04

1.8K 116 49
                                    

Tapos na silang kumain ng may nagdoorbell sa labas ng bahay ni Ali.

“Ako na magbubukas..” inaayos kasi nito ang pinagkainan nila at wala naman siyang ginagawa kung di ay ang tignan si Mavie. “Baka mga kaibigan ko iyon.”

Tama nga ang hinala ko.

Pagbukas ko ay agad bumungad sa aking harapan ang tatlo kong kaibigan na nakacostume or nakapajama na dinosaur. May malalaki ang ngisi sa labi.

“Kukunin niyo na si Mavie?” tanong ko. Pero imbes na sumagot ay pumasok sila ng bahay na walang pahintulot. Hindi man lang nila ako pinansin!

“Hoy! Nakakahiya kayo wag kayong pumasok.” Sabi ko at sinundan sila. Anong trip na naman nila!? Napahinto kami sa sala at nagkanya-kanya ang mga itong tumingin sa mga gamit.

“Wow kinakahiya na tayo… eh siya din naman walang hiya na natulog dito.” si Riley iyon. Tama nga naman, kaya kami naging magkaibigan eh, kaya lang ay sakit sa ulo.

“Hi Ali.” Sabi naman ni Lexi sabay upo sa sofa. Humagikgik naman ang dalawa. Sinilip kami ni Ali galing sa kusina, siguro ay nadinig ang pagkagulo sa sala.

Tumingin ako kay Ali. Alam kong nagtitimpi lang ito. Ayaw nitong iniinvade ang privacy paano pa kaya na marami sila dito sa mismong bahay ng binata. Nakatayo lang siya ay nagkatitigan kaming dala. Hindi ko mabasa ang reaksyon nito.

“Mga kaibigan ko pala Ali.” Pagpakilala ko sa tatlo. “Si Lexi, Riley at Zion.” ayaw ko naman na maging rude pumasok ang mga kaibigan ko ng hindi sila magkakilala pa.

Tumango lang ito pumasok ulit sa kusina at may kinuha. Hawak nito si Mavie. “Kukunin niyo na si Mavie?” tanong ni Ali sa tatlo.

Ngumiti naman si Riley na mapang-asar. “Hey, hey , hey!”

“Happy birthday!” si Zion.

Napailing nalang siya. Bless my friends. Please give them a mature mind or just give them some sense.

“Tunog Mavie "Si Mavie lang uuwi.".” Si Lexi tila may pang-asar sa mukha.

Hindi ko inintindi pa ang mga sinabi ng kaibigan ko. Dahil tinutukso lang ako ng mga ito. “Ano ba? Umayos naman kayo.” sabi ko pero joke lang yun alam kong hindi nila susundin ang sinabi ko dahil nga ako ay hindi rin nag-aayos. Kaya nga galit si Ali sa akin.Ang cold niya para akong kumakausap sa isang walking ice.

Nagkatinginan naman ang tatlo. Alam na kapag nang-aasar. Ang unang mapikon ay talo. Ngumisi lang ako sa kanila at umupo sa sofa.

“Maayos naman kami… maganda ang outfit namin. Inggit ka lang.”
tumango-tango naman ang dalawa sa sinabi ni Zion...Dinosaur lang naman anong kainggit-ingit dun?

“Bakit ganyan outfit ninyo?” tanong ko. walang panagtutunguhan ang pinag-uusapan namin. Napapansing walang kwenta. Ang layo ng sagot nila kay Ali ni hindi pa nga nasagot ang tanong ng binata kung kukunin ba nila si Mavie.

“Mag-kacamping kami.” they are all having a naughty smile on their lips.

Tumingin ako sa mga damit nito. Costume na pang bata at Dinosaur pa talaga ha? Ok, edi mag camping sila. My friends are unpredictable, bigla bigla nalang gagawin kapag may pumapasok sa kanilang isipan or nagugustuhan ang suggestions ng isa sa kanila.

“Sure kayong magkacamping na nakaganyan?” wala namang masama sa damit nila. May camping site ba dito? Hindi ko kasi alam kasi kay Ali na ako sumusunod. Mahirap nang mawala ito. Hindi pa naman kami nakakapag-usap ng maayos. Tungkol sa akin at sa mana.

“Oo naman ang ganda kaya.”Proud na sabi ni Zion. Umupo pa ito sa sahig at dumikwatro. Parang bahay niyo to ah.

“Kayo bahala… Buhay niyo yan.” Tumawa lang sa kanya ang tatlo.

High Society Club Series 2: Taming The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon