03

2K 122 62
                                    

"Girl... kunin na kaya natin si Mavie kay Ali?" sabi sa kanya ni Zion.

Napasulyap naman ako kay Alistair na nakaupo sa ilalim ng malaking payong at buhat ang natutulog na si Mavie. May kausap ito na lalaki, kameeting ata.

"Mamaya na hayaan na muna natin siya." sabi ko at pinagpatuloy ang paglaro sa tubig.

"Hoy Ada...may meeting pa yung tao." Sabi naman sa kanya ni Riley.

Napabuntong-hininga ako."Kanino ba kayo kampi? Wala namang masama kung may hawak na bata kung may kameeting.... bawal na pala yun?" Sagot ko sa kaibigan using my sarcastic tone.

"Sakin lang kasi... kawawa naman mag-tatlong oras na niyang hawak si baby, nangagalay na yun."

Tama nga naman. Ako nga ay hindi umaabot sa isang oras ang pagkakahawak kay baby dahil sa nangagalay siya.

"Oo na... aahon na ako at mag-aayos kukunin ko na si Mavie..." wala na akong magawa. Pinagkakaisahan ata ako ng mga ito.

Umahon na ako sa tubig at dumeritso sa banyo upang magbihis. Alangan naman na magpakita akong nakaone-piece swimsuit, may kameeting yung tao.

"Saan tayo kakain ng lunch?" tanong ko nang tapos na akong magbihis at bumalik sa pwesto nila kanina. Kinuha ko ang aking gamit at bag ni Mavie. Lumalangoy pa din ang tatlo.

"Anong tayo?" sabi ni Zion...Kaya naguluhan naman ako.

"Kami lang kakain wag kana sumama." Si Lexi. Nagtawanan pa ang mag ito.

Tinotopak na naman ang mga kaibigan ko.

"May gagawin kami eh...kaya ikaw na ang magbantay kay Mavie." Si Zion. Inutusan pa ako.

"Anong gagawin niyo?" tanong ko.

"Confirm lang namin ex ni Lexi." Sabat ni Riley.

Dito din si Isaac? "Yung ex mong rakista?" tanong ko kay Lexi. Hindi niya pa nakita ang lalaki at palagi na lang bukambibig iyon ni Lexi noon.

Umirap naman ito sa akin kaya napangisi ako. "Nangangamoy rakrakan." She teased. Tumawa naman mga kaibigan ko na mga baliw.

Sasabuyan pa sana ako ni Lexi ng tubig kaya lang ay mabilis akong nakalayo.

"Gaga, confirm lang."

"Bahala kayo diyan...ayaw ko din makasamang kumain ang mga baliw."

"at ayaw din namin makasama yung desperada." She just rolled her eyes and whisper. F*ck you bago umalis. Baliw silang kausap.

Natanaw ako ni Ali nang makitang papalapit ako, tumigil lang ako nang makitang may kausap ito kaya huminto muna ako at umupo sa bakanteng upuan.

Pinagmasdan si Ali. Mataas ito sa tantya ko ay hanggang balikat lang ako ni Ali. Seryoso itong nakikipag-usap.

Kaya lang ay tuwing napupunta ang tingin ko kay mavie na natutulog ay natutuwa ako. Ang boring siguro ng meeting. Hindi man lang umiyak si Mavie sa kamay ni Ali. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang kameeting nito.

Kakatuwa din isipin na ang isang playboy ay may hawak na baby. Ang cute nilang tignan. Wala nang magawa si Ali because I force to give him the baby. Alangan naman hayaan nalang nito si baby.

Tumayo ako at lumapit na sa kanila.

"Ali... akin na si Mavie." Sabi ko ng makalapit sa akin si Alistair.

Napa-iling na lang ang lalaki at ibinigay sa akin ang natutulog na Mavie.

"Ang cute-cute mo talaga. Nakatulog ka sa meeting. Hmm... Boring ba ha? Syempre boring yun..." sabi ko habang pinagmamasdan ang bata na tila nakikinig iyon kahit na nakapikit ang mga mata.

High Society Club Series 2: Taming The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon