***
"Bitch! Hoy, bitch! Wake up!"
"Ano ba!" Sigaw ko habang inaagaw ang kumot sa kung sino mang humihila no'n palayo sa akin.
Anong oras na akong nakauwi kaninang madaling araw dahil sa gig. Wala pa atang tatlong oras ang tulog ko. Tangina naman, oh!
Teka! Bakit may bata?
"Silver? Oh, my God!"
Kahit hirap sa pagmulat dahil sa kaantukan ay minulat ko pa rin ang mga mata ko at tinignan kung sinong naroon. Nakita ko ang batang kampon ni Satanas na hila-hila ang comforter ko at si Shania na ngayon ay nasa nakaawang na pintuan na tila gulat na nakatingin sa aking likuran.
Muli akong pumikit pero nang marealize na nandito ang kampon ni satanas at si Shania sa kwarto ko ay muli akong napamulat. Nanlaki ang mga mata kong muling tumingin sa kanila. Shit!
Nakadapa ako ngayon at tanging comforter lang ang nakabalot sa akin pero-
"You have a big butt, huh!" Rinig kong sabi ng bata habang humahagikgik at tinatapik ang puwet ko.
Agad akong humiga ng patihaya nang mapagtantong naka-panty at bra lang ako kaya malayang natatapik ni Silver ang likuran ko. Hindi na ako nagsuot pa ng damit kaninang madaling araw pagkatapos kong mag-shower dahil sa matinding pagod, antok, at pati na rin katamaran.
Muli akong lumingon kay Shania. Halatang gulat pa rin ang mukha niyang nakatingin sa akin-sa katawan ko. Bumangon ako at agad na napasabunot sa ulo ko nang maramdaman ko na naman ang pananakit nito dahil sa hangover.
"Silver, let's go. Kailangan ni tita Sav mag-rest."
"But it's already 11. This bitch needs to eat-"
"11 na?" Gulat na tanong ko at kinuha ang cellphone ko.
Napasapo ang sa noo ko. Akala ko maaga pa. Kaya pala nakakaramdam na rin ako ng gutom. Kahit na masakit ang ulo ay tumayo na ako at pumunta sa bathroom para makaligo na. Narinig ko na rin ang pagsarado ng pintuan ng kwarto ko. For sure lumabas na sila.
Pagbaba ko ay naroon na silang dalawa sa dining room. May nakahanda ng pagkain at may isa ring basong shake na nakalapag doon. I think para sa akin 'yon, para sa hangover ko gaya ng ginawa niya dati.
"Good morning, bitch!" Masiglang bati sa akin ni Silver nang makaupo ako sa harapan nila.
"Morning, little Satan." tugon ko at ginulo ang buhok niya.
Hindi na ako makikipagtalo pa sa pagtawag niya sa akin ng bitch. Bahala siya.
"And this is big stan?"
Mabuti na lang at hindi pa ako umiinom sa shake na hawak ko, kung hindi ay mabubuga ko talaga 'yon dahil sa sinabi ni Silver. Tinuro pa niya si Shania na tahimik lang at mukhang inosente. Hindi ko napigilan ang malakas kong pagtawa at muling binaba ang baso.
"Savien!"
I bit my lower lip para pigilan ang pagtawa ko dahil sobrang sama na ng tingin sa akin ni Shania. Hindi ko inexpect iyon. May pagkainosente rin pala ang isang maliit na kampon ni Satanas.

YOU ARE READING
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RandomSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020