Chapter 11

13 1 2
                                    

Chapter 11

There are far greater things than being happy, but I guess we will always resort to things that make us enthusiastic; things that couldn't devaluate us and things that we learn to love in the process. In the end, no matter what we choose, our last and final resort will always be our own happiness.

Happiness with no greed and full of self-worth.

But, is it really possible?

Binato ko ang aking sombrero sa nakangising si Jace. We were in the midst of discussing Hugh's wants. Gusto niya raw magshift ng course; culinary. Habang ako'y pinipilit na huwag niyang gawin iyon, ang apat ay patuloy ang pagkukumento na kung saan siya mas masaya ay iyon dapat ang piliin niya.

In my case, I don't think that your course and future career is just all about you. Pero nawala kami sa topic nang biglang nagcrack ng joke si Jace na wala atang ibang ambag kung 'di ganoon.

"Second year na tayo bukas, habang maaga pa, pag-isipan mo."  Si Arn.

I don't really know the reason why he pursued Mech. Eng kung ayaw niya naman pala in the first place. But wow, coming from me? I don't think I am fit to say that when I am doing the very same thing.

"Kayo, ba't Mechanical Engineering kinuha niyo? No offense, I know you're very good in this field. I just want to know your reasons. Kasi ako, my dad is one, and I think it's better to pursue something aligned with what your parents are taking." Si Brain.

"Decided naman na kaming dalawa ni Renz noon 'di ba? Ang akala ko nga'y sa ibang field kayo ng engineering dadako, hindi ko alam bakit kasama ko kayo noong enrollment." Arn abruptly said.

Nasa bahay kami nina Renz ngayon, pero imbes na sa court ang pinalagian namin, we're in their game room. Punong puno ito ng iba't ibang gaming devices at mga disks. May billiard table rin, dart board and such.

"Hindi ako pumasa sa Electronics, kasunod noon ang Mech Eng. Not bad, natutunan ko na rin magustuhan kasi marami namang benefits." si Jace na himala ay seryoso na ngayon.

Madramang sumimangot at sumalampak sa sahig si Hugh.

"Ang layo kasi ng Culinary sa inyo at sa business ng parents ko." Pagsasagot niya.

Lumapit ako sa kanya at umupo rin sa sahig. I held his shoulders and hugged him. A soft big baby.

Because above all the words and rants in this four cornered room, we shared the same struggle and sentiments. Ang kaibahan ay ni minsan, hindi ko naisatinig na gusto kong magsundalo at hindi maging inhinyero.

"Ikaw AC?" pagtatanong niya. Ngumiti ako at kunwari'y nag-iisip.

"Dahil sa 3 Idiots movie." I answered.

Marahas na tumayo si Hugh sa gilid ko at binatong pabalik ni Jace sa akin ang sombrero. Umiiling sila dahil akala nila ay nagbibiro na naman ako!

"Hoy! Oo nga." Sigaw ko at tumayo na rin.

"Sabagay, makes some sense." Si Jace na tumatango tango pa.

Nakatingin lamang sa akin si Hugh na parang walang katiting na idea sa sinasabi ko.

"Have you watched that movie tho?" I asked at tumango naman siya. "Then panoorin mo ulit. Tapos saka ka mag-isip." I continued.

Lumagpas ang tingin niya sa akin dahil sa pag-iisip at kinuha ko ang oportunidad na iyon para magpaalam na umuwi.

"Sabay ako sa'yo, AC." Paghahabol ni Brain. Sakto siguro ngayon kasi ihahatid na sila ni Renz, I mean for the first time in forever, at sakto lang sa 4 ang kasya sa sasakyan. Wala sa mood makipagsiksikan?

Thorns of Roses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon