ℭ𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 1

984 28 5
                                    

【 𝐌 𝐞 𝐞 𝐭  𝐓 𝐡 𝐞  𝐉 𝐢 𝐧 𝐱 】

✵✵✵

Isa ang Zhalora sa pinaka-makapangyarihang kaharian na matatagpuan mismo sa pinaka-gitna ng kontinente ng Dreole. Masagana ang pamumuhay ng mga tao dito dahil ito rin ang sentro ng kalakalan sa buong lugar kung kaya't sagana ang lungsod sa umaga ng mga taong naghahanap-buhay upang kumita ng Zen na siyang salapi na ginagamit ng mga mamamayan sa lugar. Maraming nagsasabing mga tao na ang Zhalora Kingdom ang pinaka-payapa at may masaganang pamumuhay kumpara sa ibang kaharian na nalalapit dito.

"Tabi!" Narinig kong sigaw ng lalaki mula sa likuran ko. Bago pa man ako makahuma ay naramdaman ko na lang ang pagtulak  nito sa akin sa gilid ng daanan dahilan para matapon ang mga prutas na inutos sa akin.

"Sinabi ko nang tabi! Bingi ka ba ha? Malas ka talaga kahit kailan sa lugar na 'to." Galit na bulyaw nito sa akin. I bowed down my head to averted my gaze on its raging eyes.

"Bwisit na araw." Bulong nito na nahuli pa ng aking pandinig saka nasundan nang papalayo nitong mga yabag.

Napa-buntong hininga na lang ako para ilabas ang bigat na namumuo sa dibdib ko at para pigilan ang nagbabadiyang mga luha sa mata ko. Sanay na ako sa mga ganitong pangyayari simula nang paglaki ko dito sa Zhalora. Hindi ko alam kung bakit kinamumuhian ako ng buong tao sa lungsod maging nang mga tao sa loob ng kaharian na pinaglilingkuran ko kahit na wala naman akong masamang ginagawa sa bawat isa sa kanila.

Lumaki ako sa isang bahay-ampunan dito sa lungsod simula pa lang nang sanggol ako ay ganito na ang palagi kong sinasapit sa kamay ng bawat tao. Sa loob ng ampunan ay mailap silang lahat sa akin. Madalas ay inaalipin ako ng mga Madre na siyang nag-aalaga sa lahat ng mga naulila na. Ako ang pinaglilinis, inuutusan at kung ano-ano pa na kapag hindi ko nagagawa ng tama ay nakakaranas ako ng pagmamalupit mula sa mga kamay nila.

Napangiti na lang ako ng mapait ng dumaan sa isip ko ang mga masasakit na alaalang 'yon.

Hindi ko na lang inalintana ang mga tingin ng bawat taong dumadaan at pinagpatuloy ko na lang ang pagdampot sa mga prutas na nagkalat sa daanan. Pinunasan ko pa ang ilan sa mga ito gamit ang aking damit at nilagay sa basket na pinaglalagyan nito. Nang kukunin ko na sana ang ilan sa mga prutas ay kasabay nito ang mabilis na pagdaan ng kalesa na nagpaatras sa akin. Nang tignan ko na ang mga ito ay nanlulumo kong tinignan ang mga durog na prutas sa lupa.

Napakagat-labi na lamang ako dahil sa pinaghalong inis at kaba. Tumayo na lang ako at nagsimula nang maglakad patungo sa kaharian.

Nakayuko akong naglakad at iniwasan ang mga tao maging ang masasama nilang mga tingin sa akin. Diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa tarangkahan ng palasyo.

Nang makarating ako sa tapat ay nakita ko naman ang masasamang tingin sa akin ng dalawang Royal Soldiers na nagbabantay sa labas ng tarangkahan.

"Don't look at me, you jinx." Galit nitong banggit sa akin.

Umiwas na lang ako ng tingin at nilagpasan sila. Napahigpit ako ng hawak sa dala kong basket na naglalaman ng mga prutas. Naramdaman ko na lang na may hangin na tumulak at pumatid sa akin dahilan para magkalat ang mga prutas na dala-dala ko sa ibaba.

I gritted my teeth in annoyance. Sumosobra na sila. Air ability users huh? I sighed as I picked up the fruits and put it inside the basket.

Nang matapos ako ay pinagpagan ko ang sarili at nagsimula nang maglakad papasok ng palasyo. Wala gaanong tao nang makapasok ako kaya nagpatuloy na lang ako patungo sa kusina para ilagay ang mga prutas na binili ko mula sa lungsod.

𝗘𝗡𝗜𝗚𝗠𝗔: Insurgence Of NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon