Chapter 7

3.2K 46 1
                                    

Nagising nalang ako sa liwanag na sumalubong sa akin galing sa glass door ng balcony, kumurap-kurap ako at nagkusot ng mata, para magising. Tumingin ako sa bandang kanan ko at nakita ko doon si Sean na mahimbing na natutulog, I smiled and pinched his cheeks.


"Good morning," I whispered.


I leaned down, akmang hahalikan ang noo niya pero bigla siyang bumangon, at hinalikan ang mga labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya kasi akala ko tulog pa siya.


"Pusa, akala ko tulog ka pa," I said.


"Good morning, baby," he opened his eyes and smiled at me.


"Morning," I greeted.


Nagusap pa kami ng kaunti, bago magdesisyon na bumangon na. At nang makabangon na kami, bigla siyang nagsalita.


"Where do you want to eat, babe?" He asked.


"Dito nalang kaya, pa-order nalang tayo?" I suggested.


Nag-aasikaso din kasi sila dito ng room service, kaya 'yun nalang ang napag-isipan namin para sa breakfast.


"Anything you wanna do today, hun?" He asked.


Gusto kong matawa sa tawag niya sa 'kin, pero I find it sweet pero nakakatawa talaga. Hun amputek ano 'yon, hunsel crackers?


"Ummm... I want to go snorkeling today, para naman masulit natin ang bakasyon natin dito sa Maldives. And besides, it's a perfect weather today, don't you think?"


"Mmmm... Sabagay, sige maghahanap ako ng beach na p'wede nating pag-snorkelan, okay?" He smiled.


"Yey! Sige, tatawag na rin ako ng room service for breakfast, para maka-alis na din tayo agad,"
sabi ko naman.


Nag-order na ako ng breakfast namin at pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang aming pagkain, pancakes lang ang inorder ko. Eggs and sausage naman sa kanya.


Kumain na kami at saka nagbihis, hindi na kami naligo kasi maliligo naman kami sa dagat mamaya, I wore a black two piece bikini, at si Sean naman ay naka beach shorts at naka suot ng white shirt. Naglagay na rin ako ng sunblock, at nilagyan ko din si Sean noon. We headed out our cottage, nagsuot ako ng beach dress para naman hindi ako mag-mukhang bold star doon.


Sumakay na kami sa Everest na nirenta ni Sean, at saka dumiretso doon sa sinasabi niyang beach kung saan kami mag-s-snorkeling. Mga ilang oras din bago kami naka-dating doon. At pagtingin ko ay nakita ko ang magandang buhangin, at saka madami din tao doon.


Pagka-baba namin, ang una naming ginawa ay nag-picture dahil ang ganda ng sikat ng araw. Kinuhaan ako ni Sean ng pictures, at kinuhaan ko rin siya. Ipopost ko nalang siya mamaya sa IG story ko. O siguro ngayon na hehe.


Pinost ko ang pictures ko na may caption na 'Maldives With My Favorite Person' dahil meron din kaming picture ni Sean sa huli.

Captive Prince (Seduction Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon