Dalampasigan

16 2 0
                                    

Ako:Naalala mo pa ba ang masasayang alaala natin noon ?

Ikaw: Hindi ka ba nagsasawa na ikuwento sa akin at pati sa mga apo mo?

Ako: Bakit ako magsasawa ? Hindi naman nakakasawang alalahanin ang bawat detalye kung paano nabuo ang ating pagmamahalan.

Ikaw: Sa bagay, naalala ko tuloy yung mga mata mong nagniningning na tila mga bituin sa kalangitan. Para tayong mga paslit na kung maghabulan sa dalampasigan.

Ako: Sa totoo lang , sa bawat araw tumatak sa aking isipan kung paano nalang tayo. Paano ang bawat araw na hindi tayo magkasama? Magiging masaya pa ba ito tulad ng dati?

Ikaw: Alam kong hindi na tayo bumabata pa pero ayokong makitang lumuluha ka pag ako ang nauna. Alam naman nating pareho na malala na ang kalagayan ko. Isipin mo ang masasayang alaala nating dalawa kailanman ay hindi matatapos.

Ako: Namamaalam ka na ba ? Hindi nakakatuwang biro iyon ngunit kahit gustuhin ko man na walang pumutak na luha sa aking mga mata ay hindi ko kaya dahil ganoon nalamang kita kamahal na para bang mas gugustuhin ko pang mauna.

Ikaw: Mahal lagi mong tatandaan . Mahal na mahal kita at mamamatay akong masaya dahil alam kong napasaya kita sa bawat na tayo ay magkasama. Pinaramdam ko sayo at pinaramdam mo sakin na masyadong makapangyarihan ang pagmamahal. Dahil nagagawa nitong masaya at malungkot ang isang tao.

Ako: Halina't matulog dahil dis oras na ng gabi at hindi na tayo bumabata pa para sa mga ganitong oras ng pagtulog.

Ikaw: Maging masaya ka kahit wala na ako pero lagi mong tatandaan na lagi akong nasa tabi mo upang gabayan ka at iparamdam na hindi ako nagsasawang mahalin ka.





KINABUKASAN;

Ako: Mahal gising na.

pero bakit sa paghaplos ko sa iyong palad isa ka ng malamig na bangkay.

Akala ko hindi mo ako iiwan 

Mahal na mahal kita pero para saan pa na pilitin kong mabuhay ka

Alam kong kailangan mo na magpahinga

Hayaan mo mahal at magkakasama rin tayo

Kung saan magpapatuloy ang ating kuwento na habambuhay tayong magkasama.

The Hidden PoetΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα