Side Story Of A Marupok

29 2 0
                                    

Sa bawat pagtama ng sinag ng araw sa bintana

Liwanag ay tumatama na sa mata

Ang telephono nanaman ang nagsisilbing umagahan

Sa bawat pag tipa ng mga salitang "Good Morning", "Kumain na ba kayo" at "Kamusta ang tulog niyo"

Isang tao lang naman ang nais mong makita na nagreply back sayo

Isa ka pa sa mga taong nakisabay sa "Random text", "Bhoxsz Mapagmahal", "Initial ni Crush ang code" at "Pausong sinesend sa lahat ang message para hindi halata"

Kailan ka gigising sa kahibangan na hindi lahat ng tao ay magugustuhan ka at lalo mas literal ang huhusgahan ka

Bawat himutok mo na, "Ay hindi manlang nagreply back", "Like zone lang", "Ang tipid mo naman mag reply" at ang walang humpay na "Busy ako" pati na rin ang "Natutulog kasi ako eh"

Lakas na ng epekto sayo

Tipong ito palang ang nakikita mo "........." akala mo nagrereply na

Kilig na kilig ka naman

Gising na sa kahibangan nasosobrahan ang imahinasyon

Sakit mag assume lalo na kung na wrong send pa sabay sabing "Sorry" o di kaya "Typo lang"

Matutong mag antay at di lahat ng bagay ay minamadali

Sadyang kailan magpakatatag

Hindi masamang mag ilusyon wag lang umabot sa sitwasyon na sa kanya iikot ang mundong pinanghahawakan mo

Baka mamaya nandyan na pala ang taong para sayo

Hindi ka aware "NAKALAGPAS NA PALA " Dahil sa kaharutan  at kalandian mo

Edi nasayang tuloy ang opportunity mo na makilala ang one and only at ang icing sa ibabaw ng cupcake mo

Pag crush kasi dapat crush lang

Iwasan maging krimstick

Imagination ang limit hahahaha

The Hidden PoetWhere stories live. Discover now