CHAPTER THIRTY SIX

948 26 13
                                    

CHAPTER THIRTY SIX

Masaya akong malaman na okay na sina Sam At Jake. narito kami ngayon sa kanila at nag ce-celebrate, kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Sam. Bagay na siguro ay hindi ko rin mararamdaman, hanggang ngayon ay okupado parin ang isipan ko sa mga nangyari ilang araw na rin ang lumipas. Parang hindi totoo ang lahat, maging ang bata sa tyan ko ay tila panaginip lang. Bakit ba kailangang iparamdam sakin lahat, gustuhin ko man maging masaya pero hindi ko yon magawa. Alam kong hinahayaan lang ako nila Cy na makapag isip, pinapakita nila na dapat akong mag saya. At hindi na muli pang pinaalala ang nangyari, ngunit nananatiling sariwa sakin ang lahat.

"Hindi ko akalaing matapos kitang mahanap ay, hindi Kana pala muling magiging akin. Dapat sigurong burahin na ang nakaukit mula sa nakaraan, at isipin na lamang natin na isa tayong estranghero sa daan. Paalam ng muli Dra."

"Hindi ko akalaing matapos kitang mahanap ay, hindi Kana pala muling magiging akin. Dapat sigurong burahin na ang nakaukit mula sa nakaraan, at isipin na lamang natin na isa tayong estranghero sa daan. Paalam ng muli Dra."

"Hindi ko akalaing matapos kitang mahanap ay, hindi Kana pala muling magiging akin. Dapat sigurong burahin na ang nakaukit mula sa nakaraan, at isipin na lamang natin na isa tayong estranghero sa daan. Paalam ng muli Dra."

Paulit ulit kong naaalala ang mga sinabi nya, lahat yon ay tila sirang plaka sa isip ko. At paulit ulit akong ginugulo, gusto kong makita ka. Bakit bigla Kana lang Umalis, bakit huli na nung sinabi mo kung kailan lahat ay naisambit ko na. Lahat ng yon ay puro kasinungalingan, bakit hindi mo agad ipinag tapat Dave. Nahihirapan nako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang anak ko ay hindi na yata mararanasan ang magkaroon ng isang ama, gayong ang ama nya ay May anak din sa iba. Sumisikip ang dibdib ko sa labis na pag iisip, tanging ako lamang at si Shion ang nakakaalam ng katotohanan. Tanging kami lang.

"Sandra Halika na, kakain na tayo buong magdamag kana lang bang uupo dyan." Ani Cy habang nag hahanda sa mesa matapos patayin ang mobile lights matapos nilang mag sayawan, nakakatuwang silang pag masdan. Mabuti pa sila ay masaya.

"Sandra hoy." Doon lang ako tuluyang nagising, matapos nya akong tapikin.

"Are you okay?." Ani naman ni Sam ng may pag aalala. Sinagot ko na lang ng tango at ngiting pilit. Tsaka ako nag Panggap na masigla at nag handa ng para sa akin. Ramdam kong nabigla sila, hindi kase ako ganito mula pa kanina. Sa halip na tignan lang nila ako ay nag sikilos na din sila upang kumain na. Nilapitan ako ni Tita ang mommy ni Sam, Pinat nya ang balikat ko at sinabi ng pabulong ang salitang. "Magiging maayus din ang lahat iha, narito kaming lahat para sayo." Tsaka naka ngiting nilisan ang kina uupuan ko at masayang nagtungo sa kusina dahil may iluluto pa daw syang panigurado ay magugustuhan ko.

"Alam mo Sandra sobrang nakakatuwa ang nalaman kong buntis ka, ang totoo nyan si mommy ang nakaisip nitong party hindi lang para samin ni Jake kundi para sayo na rin at sa baby." Naka ngiting balita nya habang Naka hilig ang ulo sa balikat ni Jake. Sobrang saya ko para sa kanila, kase okay na sila at napaniwala na ni Jake si Sam na hindi nya ginusto ang lahat.

Kahit papaano ay natutuwa ako sa pinamalitan nyang kasama ako sa dahilan ng party na binuo nila, totoong masaya ako. Pero hindi ko kayang maipakita.

"Salamat Sam." Pilit wag maging garalgal ang sambit ko, ayoko kaseng umiyak nanaman. Dahil gusto kong maging matatag hindi para sakin kundi para sa baby ko.

"Nga pala Sandra, kailan nga pala ang kasal nyo ni Shion?." Bigla ay naitanong nya dahilan para mapaangat bigla ang tingin ko sa kanya. Hindi ko inaasahan ang itinanong nya, tuloy ay matagal bago ako nakapag react, pero bago pa man ako mag salita ay inunahan na ako ni Shion.

My NYMPHOMANIAC Secretary. (NOT EDITED.)Where stories live. Discover now