "you okay?"
Tumango ako. Magtatanong ba ako sa kaniya tungkol sa asawa niya? Hindi naman siguro siya mag-iisip ng kung ano. "Did your wife join Asia's Next Top Model before?"
"Hmm, yeah, when she was 17 or 18 I think. Pero after that hindi na siya muling sumali pa. Why?"
Umiling ako. So, siya nga talaga 'yon? Kaya pala ganoon siya gumalaw, parang nagmomodel pa rin. "Wala, Kuya. Wala kang work ngayon?"
Bukod sa maganda at sexy si Shania ay matangkad din talaga siya. Ang ganda ng tindig ng katawan at pangmodel talaga ang itsura. Nanalo kaya siya noon? Bakit siya tumigil?
"Meron pero gusto ko munang magpahinga. How's your gig last night?"
"It was okay, Kuya. Nakakapagod pero enjoy naman. Ikaw?"
For sure kahit hindi ko siya tanungin ay ayos lang ang sagot niya. Bihira ko na lang siyang makitang ganito, walang ginagawa, at hindi busy. Sana nga masaya pa rin siya sa ginagawa niya.
Napatingin ako sa kaniya dahil ilang minuto na ay hindi pa siya sumasagot. Bumuntong-hininga ako nang makitang tulog na pala siya. Ngumiti ako at nilagyan siya ng kumot.
Nang makalabas ako nang kwarto ko ay napatingin ako sa cellphone kong nagv-vibrate. Sinagot ko ito nang makitang number ni Ruby ang nasa screen, iyong girlfriend o kalive-in partner ni Dave.
"Sav, can we talk?"
"About what?"
Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o sinisipon lang dahil sa boses nito.
"About Dave. I'll send you the location. Hihintayin kita rito."
Bago pa man ako makapagsalita ay in-end na ni Ruby ang tawag. Hindi sana ako pupunta pero parang importante 'yon. Nang makarating ako sa coffee shop na sinabi niya ay agad ko siyang nakita. Magang-maga ang mata nito nang makalapit ako sa kaniya.

ŞİMDİ OKUDUĞUN
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RastgeleSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020