ℭ𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 10

373 22 2
                                    

【 𝐇𝐢𝐝𝐝𝐞𝐧 𝐈𝐧 𝐓𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐫𝐤 𝐈𝐈】



✵✵✵



Mabilis na lumipas ang oras. Nang makabawi ako ng lakas ay sinimulan ko na muli ang paglalakbay ko paakyat ng bundok. Mas pinili ko na lang na lumipad para mas mabilis akong makarating sa destinasyon ko. Sa tantiya ko ay malapit na akong makaabot sa kalahati nitong bundok. May mga nadadaanan na din akong mga beast na agad ko din namang pinapaslang na kung minsan pa nga ay mga grupo. Hindi ko na din pinapalampas ang pagpatay sa mga beast dahil magsisilbi iyong experience na magpapa-improve sa paraan ng pakikipag laban ko.

Kahit ramdam ko ang pagod ay nagpatuloy lang ako ng nagpatuloy sa pag-akyat.

"Daerius." Tawag ko sa kaniya.

"What is it this time?"

"Ano pang alam mo tungkol sa bundok na 'to?" Tanong ko sa kaniya. Gusto ko lang na may mapigang impormasyon baka may ibang bagay pa akong posibleng makita sa bundok na 'to. My intuition tell me so, this mountain is just so weird for me.

"Well, now that you mention it. They say that you can find a Cursed fruit here. But I don't know where exactly it is located."

"Cursed fruit?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Oh, that fruit can unveil the hidden mana of an ability user. Morelikely, a cheat. The reason why it's cursed is, it will bestow you an inhumane power. Be careful though, if your planning to find then eat that fruit be ready on its consequences."

Napakunot ako sa huli niyang sinabi. Consequences huh? Nah, after he said that it just fueled my curiousity with that cursed fruit. I smirked. I'll make sure to find that thing.

Perhaps because of too much excitement I flied much faster than usual. Gusto ko nang marating ang bundok na 'yon sa lalong madaling panahon.

After half of an hour ay nakarating na ako sa kalahati ng bundok. Medyo natatanaw ko na ang itaas, nakikita kong masiyadong makapal ang hamog na pumapalibot dito. Mas numinipis ang hangin pero sa tingin ko naman ay kakayanin ko pa kung sakaling may mga makalaban akong beast sa lugar na 'to.

Huminto ako sa isang puno at nilabas mula sa cloak ko ang tubig saka uminom doon. Mas dumodoble ang nararamdaman kong pagod dahil sa nipis ng hangin, para akong kinakapos ng hininga. Nang matapos ay nagpatuloy muli ako sa aking paglalakbay. Kasabay ng patuloy na paggamit ng mana sa pagkontrol ng katawan ko para makalipad ay kasama na din ang pagod sa pisikal kong katawan. Mas mahihirapan ako kung sakaling mananatili pa ako ng matagal sa lugar na 'to.

Napansin ko ang kakaibang pagkapal ng hamog sa lugar kaya nahihirapan akong makita ang paligid ko. Hanggang sa napansin ko na lang na napapalibutan na ako nito at halos hindi ko na makita pa kung anong mayro'n sa paligid ko. Pinakiramdaman ko ang paligid ko pero kahit isang mana ay wala akong narararamdaman sa lugar. Napaubo ako ng palapit na ng palapit sa akin ang hamog. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at dumidilim ang paningin ko kasabay no'n ang tila pag-ikot ng paligid ko.

Bigla akong napabangon sa gulat. Pakiramdam ko para akong nalulunod. Wait, what happened?

Inobserbahan ko ang paligid ko. Hindi pamilyar sa akin ang kuwarto na 'to. Hindi ko din alam kung paanong napunta ako dito. Sa pagkakaalam ko ay naglalakbay ako paakyat sa Mountain of Agony. Kaya paanong nagkaganito?

Ramdam ko ang lamig at ang tigas ng maalikabok na semento. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kawalan. I looked at my palm only to noticed that my wrist has an handcuff on it. It looks so real. Sinubukan kong kurutin ang sarili ko at napa-aray sa naramdamang sakit.

𝗘𝗡𝗜𝗚𝗠𝗔: Insurgence Of NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon