Chapter 13

6 0 0
                                    

Chapter 13

The afternoon sunrays hit my face. Halos humikab na ako sa antok na nadarama dahil sa puyat kagabi. It's Saturday today at nasa school grounds ako para sa aming ROTC.

"Kailan daw ang competetion?" Hugh asked.

Tatlo na lamang kami ang nanatili sa ROTC dahil tapos naman na ang iba, ako si Hugh at si Jace. Tapos na rin naman dapat kami, pero gusto kong manatili at maging officer in charge sa susunod na mga taon. 

"Commander's probably pissed right now."

Napalingon ako sa aming Commander matapos bumulong si Jace, totoo nga't pinagdidiskitahan niya ang mga freshmen ngayon.

Second year second sem na kami sa ngayon. At so far, so good naman ang estado ko sa LSU except the fact that nabawasan kami sa aming block dahil sa pagshishift ng iba. Nakakapressure.

"Next year daw." Sagot ko sa tanong ni Hugh.

The drill competetion is an annual event na ginaganap sa Base. Depende na lamang kung ano ang focus ng ROTC niyo, either Military, Naval o Airforce atmost. Ang LSU ay military-based at defending champion sa drill mula noong nakaraang taon. This year, sasali na kami.

It's exhausting, really, mula noong pinangarap ko ang pagiging sundalo, na malabong mangyari dahil sa kagustuhan ng aking ama, anything that can touch it's surface, pagt-tiyagaan ko na pero hirap pa rin akong ibalanse ito sa pag-aaral ko. Although I am slowly coping up.

The round and laps started, nasasanay na rin ang katawan ko linggo-linggong training kaya hindi na mahirap sa akin 'to.

"What's for lunch?" Tanong ni Jace matapos ang aming training. Our scents are mixed sweat and dust, halos basa na rin ag aking ACU sa pawis kaya't I changed into white shirt. 

"Sorry, may promised lunch ako with Nico." I spat, kita ko ang dismaya ng dalawa kong kasama kaya ngumiti ako lalo sa kanila para mang-asar.

"Alam niyo maghanap na kasi kayo ng bebe para hindi lovelife ko pinagdidiskitahan niyo."

"Lovelife ka riyan, wala nga kayong label." Sabat ni Hugh. Sinimangutan ko sila dahil doon, kahit totoo naman.

"Saka mo na iflex kapag official na." Jace added. Lalo akong umirap dahil nag-apir pa ang dalawa.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang score namin ni Sir, or should I say Nico. Ang alam ko lang kontento at masaya na ako sa kung anomang mayroon kami.

Umirap ako at sinintas ang boots bago naglakad sa kanila palayo nang kumakaway. 

Tinakbo ko ang layo ng kabilang parking lot ng LSU dahil doon ang aming usapan. Nang makita siyang nakapamulsa at nakasandal sa kanyang sasakyan ay ngumiti ako. Nagtama ang paningin namin,I waved at him.

Ni hindi man lang ngumiti pabalik, hmph. Suplado pasalamat ka't guwapo,

"Kanina ka pa?" Paninimula ko.

"Nope."

"Tara na kung ganoon."

When the car started, as usual nagkukuwento na naman ako ng mga kaganapan sa buhay ko. I feel like it's an unspoken rule for the both of us. Madalas tinatanong niya kung ano ang nangyari sa araw ko. It's almost past lunchtime dahil nag-extend ang aming training that's why almost everything I am saying is all about food.

Lumabas ako sa sasakyan nang makarating kami sa pinareserve niyang restaurant. May seminar siya sa Lunes at hanggang biyernes iyon, and this is our last freetime kaya medyo espesyal sa akin ang araw na iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Thorns of Roses Where stories live. Discover now