14

1.2K 69 15
                                    

Kinabukasan ay nagising na lamang siya dahil kay Heart at Kyla. Mag-aalasdyes na ng umaga ay pumunta ang dalawa sa bahay ni Ali.

“Dali na…Magbihis kana magbabake tayo sa kitchen ng club.” Sabi ni Heart sabay yugyug sa kanyang balikat.

“Hindi kayo inaantok?” tanong ko.

Ala-una na kasi sila ng umaga nakauwi dahil sa pagkwekwentuhan. Wala na akong nagawa at nagising ng tuluyan ang aking diwa. Kaya tumayo ako para makapag-ayos na.

“Hindi…nasanay na kasi ang katawan namin. Kaya sige na mag-ayos kana.”
Tumango ako at kumuha ng damit sa closet. Hindi ko maiwasang mapahikab. “Sinong nagpapasok sa inyo?”

Umupo naman si Heart sa kanyang kama at si Kyla naman ay nakatayo lang sa paanan ng kama at inaayos ang kanyang higaan.

“Ako na mag-aayos niyan.” Sabi ko at pumasok na sa restroom. “Sino bang nagpapasok sa inyo?”

“Si Ali… Nagluluto ng breakfast ng dumating kami.”

Pagkatapos kong maligo, magbihis at mag-ayos ay bumaba na kami. Nakita ko si Ali na naka-ayos na at prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng newspaper. Pinasadahan siya ng tingin ng lalaki.

“Pakainin nyo muna siya bago kayo umalis.” Sabi nito. Tumayo naman si Ali at hinawakan siya.

“Sige lang…manunuod na muna kami dito ng sofia the first.” Sabi ni heart at umupo sa sofa sumunod naman si Kayla. Hindi ba kailangan ng camp master ang secretary nito?

“Tumawag ang mga kaibigan mo… hindi mo daw sinasagot ang tawag nila. Tumawag din na guard sa station one may dumating na package.” Sabi nito nang makasubo ako ng pagkain.

“Anong sabi nila?” tanong ko at pinipigilang mapangiti.

“May ginawa kaba?”

Tumingin naman ako sa kanya. “Wala ah! Wala akong ginawang masama.”

Tumitig ito sa akin ng seryoso. Kaya naman ay napaiwas ako at napangiwi. Again her heart is acting weird simula ng bumait sa kanya ang binata and they started their relationship. Nakakadismaya man na hindi niya naranasang ligawan.

“Paano ko pala makukuha ang mga sapatos ay este yung mga box.”

Kinagat ko ang gilid ng aking pisngi. Ano ka ba namang bibig ka.  Saway niyo sa sarili na lalong nagpatalim sa tingin sa binata.

Napabuntong-hininga ito na parang alam na niya ang mga laman ng mga boxes. “I already called a service para ihatid dito sa bahay.”

“Ok… huwag mo nang pansinin mga kaibigan ko… tatawagan ko sila mamaya… inaya ako nina heart magbake. Eh, hindi naman ako marunong.”

“Hindi din alam ni Heart kung paano magbake.”

Lakas loob itong mag-aya tapos hindi din pala alam kung paano magbake. Walang may alam sa kanila. Tapos na akong kumain at niligpit ang aking pinagkainan. Nakaupo lang si Ali sa dinning table habang pinanunuod ang kanyang gawa.

“Anong plano mo ngayon?” tanong ko.

“Wala… dito lang sa bahay wala akong meeting ngayon.”

Tumingin ako sa kanya. “Marunong kang magbake?” tanong ko at lumapit sa kanya.

Umiling naman ito.
Sa kanila kasing apat na magkaibigan ay si Lexi lang ang marunong magbake. “Hindi…”

“Sama ka nalang samin.” Umiling ito at tumayo papuntang sala. Sumunod naman ako sa kanya. Nadatnan kong nanunuood nga ng sofia the first si Heart at Kayla. “Sige na.”

High Society Club Series 2: Taming The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon