【 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐩𝐞 𝐏𝐥𝐚𝐧 】
✵✵✵Tahimik at mabilis kong sinusundan si Lax na aligaga sa paligid dahil sa matinding kaba na nararamdaman niya. Sumusunod naman ako ng tahimik sa kaniya at pinapakiramdaman ang paligid sa mga nakaambang mga kalaban na papalapit sa kinaroroonan namin.
"We need to make it faster."
Napalingon siya sa direksyon ko, nakikita ko ang kaba sa kulay abo nitong mga mata kaya naman napa-buntong-hininga ako.
"But how?" Ganting tanong niya. Nagpatuloy muli kami at halos takbuhin na namin ang kinaroroonan ng kabilang pasilyo. Pagliko namin ay nakita namin ang mahabang pasilyo na mayroong higit na dalawampung pintuan.
"Kakapusin na tayo sa oras kung iisahin pa natin ang mga 'yan." Nangangamba niyang saad. Napahinga ako ng malalim at sinubukang gawin ang pumasok sa isip ko.
"Do you know how to conceal your mana?" Sa halip ay tanong ko. Seryoso ko itong tinignan at hinihintay ang kaniyang sagot. Marahan itong tumango sa akin.
"That's good. Do it then."
Mabilis niya itong ginawa at sa oras na nagawa na niya iyon ay wala na akong nararamdamang mana mula sa kaniya. Gano'n din ang aking ginawa nang marinig na namin ang mga boses at yabag ng mga papalapit na Royal Soldiers.
"A-ano nang gagawin natin?"
Ngumisi lang ako sa kaniya. I suddenly flicked my finger to activate the invisible barrier that surrounds our whole body.
"All we have to do is to remain silent. Okay?" Saad ko. Nalilito man ay nagawa pa rin nitong tumango sa akin. I patted her head as a sign of assurance.
Iginiya ko siya na tumayo sa gilid ng pasilyo nang makita na namin ang mga Royal Soldiers na tumatakbo sa kinaroroonan namin.
"Saan sila nagpunta?!" Sigaw ng isa sa mga Soldiers.
"Imposible! Isa-isahin niyo ang mga silid! Huwag niyo hayaang makawala ang mga bihag dahil tayo ang mananagot sa reyna!" Galit na sigaw ng sa tingin ko ay isa sa Royal Knights na namumuno sa mga mabababang katungkulan dito sa kaharian.
"Yes sir!" Sabay-sabay nilang sigaw at inisa-isa nilang buksan ang bawat silid. Naiwan naman na nakatayo sa daan ng pasilyo ang nag-iisang Royal Knight na sa tingin ko ay upang maging bantay.
Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay ni Lax sa braso ko kaya naman napagawi ang tingin ko sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata nito marahil kung bakit hindi kami nakikita ng mga kalaban. Ngumisi lang ako at nagsimula ng maglakad.
Mabilis kong sinundan ang isa-sa Royal Soldiers na bumukas sa unang pinto at tiningnan ang nilalaman nito. Nilibot ko ang paligid ngunit wala akong makita ni anino man lang nila. Sumunod kami sa mga susunod pang pinto ngunit hindi ko pa rin sila makita.
Tahimik lang na sumusunod sa akin si Lax at hinayaan akong hanapin ang mga kasamahan ko. Napahinto ako at napaisip sa bagay na gusto kong subukan.
Naramdaman ko ang pagkapit ni Lax sa kanang braso ko at tahimik na nag-oobserba sa paligid. Muli akong tumingin sa harapan at mayroon pang labin-dalawang pinto na hindi namin napupuntahan at kakapusin kami sa oras.
YOU ARE READING
𝗘𝗡𝗜𝗚𝗠𝗔: Insurgence Of Nemesis
FantasyLet's find out the journey of the exceptional girl who will unravel the unseen truth behind her existence against all odds.