Chapter 8

2.8K 52 1
                                    

Nakarating na kami sa Manila at agad na akong dumiretso sa office ko para mag trabaho. Kasalukuyan kong tinutulungan ang Mommy ko sa business nila. Si Sean naman tumutulong din sa business ng family niya, since siya ang panganay siya daw ang mag-mamana sa business.


"Ma'am Callao... Este Ma'am Manzano po pala, tawag po kayo ng Mommy niyo." Tawag ng secretary ko na si Aliana.


"Ok, I'll be going. Thanks Aliana," I smiled sweetly.


Tumango lang si Aliana, at saka umalis sa office ko. Tinabi ko muna sa gilid ang mga documents na inaasikaso ko, at saka tumayo at pumunta sa office ni mommy dahil nga tawag nga niya ako. Sumakay ako ng elevator at pumunta ng 15th floor para salubungin si mommy. As soon as I got there, sinenyasan niya akong umupo sa tapat niya.


Sumunod naman agad ako.


"So how's your trip with Sean?" She asked while swinging in her swivel chair.


"It was good." I smiled.


"That's nice, anyways.. That's why I called you here is all about doon sa lupa sa Cavite na plano mong pagtayuan ng magiging bahay niyo ni Sean. Tumawag si Architect Vertudazo 1,000 square meters daw 'yon. Kukunin mo pa ba?" Seryosong tanong sa'kin ni Mommy.


Nagawa ko pang pag-isipan iyon, dahil medyo malaki-laki ang sukat na 'yon. Kaming dalawa lang naman ni Sean ang titira doon, pero depende kung ilang anak ang gusto niya, char!


Sa gitna ng pag-uusap namin ni Mommy, bigla kong naramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko. Napahawak ako sa tiyan ko sa sama ng nararamdaman ko.


"Baby? What's wrong?" Nagtatakang tanong ni Mommy.


"N-nasu... Suka..." Utal utal kong sabi at dumiretso kaagad sa CR.


Buti nalang may CR si Mommy sa loob ng office niya.


Humawak ako sa gilid ng bowl at saka sumuka doon, paglingon ko nakita ko si Mommy doon na naka-krus ang braso dibdib habang nakangisi.


"What?" I asked.


"Buntis ka 'no?" She asked.


Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya, ano ba naman 'tong nanay ko, porket nasuka jontis agad nasa isip.


"What? No!" I said sounding defensive.


"Mm-hmm," she said while nodding her head.


Napa-isip agad ako, kasi 'di ko pa nakukuha ang period ko. Akala ko late lang, at saka madalas na rin ako mag=crave ng kung ano ano, so nag-paalam ako kay Mommy na pupunta ako sa OB ko to check.


Bumaba agad ako ng elevator at pumunta ng parking, hindi ko ininform si Sean about this because I want to surprise him if ever something positive happens.

Captive Prince (Seduction Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon