【 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐮𝐳𝐳𝐥𝐞 】
✵✵✵
Limang araw na din ang nakalipas mula ng mangyari ang huling misyon namin at sa loob ng mga araw na iyon ay marami na ang naganap na siyang nagpabago sa buhay namin ngayon.
Pasikreto na kaming nananatili dito sa Aldor dahil kinabukasan ng gabing iyon ay sumiklab ang balita tungkol sa ginawa namin bilang isang grupo, ang Nemesis. Kumalat ang balita sa mga ginawa namin mula sa lugar ng Fiero City hanggang dito sa South Kingdom, ang Aldor. Naging laman na kami ng balita dahil sa 'gulo' na ginawa namin mula sa Casino ng Fiero maging ang 'kapangahasan' na ginawa naming pagpasok ng walang pahintulot sa Aldor at ang 'panunugod' na ginawa namin laban sa reyna.
Hindi na ako nagulat pa kung paano nila nagawang baliktarin sa amin lahat ng magandang bagay na ginawa namin laban sa pananamantalang ginagawa nila. Malamang ay isa na naman ito sa gawa ng mga aristocrats na takot madungisan ang kanilang dangal kaya nagawa nilang ibalik ang bintang mula sa 'rebeldeng grupo' na Nemesis.
Napapailing na lang ako tuwing maiisip ko ang bagay na 'yon. Sa pasikreto naming pamamalagi dito sa Aldor ay nagkaroon pa naman kami ng pagkakataon na makabili ng gamit na gagamitin ni Lax sa paglalakbay namin. Natutuwa pa siya nang suotin niya ang black cloak sa katawan niya na kagaya ng sa amin.
Palihim din naming inoobserbahan ang mga naging reaksyon ng mga tao dito sa lungsod. Naging hati ang opinyon nila mayroong natuwa dahil sa ginawa namin ay napawalang-bisa na ang sumpa na ipinataw sa mga demi-beast sa kaharian ng Aldor habang ang mga aristocrats o mga noble ay nagalit sa kapangahasan na ginawa namin mula sa kaharian ng Zhalora maging dito sa Aldor. Kumalat na din ang pagiging impostor ng reyna matapos malaman na ito ay ang nakatatandang kapatid ni Lax at hindi ang nakababatang kapatid na siyang dapat na magmana ng trono. Marami ang nais na patalsikin ito ngunit hindi maaaring magawa dahil ang nakababatang kapatid nito ay hindi na nakita pa matapos ang nangyari sa palasyo.
Makalipas ang mga ilang araw ay muli na namang naging maugong ang pangalan ng grupo namin nang patawan nila kami ng malaking halaga ng pabuya sa kung sino ang makakahuli sa grupo namin. Ang Nemesis. Fortunately, they don't know about our real identity yet, we're still unknown. Ang tanging alam lang nila ay ang pangalan ng grupo na binuo ko.
Nagkalat ang mga nakapaskil na papel sa bawat lugar ng lungsod. Nasa higit isandaang-libong Zen ang pabuya na nakapataw sa ulo namin ngayon kaya naman simula ng naging wanted na kami sa buong lungsod ay mas nag doble ingat na kami sa mga kilos na ginagawa namin.
Kasalukuyan kaming nananatili ngayon sa pagitan ng kapital ng Aldor at ang kasunod nitong lungsod na Veldworth. Nasa kagubatan kami nananatili pansamantala dahil masyadong delikado sa amin kung mananatili kami sa mataong lugar ng lungsod.
"Ano nang plano natin ngayon, Hate?" Biglaang tanong ni Harulle habang kumakain kami ngayon ng tanghalian na hinuli namin dito sa kagubatan.
Napahinga ako ng malalim sa tanong nito.
"Change of plans." Seryoso kong sagot.
Sabay-sabay silang napalingon sa direksyon ko matapos nilang marinig ang sinabi ko.
"Are you familiar with the Ancient Guardians of Dreole?"
BINABASA MO ANG
𝗘𝗡𝗜𝗚𝗠𝗔: Insurgence Of Nemesis
FantasyLet's find out the journey of the exceptional girl who will unravel the unseen truth behind her existence against all odds.