ℭ𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 36

159 8 0
                                    

【 𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐓𝐡𝐚𝐭 𝐈𝐭 𝐇𝐨𝐥𝐝𝐬 】

✵✵✵

Halos apat na buwan na rin ang lumipas simula nang mapunta ako dito sa Einherclad at sa bawat araw na lumilipas ay unti-unti na akong naiinip dahil gusto ko nang bumalik sa Dreole. Ngunit kailangan ko pang tapusin ang mga natitirang buwan para sa pagpapalakas ko dito at para na rin sa paghahanda sa mga susunod na laban na susuungin namin sa oras na makabalik na ako sa Dreole.

Napahinga ako ng malalim dahil sa bagot. I'm getting bored here.

Tahimik lang akong nakahiga sa malambot na kama na ito na sa tingin ko ay mamimiss ko. Sa oras na makaalis ako dito ay ang siyang pagbalik ko sa reyalidad ng mundo at sa pagganap ng tungkulin ko bilang isang 'chosen'.

Ngayon ay napagtagpi-tagpi ko na ang mga piyesa ng impormasyon dahil sa mga impormasyon na nakuha ko sa pananatili dito. Kung ganoon, hindi ako ang nauna pero paanong nabigo sila?

Iyon ang hindi ko maintindihan. Nabigo ba sila dahil bilang isang 'chosen' ay natalo sila ng kung sinumang kalaban nila na siyang naging resulta ng kamatayan. Isa pa iyon sa nagpapagulo ng isip ko. Iisa lang ba ang demonyo na kinakaharap namin? Dahil kung gano'n kailangan kong mag-ingat. Hindi ako makakapayag na mauulit lang ang nangyari sa nakaraan. Ako ang babago sa hinaharap.

Bumangon ako at nagsimulang linisin ang sarili ko. Sa pagkakaalam ko ay si Gusion na ang susunod na mage-ensayo sa akin mamaya. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano sa loob ng mga sandaling iyon ngunit agad ko din itong iwinaksi dahil ayokong manuot sa sistema ko ang mga isiping iyon.

Mabilis akong nagbihis at bumaba patungo sa labas ng mansyon. Naging tahimik ang lugar dahil walang ibang nilalang na naririto bukod sa amin. Simula nang matapos ang page-ensayo ko sa kamay nina Daerius at Valdemour ay simula no'n hindi ko na sila nakita pa dito sa Einherclad kahit anino man lamang nila. Kahit mana nila ay hindi ko maramdaman, hindi ko mapigilang mag-isip kung saan sila nagpunta o may mga bagay silang inaasikaso sa dimension na 'to.

"Hello there, Lana."

Napalingon ako sa likod ko ng maramdaman ko ang presensiya ni Gusion na prenteng nakaupo habang nakalutang sa hangin.

"Magsisimula na ba tayo?" Inip kong tanong sa kaniya. Imbes na sagot ay nakatanggap lamang ako ng tawa mula dito.

"Nope, we're not having a training. I heard that you already defeated those league of Valdemour. They're powerful, Lana. The previous chosens had a hard time defeating one. Most of them just gain Ezren's trust, that's all. From what I am seeing, you already learned enough, Lana." He explained.

Blangko akong tumingin sa kaniya dahil sa mga salitang binitawan niya. Here it goes again.

"Sino ba sila?" Seryoso kong tanong.

He sighed before he speak.

"Actually, you're the 9th chosen in this generation. Each generation have their own chosen that have to defeat, Balmon. We are that old, Lana. As guardian of Dreole our job is to keep this continent peacefully but you see, we failed. We were sealed for a hundred years, just to wait for another chosen to defeat him."

"Why can't you just fight him alone?" Naiinis kong saad.

Ngunit umiling siya.

𝗘𝗡𝗜𝗚𝗠𝗔: Insurgence Of NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon