ℭ𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 20

314 22 0
                                    

【 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐁𝐞𝐡𝐢𝐧𝐝 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫 】


✵✵✵


Isang araw kaming nagpahinga mula sa kagubatan pagkatapos ng isinagawa naming training kahapon. Ngayon ay maglalakbay na muli kami at ngayon ay tutungo na kami sa susunod na destinasyon namin ang Aldor Kingdom.

Pagsikat pa lang ng araw ay nagkaniya-kaniya na kami ng pag-aayos bago magsimula sa paglalakbay. Malayo ang border ng Aldor mula sa kinaroroonan namin kaya kailangan naming magmadali na makarating doon ngayong araw mismo.

"Kumilos na tayo kailangan nating makarating doon ng maaga. Itago niyo ang mana niyo kailangan nating mag-ingat." Sambit ko na ginawa din naman nila.

Mabilis kaming tumalon sa mga puno patungo sa timog. Matayog ang mga puno at halos walang espasyo dahil sa dami ng mga ito. Tumalon kami ng palipat-lipat sa bawat puno at dinadama ang paghampas ng hangin sa katawan namin.

Makalipas ang ilang oras ay 'di kalayuan mula sa kinaroroonan namin ay natatanaw na namin ang mataas na pader na siyang nagpapahiwatig na malapit na kami sa border ng Aldor Kingdom. Ito ang unang beses na makakalabas kami ng Zhalora kung kaya hindi ko maiwasang isipin kung ano ang itsura at klase ng pamumuhay sa lugar.

"Tahimik tayong lalapit at 'wag na 'wag kayong gagawa ng kahit na anong ingay. Magmasid tayo sa lugar at ako na ang bahala kung paano tayo makakapasok." Paalala ko sa kanila. Nang makarating na kami sa harap mismo ng border ay may malaking pinto na gawa sa makapal na baka at may mga nagbabantay sa daanan nito. Mukhang hindi kami basta-basta makakapasok.

Nakita ko ang pagbaling ng tingin sa akin ni Vernu at Harulle sa magkabilaan ko. Ngumisi lang ako sa kanila na siyang senyales na magiging maayos lang ang lahat. Kailangan ko muling  subukan ang bagay na ginawa ko no'ng una naming misyon. Pumikit ako at sinubukan ko muling isipin mula sa utak ko na gumawa ng invisible barrier sa mga katawan namin. Nang sa tingin ko ay maayos na ang lahat, muli kong idinilat ang mga mata ko. Nakatingin lang sila sa akin at naghihintay ng magiging senyas ko. Tumango ako sa kanila at pinalutang ang mga katawan namin patungo sa taas ng pader. Ilang sandali lang ay nagawa na naming maitapak ang mga paa namin sa itaas ng pader.

"Bakit hindi nila tayo nakita?" Bulong niya at puno ng katanungan ang mga mata. Nginisihan ko lang siya, bumaling ang tingin niya kay Harulle na nagkibit-balikat lang.

Tanaw mula sa itaas ang lawak ng lugar. Kung sa Zhalora ay puno ng kagubatan ang lugar kumpara sa Aldor ay makikita na ang kabihasnan sa lugar.

"I wonder what kind of adventure awaits us." Mahinang usal ni Harulle. I agree with her.

"Let's go." Anyaya ko at muling pinalutang ang katawan namin malayo sa border ng Aldor. Pumunta kami sa isang eskinita ng siyudad at doon kami matiwasay na nakalapag. Pinawala ko na ang invisible barrier na ginawa ko at tumingin sa kanila.

"What now?" Tanong ni Harulle at sinisilip ang nasa labas ng eskinita.

"Magikot-ikot muna tayo sa lugar at magmasid kung ano ba ang kakaiba dito sa lugar nila." Suhestiyon ko na sinang-ayunan naman nila. Lumabas kami ng eskinita at tumambad sa amin ang mga taong may kaniya-kaniyang ginagawa habang ang ilan ay napapadaan lang.

Nagsimula kaming mag-ikot at pagmasdan ang lugar. Makikitang magkahalo ang mga naninirahan sa lugar may mga tao at demi human na makikita sa lugar at mukha namang matiwasay na namumuhay ang bawat isa.

Sa tingin ko ay nakarating na kami sa capital ng lugar. Sa harapan namin ay ay tatlong daan. Daan mula sa kanluran, hilaga, at silangan.

"Mukhang wala namang problema sa kaharian na 'to." Sambit ni Harulle ng makapagmasid sa lugar.

𝗘𝗡𝗜𝗚𝗠𝗔: Insurgence Of NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon