Chapter 8

19 2 2
                                    

Warning: Explicit language ahead. Please read at your own risk.

Chapter 8

"Magkano ang pusta?" paninimula ko. Although I am very much doubting kung isasali nila ako sa game mamaya dahil kadalasan ay pang-limahan lang na players ang mayroon doon.

"10K." ani Jace. Palabas na kami ngayon ng classroom, headed to the canteen. Maraming canteen itong LSU. Sa gitna ay ang quadrangle na pinaglalagyan ng iba't ibang players at nagpa-practice para sa soccer, cheerleading at kung ano ano pa. Mainit kung daraan doon kaya nanatili ang aming lakad sa corridor ng building. May sariling canteen naman ang Engineering Building so I think we're headed there.

LSU is an Italian owned school. Kaya ang lumang tatlong building rito ay maganda ang arkitekto, nagmistulang simbahan kung titingnan. Although a bit old and vine-y, the details are still very fine and visible. Kung titingnan, ang tatlong building na nakapalibot sa northern, western and eastern part of the quadrangle ay magmimistula itong magkakaparehas, ngunit hindi.

It was originally an Industrial and Chemical Engineering institution, pero nang maging unibersidad ay nag-offer na rin sila ng maraming pang kurso. Although they are a bit famous for their Alumni Engineers dahil iyon na rin ang kanilang ipinagmamalaki.

The three Italian accented building are for Engineering, Medicine and Law. Sa pagkakaalam ko, hindi gaanong kilala ang law school dito dahil wala pa itong napo-produce na nagtop sa BAR. But the med school is an average.

Speaking of BAR, I suddenly remembered Sir Nico. Stockholder ang kanyang ina sa paaralang ito pero nakapagtatakang hindi siya rito mag-lo-law school. Sabi niya ay sa Main. It was actually almost 2 weeks since noong umalis kami sa mall. Hindi ko na siya nakita after noon, but we text and hype each other up almost everyday kaya ayos na sa akin iyon.

Although I kind of miss him. Kind of...

"Ang laki ng pusta."I Hissed. Sure, 10k is just small bill sa aking allowance pero ang gastusin ito para sa isang laro ay medyo nakapanghihinayang.

"Bakit? Wala ka ng pera?" si Renz. May nakasabit na t-square sa kanyang likod at isang tube na pinaglalagyan ng plates namin. I actually wanted to buy those things too, pero nang nalaman kong 1st year lang kami may drafting class ay hindi na ako bumili. Sayang.

Sa narinig kong sinabi ni Renz ay inismiran ko siya. I am no poor but I could say na sobrang hindi ako mahilig gumastos, unless it's very necessary.

"Oo e. Libre mo ako?" Sagot ko at nagpuppy eyes pa. Umiling na lamang siya at inakbayan ako. I inhaled his manly scent at tumawa. Renz is very generous, kung sigurong hihingian ko siya ng pera pambayad ng tuition ko ay gagawin niya nga. Depende nga lang sa mood niya. But of course, I won't do that.

Diretso ang aming lakad patungong canteen nang bumalik ang usapan nila sa laro mamaya. It's a computer game, hula ko ay sa mineski sila maglalaro at naroon din ang kalaban kaya't medyo pinag-iisipan nila ang gagawin.

"Sali ka AC?" Si Brain. Katabi niya si Hugh na iniikot ang buong paningin sa mga paninda sa canteen. Umirap ako nang matantong walang makakakuha ng atensyon ni Hugh maliban sa pagkain.

"Hindi. It's five-player-game what do you expect." Sagot ko. 

"Pwedeng huwag na nating isali si Hugh kasi bano naman iyon." Si Renz na nanatiling nakaakbay sa akin. Nang makahanap kami ng bakanteng table ay naupo kami na kami.

"Mas stupid naman ako maglaro sa kanya e." pagpapatuloy ko. Umiling lamang si Jace sa harap ko habang si Hugh ay wala man lang pakialam sa sinabi ni Renz dahil paniguradong nag-iisip na iyon ng 5-course meal niya sa canteen.

Thorns of Roses Where stories live. Discover now