31

1.2K 33 7
                                    

Tapos na kaming magdinner. My parents are busy talking about business with abuelo. While abuela is talking with Ella kung kamusta ang law. Ang kapatid ko naman ay busy sa cellphone kakalaro ng mobile legends.

He is bored.

Sumandal naman ako kay Ali. Pinalandas niya ang kamay niya sa kamay ko hanggang sa mahawakan niya iyon. Sayang at hindi ako makakatulog sa bahay niya. I am going to sleep here tonight with my parents.

“Anong gagawin mo bukas?” tanong ko at sinilip siya. Tumingin din siya sa akin.

“Sa office lang… Ilang araw na akong leave at marami akong nakatambak na trabaho.”

“Ano… kapag na bored ako dito bukas pupuntahan kita sa office mo.”

Napabuntong-hininga ako. “Huwag na pala. Madami kang trabaho…”

Tumawa naman si Ali. I know hindi niya magagawa yung trabaho niya dahil ako palagi ang inaasikaso.

“Susubukan kong gawin lahat ng mabilis para hindi mo ako mamimiss.”

I rolled my eyes. “Anong akala mo sakin mamimiss ka kaagad? Grabe confidence mo ah.” Pero ngumiti pa din ako. Natutuwa sa sinabi niya sakin.

“And I will teach you how to drive.’’
Tumingin naman ako sa kanya. May driver naman ako bakit tuturuan pa ako?

“I know what you are thinking… kailangan mo ding matuto.” He kiss my cheeks.

“Sige…ikaw naman magtuturo eh.”

The next day. Maaga palang ay tumawag na sa akin si Ali. Para sabihin sa akin na papasok na siya sa office. My brother keeps on bothering me and he wants to go fishing. Hindi pa din kami nagkikibuan ni Ella.

Tahimik lang ito kapag nagkikita kami sa hallway kasama ang kapatid ko. Kung wala siguro si Neon ay sinugod na ako ni Ella. Akala niya siguro makukuha nito si Ali.
Tinawagan ko naman ang mga kaibigan ko para mangisda.

“I want to go fishing…but I want it in Vietnam.” He stated.

Kumakain kami ngayon with Abuelo and Abuela. Maagang umalis sina mommy Shiela and daddy Daniel pati na din si Ella. Hindi siguro nakayanan ang presensya ng pamilya namin. Kapag nag-away ay baka pagalitan lang sila ni Lolo at palayasin nalang bigla. Mahirap pa naman kapag nagalit ito.

Tumigil naman sa pagkain si Abuelo. I know he likes fishing.

“I know, Neon pero hindi kita masasamahan sa ngayon.” Sagot ni Daddy Nero.

Tumingin naman sakin ang kapatid ko. “Ate will come with me…Busy si Kuya Ali kaya wala siyang gagawin. She will feel bored here.” as if he is sure that i will go with him.

“Oo na… I already call my friends at sasama sila….Sasaman ka din Abuelo diba?” tanong ko dito.

Ngumiti naman si Lolo. “Pwede din sa Indonesia, magandang mangisda din doon.”

Kahit hindi naman talaga namin alam mangisda ng mga kaibigan ko. Diba lalagyan lang namanng bait yung fishing rod tapos hihintayin lang na may kumagat sa bait. Sobrang basic.

Dumating ang mga kaibigan ko na nakapajama pa. Pinakain ko muna sila ng breakfast and I pack some of my clothes para gagamitin namin mamaya. Dumating naman si lolo na nakasunglasses, nakabrown na sombrero at nakajacket ng brown din. Even the shorts ang pinagkaiba lang ay ang tsinelas nitong kulay puti at t-shirt.

“Ready ka na Lo ah. Get up na get up. Mabangis…” Sabi ni Zion.

Tumawa naman ako ng dumating ang kapatid kong si Neon.
“Twinning ah.” Sabay na sabi namin ng kaibigan ko.

High Society Club Series 2: Taming The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon