Chapter 3

13 1 0
                                    

Chapter 3

"Ano ang nangyari sa loob ng faculty? Ba't hingal na hingal ka?" Si Hugh habang may hawak na sandwich. May pagkain na naman.

Naalala ko ulit iyong nangyari kanina. Sa hindi malamang dahilan ay wala akong nasabi kay Sir at tumakbo lang ako palabas ng Faculty. Buti at nandoon ang lima at sumunod sa akin nang dumiretso ako sa canteen.

I shrugged it off. Sa susunod talaga na makita ko si Sir, papatulan ko na iyon. Chos.

"Saan tayo kakain?" pag-iiba ko ng topic. Ayoko nang pag-usapan si Sub Teacher please.

"Kahit saan. Ikaw? Bakit gusto mong maging kay Sir ha? You can call me yours ka pa riyan." Si Hugh. Walangya talaga 'to!

Pinasukan ko ng isang buong cupcake ang bunganga niya habang nangingiti. He immediately chewed on it and shut his mouth.

"Takas. Ikaw huh, ngayon ka lang nagkacrush." Si Jace. "Akala ko talaga, madadala ka sa landi nitong si Brain e. Buti nakaalis ka." Binato siya ni Brain ng walang lamang bottled water. Natatawa siyang umilag pero tinamaan pa rin nang marahan iyong kaliwang tainga niya kaya nakahawak siya rito.

It's true tho. Noong mga first week ng klase ay banat nang banat siya sa akin. Hindi ko siya pinansin noon at sinupalpal ng isang beses kaya naging interesado sa akin si Renz, na sinundan na rin nilang lahat.

Mga banat ni Brain ang isa sa mga nakakadiring pangyayari.

I mean, he looks good. He always had that boyish aura in him. Mukha siyang lalaking may emotional issues at toxic pero gugustuhin mo pa rin kasi bibigyan ka ng marangyang sex life. Which is totoo naman daw, sabi nila.

"Anong aalis, hindi naman ako dumating in the first place? Ewan ko sa'yo Brain, tanda ko pa rin iyong tinawag mo akong 'My princess' e mukhang mas babae ka pa kaysa sa'kin." I even gestured na nasusuka ako. This time, binato niya sa akin iyong choco bar na may laman pa at dumiretso sa mukha ko!

"Ang hilig niyo magtapon ng pagkain. Father Buenavista o." I said and at nagsign of the cross pa na ikinatawa nila. Si Father Buenavista ang President nitong school. Mukha siyang mabait at hindi nagagalit. Laging nakangiti at bumabati pabalik kapag gin-greet mo sa hallway, pero sabi ni Aly, mukha lang daw. Hindi naman ako naniniwala, I mean. He really looks mabait tho.

"Iniiba mo talaga usapan." si Renz habang marahan na nailing. Nagkunwari pag disappointed at nagpupunas ng luha.

"Crush lang naman." I said with a small voice. There's no point saying anything unrelated to this topic kahit anong pag-iwas ko.

"Sabagay, Sir Nico is pretty good looking." si Hugh pagkatapos malunok ang sinubo kong buong cupcake sa bunganga niya.

"How did you know his name?" takang tanong ko. Ang alam ko, hindi naman iyon nagpakilala kanina sa room.

Gulat at nakaangat ang kilay nila akong tinignan. With wondering eyes, I fired back. Wala akong naiintindihan!

Umiling si Arn nang marahan kaya't mas lalo akong nalito. It looks like I am the only one who doesn't know him.

"Siya iyong kinausap ng host noong Acquaintance Party. Halos lahat ng sigaw ay para sa kanya because he actually mentored the debate club and they won noong Summer Camp Competition ." si Jace. I just looked at him, mouth wide open.

Nang marealize nilang hindi ko nga kilala si sir, ay halos sabay sabay silang umiling. These guys! Parang konektado ang utak nila at iisa sila ng reaction.

But coming to think of it, hindi ko nga kilala si sir. I mean, I attended the acquaintance party yes. Pero siguro iyon 'yong time na naghahanap ako ng pagkain sa iba't ibang stalls. My mind must be somewhere far kasi paniguradong hindi ko mapapansin ang ganoong uri ng tao.

Fine young man, clean white shirt with glasses on. Naku! Weakness ko 'ata iyon.

Since we landed on the acquaintance party after my multiple shrugs of not knowing Sir Nico, na part-time teacher ng Senior High School ng LSU pero nag-aaral pa rin hanggang ngayon, our topic immediately went on with it. Pinag-usapan at inasar nila kung paanong sa mismong pagkatapos ng acquaintance party ay kasama ng babae si Brain pauwi.

We finished our food and stood after 5 minutes before our break is finally over.

Nang bumalik sa classroom ay nag-iisip ako habang naglalakad. Talagang kapag nakita ko si Sub-teacher, hindi na ako magsasalita nang nakakahiya.

Nang makarating sa classroom ay katabi ko na si Hugh. He is always offering those food. Hindi ko alam kung paanong ang laman ba ng bag niya ay puro pagkain?

Umiiling ako nang nagbukas siya ng Iced Tea, pakiramdam ko ay tubig niya na dahil mas madalas ko pa siyang nakikitang iyon ang iniinom kaysa water. Napatingin pa nga ang Prof sa kanya pero wala lang sa kanya iyon at dire-diretsong tinungga ang drink.

Nang matapos ang klase ay nagpaalam na ako. Nasa kotse sila ni Jace. Bawal nga 'ata iyon 'di ba? Si Renz ang nasa shotgun habang ang tatlo ay nagsisiksikan sa likod.

Kumakaway ako nang makaalis sila. Malapit lang naman ang dorm ko sa school, pero mag-go-grocery muna ako.

Dumaan ako sa eskinita. Sabi nila, hindi raw safe doon pero iyon ang pinakamabilis na daan papuntang store. Hindi mo na kailangang umikot pa.

I was walking silently. The lamp post was blinking kaya't ang ilaw sa daanan ay hindi gaanong sapat. Pagdating mo sa dulo kakaunting liwanag na lang ang matatamo mo.

Pagdating ko sakto sa lamp post ay may narinig akong kaluskos. It wasn't just a mere peck of noise, it was something huge kahit hindi ko gaanong rinig. Parang nagkakalat na lata at bote ang narinig ko!

Naglakad ako sa pinanggalingan ng tunog. My hand went immediately to my mouth after what I saw.

May isang lalaking nakasumbrero ang pinagsisipa ang isa namang lalaki sa sahig. Ang ingay ay galing sa Trash can at mga bote na nagkalat sa sahig dahil siguro sa impact ng pagbagsak ng lalaki.

Without even blinking and actually thinking logically, mabilis kong hinubad ang sapatos ko. Hinawakan nang mahigpit ang aking bag at nang makalapit ay hinampas hampas ko ang lalaking nakasumbrero.

I didn't mind anything basta't ang alam ko lang, nahirapan siyang palagan ako dahil patuloy ang hampas ko sa kanya ng bag. When he got a grip of it, hinila niya ako.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, alam ko lang nasa sahig na siya at nakayakap sa crotch area niya. Take that!

Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at pinicturan siya. He looks so thin and the stubbles on his face made him look like he hasn't gone for bath in weeks.

"If I were you kuya, I'd run away. Kapag ni-send ko ito sa pulis at nandiyan ka pa rin ay wala ka nang magagawa. Atleast, kapag tumakbo ka, mahihirapan pa silang hanapin ka." After few flashes of my camera ay lumapit muli ako sa kanya at sinipa ko ulit iyong ano niya!

Gumapang si kuya sa hirap na tumayo at mabilis na umalis doon.

Tinignan ko ang branded backpack ko at nang makita kong halos sira na iyong strap noon ay parang maiiyak ako. Regalo 'to sa akin ni Papa. As much as I want to dwell for my backpack, naglakad ako pabalik sa pinag-iwanan ko ng sapatos at nagpasalamat dahil nandoon pa rin sila.

I quickly went back to the guy who's lying on the ground. Mahigpit niyang yakap ang backpack niya at mukhang iyon ata ang inaagaw sa kanya ni kuya.

I helped him stand up or atleast sit. Nang umayos siya ng upo at marahang binaba iyong bag niya, nagkatinginan kami.

Tangina, si sub-teacher!

Thorns of Roses Where stories live. Discover now