Imahinasyon

14 2 0
                                    

May mga bagay na tayo lang ang nakakaalam

Bawat eksena na maituturing mong ikaw ang bida

Ikaw kung saan ang may isang prinsipe ang maliligtas sa lahat ng kalungkutang nararanasan mo.

Pilit mong ipinapamukha sa bawat tao na may taong tulad niya na tila lagi mong hinahanap hanap

Para ka nang sirang plaka na patuloy sa pagtawag sa kanyang ngalan.

Matamis na mga ngiti na kailanman hindi nasisilayan ng iba kung hindi siya lamang

Mga yakap na ayaw mo ng pakawalan

Pag-asang nabubuhay siya sa bawat pagbuklat mo ng pahina ng iyong paboritng libro

Mga liriko ng kanta na akala mo ay para sayo

Matatamis na salita na iyong nasasambit sa bawat paglingon niya sayo

Ngunit....................................................






Isa na lang ba itong panaginip

Tila ayoko ng magising 

Mga taong nakapaligid sa iyo na tila hindi ka kayang pagtuunan ng pansin


Paano nalamang siya

Ang taong ni hindi mo mayayapos

Ang taong hindi mo masasabihan na "dito ka lang"

Hindi magtatagal mahuhumaling ka nanaman sa ibang karakter na makiki-eksena 

Paano na siya

Ang taong pinapatakbo lang ng iyong imahinasyon

Ikaw ang gumagawa ng sariling mong suliranin

Nalalapit na ang pagtatapos

Magiging katulad din ba niya ako?

May isang prinsipeng nakasakay sa kabayo na may magarang kasuotan

Pero kailangan ko ng wakasan itong aking kahibangan.......


Ang realidad na walang prinsipeng sasaklolo sayo

Walang prinsipeng nakasakay sa kabayo 

Walang prinsipeng may magarang kasuotan na dudumihan para sayo


Panahon na siguro para magising sa katotohanan

Nasa pahina nalamang siya ng aking paboritong libro makakasama.

The Hidden PoetWhere stories live. Discover now