Chapter 06: Hey There, Stranger

3 0 0
                                    

Chapter 06: Hey There, Stranger

Zeph's POV

"So gaano katagal ka na namang sinermonan ni Mam Barbara?" Tanong ni Zen sa akin habang nginunguya ang pagkain niya. Nasa cafeteria kami ngayon ng department namin.

"The usual." Sagot ko atsaka tinusok ang red velvet cake ko. Kung meron mang isang malaking dagok sa college life, siguro si Ma'am Bernadeth P. Barbara na siguro iyon. Dalawang taon nako dito sa University na'to at dalawang taon narin niyang sinisira ang buhay ko.

Katulad nalang ng ginawa niya kanina sa klase namin. Sinigaw-sigawan na naman niya ko dahil sa ipinasa kong project. Hindi ko naman kasi kasalanan na hindi ako magaling sa video editing!

"Don't tell me buong class ka na naman niya sinermonan?" Natatawang sabi ni Mandy. Tumango nalang ako atsaka inumpisahang lantakan ang Red Velvet Cake ko.

Nung nagdesisyon talaga akong itake ang Multimedia Arts, akala ko tungkol lang talaga yun sa graphic design. Hindi ko naman alam na may connection pala yung video editing don.

"Yes Mandy, halos dalawang oras na naman siyang nagtatatalak sa harapan." I answered boringly. Mabuti nalang talaga at tuwing Wednesday lang ako may klase sa kaniya kung hindi baka nasiraan nako ng bait.

Iniwan ko na sila sa cafeteria na tumatawa dahil gagawa pako ng plate sa isa sa mga subject ko. Malapit na kasi ang deadline. Napabuntong hininga nalang ako ng maalalang malapit na naman ang finals. Tapos after ng finals ay bigayan na ng grade.

Malapit na palang matapos ang unang semester ko as a 2nd year Bs Multimedia Art student. Akalain mo yon, isang sememester nalang at makakatapos na naman ako ng isang school year.

Agad akong dumiretso sa dorm, since mamayang alas-dos pa naman ang next subject ko amd it's just five past twelve. Nagtungo ako sa kama ko atsaka inilabas sa bag ang laptop ko. I opened the file that I needed to finish. O started to continue it.

Ito talaga ang dahilan kung bakit Multimedia Arts ang kinuha ko. Eversince I was a kid, I'm in love with arts. I love the feeling of losing your concept of time everytime you're too focused in doing something. The feeling of getting lost between time and space, the feeling of not existing for some time.

Ang problema lang, may mga oras na sobrang focused ka sa ginagawa mo, na nakakalimutan mo na ang susunod na gagawin mo. Kasi pakshet late nako ng thirty minutes sa next subject ko! Agad kong inayos ang gamit ko atsaka nagmadaling tumakbo palabas sa dorm.

Down side ng pagkakaroon ng malaking campus, ang layo ng mga building! It took me another twenty minutes para lang makarating sa room. Of course, nandoon na silang lahat! I braced myself for the impact. Mukhang sasagarin ko yata talaga ang mga prof ko today.

I slowly opened the door, and alas! Sir James Sanchez, our graphics teacher, welcomed me with his curious gaze. Kung titignan, para lang siyang college student na katulad namin. Kakagraduate lang kasi ni sir kaya naman bata pa talaga siya. Yung ibang kablock ko nga may crush sa kaniya eh.

"Ms. Castillo, late again ha?" He said with a serious tone.

Of course, nasermonan na naman ako. Pero hindi kagaya ni Ma'am Barbara ay maiksi lang naman. After non ay pinaupo na ako ni sir. Nagmadali naman ako sa pag-upo kasi baka matriggered na talaga sakin si sir pag nag-ala fashion model pako sa harapan.

Sinalubong ako ng bumubungisngis na si AJ. Sinulyapan niya pako atsaka tumawa ulit ng nahina. Inirapan ko lang siya atsaka umupo sa pwesto na nasa tabi niya. Isang oras nalang ang meron sa klase namin kaya nagtulug-tulugan nalang ako. Wala narin naman akong maiintindihan since bagong lesson yata ang topic nila.

Malapit na sana akong makatulog ngunit naramdaman ko na naman ang walang tigil na pagsundot ng kung sino man sa tagiliran ko.

"Go away AJ." I exclaimed. Nakarinig ako ng mga "woah" sa paligid. Shet. Mukhang mali yata ang nasabi ko.

"Anong sabi mo Ms. Castillo?" Sir James' strict voice said. Agad akong napa-angat ng ulo. Ang matatalim na tingin ni Sir ang nagwelcome sakin. I just smiled sheepishly as I slowly raise my two fingers, forming a peace sign.

"Sir..."

Isang malakas na tawa ang pumuno sa room. Courtesy of my archnemisis, AJ, of course. Kasunod ng pagtawa niya ang makawasak eardrum na pagsigaw ni sir James ng salitang 'get out'.

Ipagdadasal ko nalang siguro mamaya kay Jc na sana hindi ako ibagsak ni sir, at sana matapilok mamaya si AJ. Nagmadali akong lumabas ng room dahil baka mabato pako ni sir ng upuan. Nagpapadyak nalang ako dahil sa inis pagkalabas.

"Punyeta ka talaga AJ!" I screamed. Para namang switch ang sinabi ko dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. At kung sweswertehin nga naman ako, wala na naman akong dalang payong!

Punyeta.

No choice, tatakbuhin ko nalang ulit. Mabuti nañang talaga at palagi aking nakasuot ng hoodie.

Nasa ground floor nako ng building namin at naghahanda na sa pagtakbo ng biglang may bumagsak na kung ano sa harapan ko. Agad akong napasigaw dahil dito.

Shit! Muntikan na yung ulo ko don!

Tinignan ko kung ano ang nalaglag na bagay. Malay ko ba kung UFO na pala to at susunduin nako papuntang planeta nila.

Unfortunately, hindi ito UFO. Luckily, it's an umbrella. A red umbrella. Agad akong lumingon sa taas ng building pero wala akong nakita. Nabasa pa ako. Pakshet.

Siguro blessing narin to sakin ni Jc since buong araw nakong nasesermonan. Agad king dinampot ito atsaka binuksan. May napansin akong nakadikit na papel sa loob nito, a note.

Wag kang magpapa-ulan. Mamahalin pa kita :)

-stranger

I smiled.

Early Mornings And Weary EyesWhere stories live. Discover now