Chapter 1

28 1 0
                                    

Chapter 1

"Gg naman idle e. Next time, ako na sa Mid. Durog na durog si AC doon."

Umiling ako habang pinapakinggan ang nagsasalitang si Jace. I-pain ba naman ako sa mga Ranked Heroes ng lugar, kulang na lang mabaog yung champion ko; 12-3 whew.

"Hoy, mahiya kayo. Pangalawang beses ko pa lang maglalaro tapos binigay niyo na kaagad sa akin 'yong spare account niyong pa-diamond 3 na. Ni hindi ako nakahinga man lang kasi hanggang sa turret sinusugod ako. Traumatizing." Umiiling na banggit ko.

Totoo naman! Halos magmakaawa na ako sa isip ko na tigilan na nila ako pero perang mas natutuwa pa lalo yung kalaban namin tuwing tumatakbo ako papunta sa torre namin. Hanggang doon hinahabol ako.

Inubos ko iyong softdrink na nakalagay sa plastic na hawak ko. I threw it in the trash can near me habang naglalakad palayo ay binato ako ni Brain ng gusot na paperbag na pinaglagyan ng pancake niya kanina.

"Aray! Trip mo?" inis na lingon ko.

"Pasabay AC." Pinulot ko iyong binato niya, at ang ending? Ako nagtapon ng basura nilang lahat.

"Victory naman AC e. Atleast Diamond-3 ka na." biglang banat ni Hugh habang nakangisi.

6 kami rito sa tindahang katabi ng Mineski. Ako, si Jace na may kulot na buhok, si Brain na may piercing sa magkabilang tainga, si Hugh na laging gutom pero hindi tumataba, si Arn na tahimik at nakasalamin at si Renz na matangkad at makulit.

I didn't even know how we started hanging out together as friends. Ang alam ko lang, 5 of them are already friends way back in senior high school, sumingit lang ako kasi lagi nila akong sinasama. And in time, natutunan ko na rin sila kaibiganin at ituring na kapatid. We're blockmates btw.

"Talo nga sa dami ng deaths, panalo naman sa trashtalk." Saad ni Renz habang natatawa. Ginulo niya ang buhok ko habang umiiling ako. Doon na lang ako bumabawi e, sa trashtalk kapag naglalaro kami.

" 'Bobo Lux' pa nga una niyang sabi sa chatbox. Noong sunod-sunod na ang mura mo sa kanya ay nagyaya mag-open mic." Si Hugh pagkatapos lunukin yung pangalawang kwek-kwek na kinakain niya.

"Takot niya lang nung nalaman niyang babae ka. Tahimik siya e." at nagtawanan pa lalo si Renz, Hugh at Jace at sabay sabay na sumigaw ng, "Simp!"

"Hamunin mo ba naman 1v1 sa Differential Calculus pre. Kita mong masayang naglalaro iyong tao, bigla kang Math." Pagpapatuloy nila. Natawa na rin tuloy ako. Habang naglalakad ay sumabay ako kay Arn na nakangisi na rin sa jokes ng kaibigan niya.

"Buti pa 'to si Arn, tahimik lang tapos MVP. Mahiya naman kayo." Sagot ko at inakbayan si Arn. Nanghihingi ng tulong. Mas lalong lumawak yung ngisi niya at umiling iling pa lalo. Hindi talaga nagsasalita.

"Kami talaga? Ba't hindi iyong 12 deaths mo ang mahiya?" si Renz. Tawa na sila nang tawa at umirap ako. Naglakad ako dire-diretso papasok ng gate. Tapos na break namin 'no!

"Sandali lang Princess—" sigaw ni Hugh.

"Pass 'yang princess pre, iba na lang ang itawag mo sa akin." Gigil na sambit ko nang maabutan nila ako. Ayoko talaga kapag tinatawag nila akong ganun, kasi kahit naman sabihin nila na prinsesa nila ako e ang lakas pa rin nilang mang-asar sa akin. Baka nga pumalag pa 'yan sakin pag pabiro kong hinamon ng suntukan.

Princess my ass.

"Princess Aamirose Christine-" hindi na natuloy ni Renz nang batukan ko siya.

"Kulit na natin a." saad ako at dumiretso na sa classroom. Nang makarating kami ay tahimik sila kahit wala pang prof.

Kapag talaga wala kaming anim, tahimik ang klase. Sina Renz kasi ubod ng ingay kapag walang Prof. Sigaw nang sigaw kapag nag-e-ML akala mo kinakatay na manok.

Pero technically, 4 lang silang maingay kasi hindi naman palasalita si Arn, at hindi rin ako masyadong nagdadaldal kapag hindi rin naman sobrang kailangan.

"Idle, may gawa ka na sa Stats? Pwede patingin?" Nakangiting sambit sakin ni Josh. Mukhang mabait 'tong scholar namin pero grabe ang pagkagrade conscious. Halos balatan ako ng buhay kapag nalalamangan ko siya.

Ngumiti ako at inabot sa kanya ang aking binder. Isa pa, siguro dagdag pressure ay iyong scholar siya. Pumapasa naman at mataas ang kanyang grado, pero sadyang galit lang siya sa akin pag nalalamangan ko siya, which is madalas mangyari.

"Sino prof niyo sa Drafting?" tanong ni Ayesha. Irreg lang siya sa amin, at natandaan ko lang ang name niya kasi madalas, kapag nakikita niya ako sa room e sa akin siya tumatabi.

Ako lang kasi ang babae sa block namin. Hindi ko alam, ineexpect ko naman na sa department ng engineering ay kakaunti lang talaga ang mga babae. Didn't really think na ako lang talaga, mag-isa!

"Si Sir Aguan, ikaw?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong. Need to on-go the conversation habang wala pa si prof.

"Si Architect Amy. Grabe iyon, ang teknikal. Kulang na lang ihagis iyong papel ng pinakamagaling sa tech-draw nung batch namin dahil lang nakitaan niya ng blots! I mean, hindi naman kami architect bakit kaya siya nag-eexpect na ganoon?" patuloy lang ang pagsasalita niya and I listened halfhartedly. Binubuhos ko yung kalahating attensyon ko sa tensyong nasa harap.

Maiingay ang apat at mukhang may pinagkakaguluhan.

Ano kayang mayroon?

I was about to stand up nang dumating iyong Prof. I was expecting Engr Alfeche nang ibang mukha ang nakita ko.

Who is this guy?

He's wearing a white button-down shirt na may pin ng logo ng LSU. His black slacks and brown shoes were too neat. Ang rimmed eyeglass ay bumagay sa korte ng mukha niya. He's more of a mestizo, taliwas kina Renz na medyo may pagka-kayumanggi ang kulay dahil sa ROTC.

We stood up to greet him in respect, kahit pakiramdam ko'y iilang taon lang ang lamang nito sa amin. He motioned his hand for us to sit down. Hindi na rin siya nag-abalang magpakilala at sinabing may aasikasuhin lamang si Engr kaya siya ang naroon.

I was seriously gawking at him. Nang tumalikod siya para magsulat sa board ay mas lalo ko siyang tinitigan.

Why do I find him, kind of attractive?

Kind of..

Hoy AC anong attractive ka riyan? Teacher mo iyan!

I quickly shrugged the thought at tiningnan ko na lang ang binder kong binalik ni Josh. Binuklat ko ang last page at sisimulan sanang magsketch ng kung ano ano.

Madalas ang nasi-sketch ko ay mukha ng kaklase kong bored sa klase. I also have a sketch of Brain's face na pilit na tinatanggal ang ngiti habang may katext siya. Iyon ata ang latest na gawa ko.

The prof called our attention before I could land my pen on the paper.

"Who monitors this block?" Tanong niya. His voice was pretty alluring at nagdedemand ng attention. He is very tall I think dahil halos kaunting dipa na lamang ay magiging kasing-height niya na ang tuktok ng board namin.

Nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin at mabilis akong nagtaas ng kamay. Pakiramdam ko lalabas iyong puso ko mula sa aking dibdib. Kabang kaba ako, wala pa naman akong sinasabi o ginagawa!

When he motioned me to stand ay halos gusto ko nang lumabas sa classroom. But still, tumayo ako at ngumiti kay Sir.

I am used to faking what's on my face kaya mani na lang 'to sa akin. Mani na lang.

But those words are more like convincing me and not a fact. Totoo! Mani na lang 'to, more like, dapat mani na lang 'to!

"You are?" saad ni sir at nagtaas ng kilay.

His thick eyebrows that went up made him even more dashingly attractive. Grabe! Buti na lamang at sub lang ito, hindi ko kakayanin na makita ang ganitong uri ng mukha sa loob ng 3 oras sa isang araw, TTh!

"Aamirose Christine de La Isla, Sir." But you can call me yours.

Thorns of Roses Where stories live. Discover now