Chapter 05: The First Chapter

4 0 0
                                    

Chapter 05: The First Chapter

Zeph's POV

Kung tatanungin ka, anong super powers ang gusto mong makuha? Ano ang sa tingin mo ang pinaka-useful at pinaka-convenient na super power? Well, kung ako ang tatanungin it's the ability to see the future.

Bakit?

Kasi kung meron ako ng kapangyarihan nayon, hindi dapat ako stuck sa loob ng 7-11 ngayon. O hindi kaya ay nakapagdala ako ng payong bago umalis. O baka hindi nalang talaga ako umalid ngayong madaling araw. Haist Zeph Castillo, isa ka paring malaking tanga.

Umiling-iling nalang ako atsaka umupo sa isa sa mga silyang nandito. I watched as the street light flickers. Tumitig lang ako sa kawalan habang pinapakinggan ang pagbagsak ng ulan sa kalsada. I shivered slightly dahil sa lamig, dinagdagan pa ng aircon. Kawawa naman ako, isang taong mahina sa lamig.

I pulled the sleeves of my oversized hoodie atsaka isinuot ang earphone ko. I played one of Beethoven's piece atsaka ipinatong ang ulo ko sa table. It's just three in the morning, wala pang katao-tao sa labas. Ang tanging kasama ko lamang dito sa loob ay ang dalawang cashier na mukhang patulog narin.

Inatake na naman kasi ako ng insomnia ko. Hindi na naman ako makatulog kaya napagdesisyonan ko nalang na lumabas ng dorm. Malapit lang naman to sa dorm kaya hindi rin malayo ang tinakbo ko. Tropa ko naman si ate guard kaya YOLO.

Madalas ko tong gawin. Ang magpalipas ng gabi sa 7-11. Tamang inom lang ng Milki's na milk ang flavor habang nakikinig ng mga gawa ni Beethoven. Pangarap ko kasing mag-piano, malay ko bang mahirap pala yon.

Naalala ko na naman tuloy ang paghihirap na dinanas ko kay Mam Cagua. Grabe, sobrang stressful non! Everyday yata akong nasisigawan dati kasi namamali yung napipindot ko. Wala man lang konsiderasyon at bata pa ako non.

Napaayos ako ng upo ng maramdaman ang lamig na dala ng gabi. I slightly shivered. I gritted my teeth atsaka kinuha ang Milkis ko. Kailangan ko ng bumalik sa dorm, mamamatay nako sa lamig dito. Bahala na kung maulanan ako, ang mahalaga hindi ako mamatay sa hypothermia.

Itinago ko ang earphone ko at phone sa bulsa atsaka isinuot ang hood ng aking hoodie. Hiding my blonde hair inside. I braised myself before running through the rain. Nilingon ko sila kuya cashier(na nakatulog na pala) bago tumakbo.

Isa.

Dalawa.

Hingang malalim.

"TATLO!" Agad akong tumakbo palabas ng convenience store. Binunggo ko ang pintuan, dahilan para magwala ang wind chime sa taas nito. For sure, nagising sila kuya cashier sa ginawa ko.

I run through the empty streets of Marcos Streets. My arms stretched backward, body slightly bent downward. Kung may isang bagay man akong natutunan sa panonood ng anime, eto yon. Running like an anime character who's about to crash into her opponent. Pwede rin namang tinatakasan ko ang kalaban. Either way, mukha akong tanga.

And I love it.

I smiled as I imagined a song playing while I run like a crazy chick. I acted like I was being filmed by someone. Kumbaga sa anime o sa kahit anong tv series, eto ang opening scene ng palabas ko.

After three turns and five muntik-muntikan-ng-madapa-scenes, nakarating ako ng buhay sa dorm namin. Siyempre basang-basa narin ako, ikaw ba naman ang tumakbo sa gitna ng ulan eh. Babagyo na nga yata.

I chuckled as I walked slowly towards the huge gate of our University/Home for the next two years of my college life. Nasa loob kasi nito ang dormitory namin.

Dinadamdam ko pa ang ulan ng biglang may sumitsit sakin. Nilingon ko ang taong sumitsit sa akin, si ate guard.

"Tumakas ka na naman bruha!" She said with her one eyebrow raised. I only smiled at her, na hindi niya rin naman yata makikita dahil sa dilim at malakas na buhos ng ulan.

"Ate guard pabukas naman yung gate oh! Nakakatamad umakyat eh!" Sigaw ko pabalik. Nandito narin naman siya, gawin niya na ang trabaho niya.

Saka delikado na kung mag-aala akyat bahay pako ng ganito ang sitwasyon. Mabaldog pako, sayang ang lakyutan ko.

Inilingan lang ako ni ate guard pero binuksan niya parin naman ang gate. Agad naman akong tumakbo papunta sa dorm. Aba, basang-basa na po ako. Nanginginig narin ako pero siyempre hindi ko pinahalata kay ate guard.

Mabuti nalang talaga at nadala ko ang copy ko ng susi ng dorm kaya nakapasok ako ng walang problema. Agad akong dumiretso sa kwarto namin, which is nasa third floor pala. Mabuti nalang at tulog na sila Mandy kaya walang mangsesermon sakin.

I quickly washed myself atsaka pinunasan ang nabasa kong sahig. I changed clothes atsaka dumiretso na sa kama ko. I drink my Milkis as I browsed through my facebooks feed. I smiled when I received a notification from someone.

Nakabalik ka na?

Tinignan ko ang orasan. It's exactly four in the morning. I chuckled as I typed my reply.

Yes po, namiss mo ko?

My smile grew wider when I received his reply.

Siyempre naman. Kailan ba hindi?

Gago, pakilala ka muna bago ka lumandi!

I only stopped smiling when I felt my eyes getting heavier. A yawn escaping my lips.

Inaantok nako.

Eh? It's too early!

Shush. Matutulog nako.

seen 4:07

Stranger is typing..

Goodnight stranger.

seen 4:08

Early Mornings And Weary EyesWhere stories live. Discover now