Chapter 2

23 1 0
                                    

Chapter 2

But you can call me yours.

Nakita kong natatawa si Renz at Arn sa harap ko habang naririnig ko ang mahinang hagikgik ni Hugh sa likod ko, nanlaki iyong mata ko.

Iyong bulong ko, napalakas ata?!

"Miss de La Isla, you are to submit this individual activity in Mr. Eduard 's office. As long as all of you are already finished. By then it's a free cut." Saad ni Sir at mabilis na naglakad palabas.

Nang makalabas siya ay bumulusok ang tawanan ng lima. Kahit si Arn na hindi palatawa ay nakita kong nagpupunas ng luha!

Narinig kaya iyon ni Sir? Nakakahiya!

Papalapit sa akin si Renz at Si Jace na tawang tawa. Nakahawak pa sila sa tyan nila habang naglalakad. Nang nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom at mukhang silang lima lang naman na malapit sa akin ang nakarinig ay nakahinga ako nang maluwag. Baka hindi rin narinig ni sir iyon. Baka hindi.

Sana hindi.

Katabi ko si Ayesha na nakatungo at nagse-cellphone. Mukhang pati siya na katabi ko ay walang alam sa pangyayari. Thank goodness!

Medyo lagot lang ako sa limang 'to. But I'd rather have them hearing me that any other people in the class.

Inanunsyo ko na kapag natapos nila, isubmit nila agad sa akin at pwede na silang lumabas. Kaya't nang nakaupo ako ay saka tuluyang nakalapit si Renz at Jace.

"Ano iyon? Crush mo si Sir!" biglang sigaw ni Renz habang tawa nang tawa.

Napatingin lahat ng tao sa room at awkward akong ngumiti. Binatukan ko si Renz at mabilis na kinurot si Jace. Ano man ang sasabihin niya ay ikapapahamak ko lalo!

"Grabe ka Ayesha, crush mo pala si Sir." Hindi ko alam kung bakit ganoon ang lumabas sa bibig ko. Nang nakita kong nag-iwas na ng tingin ang classsmates ko. I never knew why they didn't like her, takang nakatingin si Ayesha sa akin kaya bumulong ako.

"Sakyan mo na lang ako, please." I hissed. Tumango na lamang siya at oblivious sa ginawa ko. She looked at her phone again and began texting.

Nang hinarap ko sina Renz na kausap ko si Jace ay mabilis ko silang hinampas. 

"Bumalik kayo at gumawa na! Dali, may gagawin pa tayo mamaya."

Tinulak ko sila sa upuan nila. Ang bibigat! Kahit natatawa ay umupo na rin sila.

Renz is seated in front of me. Katabi niya si Arn na ngayo'y tahimik na.

Sa Harap naman nila ay si Brain at Jace. Habang sa likod ko ay si Hugh na walang katabi.

Mas madalas akong katabi niya, pero ngayon dahil nasa tabi ko si Ayesha, kaya lumikod muna siya.

Engr. Alfeche is our Theology teacher, sabi niya ngayon lang daw siya nakapagturo nito dahil ang dapat na nakaasign sa amin ay biglaang nagresign. LSU is a catholic institution, taliwas ang turo sa loob ng paaralan na maging holy at mabuting mamamayan sa dami ng nagkakalat na Frat dito. But even Mr. Alfeche being an Engineer, ni minsan ay hindi ko siya nakitaan ng kahit anong kahinaan sa pagtuturo ng Theology. It seems like he memorized every latin terms regarding with our subject, and to tell you frankly, I can't even remember anything latin terms he told us.

Nang matapos ang lahat ay nakasalubong ko ang lima sa labas. They are looking at me weirdly habang nakangisi nang bahagya si Renz. Pakiramdam ko siya talaga ang pinakanakarinig noong banat ko.

Habang inaasar nila ako sa hallway ay pinagtitinginan kami. Nakakahiya. They are actually quite known in the university dahil sa lagi silang magkasama. I don't freaking know why tho. They don't even play any sports related thing in the Univ. Sadyang lalaking matangkad na may buhok lang sila at kadalasan maingay. Iyon lang.

Nang makarating sa tapat ng faculty ay dumiresto ako sa table ni Engr. When I saw him doing something there, I greeted him. Tumango lamang siya at muling binalik ang tingin sa laptop.

I wonder how that sub-teacher managed to call Engr. Alfeche as Sir Eduard. I mean, first name basis tapos wala talaga iyong title? They must be very close. Pero, this prof is very strict. Kahit ngumingiti at Theo ang tinuturo ay grabe ang pagiging kritikal.

"Uh, Good afternoon Engr." Tumingin siya sa akin. I know he sensed that I wanted to ask. Pero bago ko pa man tanungin ay sumagot na siya.

"Nico Lopes de Leon. That's your sub-teacher." Sagot niya nang hindi lumilingon sa akin.

Nanlalaki ang mata kong tumalikod kay Engineer. Hindi naman iyon ang itatanong ko! Itatanong ko sana kung..

Shit 'di ko rin alam kasi partly iyon talaga ang gusto kong malaman.

"If you're so interested why didn't you ask me miss?"

Nanginginig ang leeg kong tumingin sa mukha ng lalaking nasa harap ko. Hindi pa ako nakakalayo kay Engr ay nasa harap ko na si sub-teacher!

I couldn't find the right words to say. At nasa faculty pa kami! Kahit kakaunti lamang ang guro ay mayroon pa rin. Shit.

Kung narinig niya iyong sinabi ni Engr, imposibleng hindi niya narinig ang sinabi ko kanina sa room. I feel like my face is about to explode at sobrang init. Kabang kaba ang aking puso at pakiramdam ko nagmarathon ako tapos ako iyong pinakamabilis tumakbo kahit wala naman akong kalaban. What the heck am I thinking?

Tinapat niya ang mukha niya sa akin kaya gulat at nanlalaking matang tumitig ako sa mata niya. He's got those brown eyes and luscious lashes. Para akong natutunaw sa mata niyang wala man lang ugat, parang fresh as fuck at bagong panganak.

Tang ina AC? Stop gawking and say something!

"What's your name again?" tanong niya. But I cannot sense any curiosity o kung tanong ba talaga iyon. Marahan at parang sigurado.

"Ah, it's long. I can't remember it all, should I just call you mine?"

And with that being said, my eyes dilated from x2 to x10.

Thorns of Roses Where stories live. Discover now