Kumapit ka ng Maigi

47 2 0
                                    

Simula't sapul kay hirap na

Dalawang matang hudyat ng pag-oobserba

Mga bao na tila representasyon ng relasyon nating dalawa

Buong buo pa ang pagkakahulma

Matibay pa sa simula

Kumakapit pa sa bandang gitna

Ngunit anong nangyari sa dulo'y unti unting nawawasak na

Mga kamay na nakakapit sa tali na umaasang maiba balik pa ang dating saya

Mga paa na kahit nasasaktan

Patuloy na lumalaban sa pag-asang makakaya pa

Nanatiling pinanghahawakan ang pangarap nating dalawa

Dalawang tao katumbas ng dalawang bao na nabiyak na

Sa bawat paglakad dala dala ang malungkot na imahe ng iyong paglisan

Bakit kung kailan na kaya at kinakaya ko pa, bumigay ka agad

Ganun ka ba karupok para sumama sa iba?

Samantalang ako; wasak at sugatan

Mga ala ala nating dalawa ay lumipas na.

The Hidden PoetWhere stories live. Discover now