15

1.2K 61 22
                                    

Umakbay naman si Ali sa akin.

"Tss.. taken kana pala. Sayang mukha ka ding bata."


Natawa naman ako. Bago pa ako makapagsalita ay tinakpan na ni Ali ang bibig ko. "Ano ba yan, Nagsigarilyo ka ang baho ng kamay mo tapos nilgay mo talaga sa bibig ko." sabi ko sabay hampas sa kanya.


"Hay makaalis na nga. Ang damot niyo." Sabi nito at pakamot-kamot pa ng ulo. Akala ko ay aalis na siya kaya lang ay bigla itong bumalik at mabilis kumuha ng isang cupcake. Siraulo yun ah!


"Kamusta na kaya ang nanay ng apat na yun..." sabi ko habang sinusundan ng tingin ang magkakapatid.


Tumawa naman si Ali kaya I just glare at him. Baka nakalimutan niya kung anong ginawa niya kanina. Kinuha ko naman ang bag ko. Pinatong ko yung wet wipes at alcohol sa lamesa.

"Dala mo pa din yan?" tanong nito. Referring to my gun.


"Oo naman...Bakit takot ka?"

Kinuha ko ang kamay niya at nilagyan ng alcohol. Literal na binuhusan. Kinuha ko din yung wet tissue walang ingat na pinunasan ko yung kamay niya. Napangiwi ito kaya inadjust ko na baka bigla akong batukan.

Umiling naman ito sa kanya. Napansin ko na napakaliit pala ng kamay ko kapag emeasure sa kamay niya.

"Bakit ako matatakot, wala naman akong ginagawang masama."

"So mabait kana niyan."

"Hindi pwedeng naging matino lang? Alam mo hindi din pala masama ang ganito."

Hindi ako makatingin sa kanya kaya pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa kamay niya. Napakislot naman ako dahil kinuyom nito ang kamay tapos pakakawalan din ang kamay ko. Para lang kaming naglalaro na dalawa.

"Tapos pinahirapan mo akong maghanap ng tatlong taon."

"May rason ako kung bakit ako nagtago."

"Alam ko."


Sinilip naman ni Ali ang mukha niya yumuko ito at tinabingi ang ulo. "Pero parang hindi ka masaya."


I pouted my lips. "Teka, sino ba ang sasaya, boyfriend nga kita pero hindi ka man lang nanligaw..."


Naglakas loob akong tumingin sa kanya. Bumuka ang bibig ni Ali at tumitig sa kanya ng mariin na siyang nagpakaba sa kanya. pinilit niyang mag-concentrate para marinig ang sasabihin nito kaya lang ay nadidistract siya sa magagandang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Parang may kakaibang kapangyarihan taglay ang mga mata ni Ali para guluhin ang kanyang Sistema.

"I... I don't know how." He whisper. Lalo lang nagrigodon ang puso niya nang maamoy ang napakabangong hininga ni Ali.


Napakurap naman ako sa sinabi niya. Hindi nito alam. Sa tanang buhay ba nito ay wala itong niligawan ni isang babae man lang kahit sa elementary, highschool at college!? "Paano ka nagkakaroon ng mga babae kung ganun?" tanong ko.

Napakamot naman ng batok si Ali. "Sila ang pumupunta sakin... wala naman akong sinabi na girlfriend ko sila."

Umigting ang panga ko sa narinig. Babaero talaga ang hinayupak. "Wag ka nang manligaw hindi mo naman pala alam...tsk, hindi ko man lang mararanasang ligawan. Lintik! bakit ba kasi natutunan ko yung salitang prim at proper pati na rin elegance. Kasalanan ni Abuela wala man lang manliligaw na lumusot."

Hindi umimik si Ali. Bigla na lamang ito tumayo. Hinawakan ko naman sa braso. Bigla-bigla nalang aalis. "Saan ka pupunta?"

"Hihingi ng tulong... emergency bro code." Sabi nito. Naiwan naman akong nakatunganga.

High Society Club Series 2: Taming The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon